Prologue

14.6K 401 20
                                    


NAPABALIKWAS sa kama si Jet. Pawis ang katawan at mukha niya. Napalingon siya sa tabi niya at napatitig doon. Nakaramdam siya ng kahungkagan habang nakatitig sa bedsheet. Naikuyom niya iyon ng kamay at marahas na napabuntong hininga at napatingin sa paligid. Ilang segundo ang lumipas bago naging malinaw ang isip niya. Nasa loob siya ng kaniyang silid at malamang ay malalim pa ang gabi. Tahimik ang paligid at nag-iisa siya. He has been alone for almost a decade already.

Naihilamos niya ang dalawang kamay sa mukha niya. Kung ganoon ay panaginip lamang ang lahat. Mariin siyang pumikit at nahiling na sana ay hindi na lamang siya nagising kaagad, na sana ay hindi na lamang panaginip ang lahat. Pinilit niyang inalala ang mga eksena sa panaginip niya. Mga paputol-putol na eksena ang dumaan sa utak niya. It was surreal and blurred and it's making his head ache along with something on the middle of his chest.

Ang una niyang naalala sa panaginip niya ay nakaupo siya sa sahig at nakatingala sa madilim na langit. Bilog at maliwanag ang buwan ngunit wala roon ang atensiyon niya. Nakita niya ang sarili niyang humihithit buga ng sigarilyo at umiinom. He felt miserable and lost. Pagkuwa'y habang nakatitig siya sa langit ay naramdaman niyang may lumapit sa kaniya. Kahit gising na siya ay parang naamoy pa rin niya ang mabangong amoy ng sabon mula sa taong iyon. Natatandaan niya na tiningala niya ito.

In his blurry vision, he could outline her face that was showered by the moonlight. Natatandaan niyang nasalubong niya ang mga mata nito. Ang mga matang hindi iilang beses niyang nasabing pagmamay-ari ng isang anghel na minsan na siyang iniligtas sa kapahamakan. Natatandaan niya na nang ngumiti ito sa kaniya ay parang may mainit na kamay na humaplos sa dibdib niya, easing the pain and heaviness he felt at that moment.

Nang umupo ito sa tabi niya ay tuluyan na siyang nakalma. Natatandaan niyang kinakausap siya nito pero hindi na niya maalala ang mga eksaktong salita. Ngunit natatandaan niya ang pakiramdam na binuhay nito sa kaniya sa mga oras na iyon. Iyong pakiramdam na nais niya itong ikulong sa mga bisig niya, ang hagkan ito at iparamdam dito ang damdaming hindi niya madaan sa salita. Then the next thing he knew, she was already in his arms and his lips capturing hers. Sa pagkakataong iyon ay naisip niya, ayaw na niyang pakawalan pa ang babaeng ito.

But just as he thought of that, she suddenly vanished from his arms. Naiwan siyang nag-iisa. At kahit saan siya lumingon ay hindi niya ito makita. Sa panaginip niya ay nagsimula siyang tumakbo, hinahanap ito hanggang sa naliligo na siya sa pawis. Pero hindi niya ito natagpuan.

Marahas siyang napabuga ng hangin at nahilamos ng mga palad ang mukha. Hindi niya mapagdesisyunan kung nais niyang kalimutan ang panaginip niya o hindi. Huminga siya ng malalim at tuluyang bumangon. Hinatak niya ang roba niya at walang anumang isinuot iyon upang matakpan ang kahubdan niya. Walang anumang ibinuhol niya iyon. kinuha ang pakete ng sigarilyo at lumabas ng kaniyang silid.

Lumabas siya sa balkonahe at saglit na dinama ang malakas na hangin sa balat niya. He looked down at the bright lights of the metropolis. Nagsindi siya ng isang sigarilyo at hinithit buga iyon upang kalamahin ang sarili. Hindi niya malimutan ang panaginip niya dahil hindi lamang iyon isang panaginip kung hindi isang alaala kasama ang babaeng pinakaimportante sa buhay niya.

Just where are you now Sissy? Bakit bigla kang nawala ng hindi man lang nagsasabi? Mapait na tanong niya. Sa loob ng maraming taon ay palaging iyon ang tanong niya. Dahil tulad ng sa panaginip niya, kung kailan akala niya ay habambuhay na silang magkakasama ay bigla itong nawala. Ni walang eksplanasyon at wala itong iniwan kahit isang bakas.

Saglit lamang siyang nanatili doon bago pumasok ulit ng silid niya. Nang makitang alas dose pa lang ng madaling araw ay mabilis siyang nagbihis at lumabas. Tinungo niya ang motorsiklo niya at sumakay doon. Walang pagdadalawang isip na pinaharurot niya iyon.

"O, NANDITO ka na naman," agad na puna ni Bob kay Jet nang makalapit siya sa bar counter ng Biker's Grill. Tambayan niya at ng mga barkada niya noon pa mang kolehiyo siya ang lugar na iyon. Pero hindi lang dahil doon kaya sa kabila ng maraming taon ay bumabalik balik pa rin siya roon.

Umupo siya sa high stool at wala sa loob na napatitig sa likod ng bar counter. Parang nakikita niya pa roon si Sissy na nakatayo at abala sa pagbibigay ng order ng mga customers doon. He could still remember how she seems to have an air different from anyone else as if she doesn't belong on that world. Nang maisip iyon ay nakaramdam siya ng pangungulila. "Talagang hindi na siya bumalik kahit dito," wala sa loob na sabi niya.

Napalingon siya kay Bob nang maglapag ito ng isang bote sa harap niya. "Jet, sampung taon na ang lumipas. Sampung taon ka na ring pabalik-balik dito. Sa inyong magkakaibigan ikaw na lang ang madalas magpunta rito. Hindi ka pa ba nagsasawa?" tanong nito.

Mapait niya itong tiningnan at kinuha ang bote. "Hindi. Hangga't hindi ko siya nakikita hindi ako magsasawang bumalik dito o kahit sa dati naming tinitirhan," pinal na sabi niya. Tinitigan siya nito. Hindi siya nag-alis ng tingin. May nabasa siyang kung ano sa mga mata nito na hindi niya naiwasang idugtong. "So if you know where she is, please tell me," pakiusap niya rito.

Bumuntong hininga ito at ngumiti. Tinapik siya nito sa balikat. "Kahit matagal mo na siyang hinahanap sa akin hindi ko pa rin alam kung ano ang nangyari sa inyong dalawa pero dahil sa tingin ko naman ay pareho pa rin ninyong mahal ang isa't isa ay tutulungan kita. Siguruhin mo lang na pasasayahin mo ang pamangkin ko Jet."

Kumabog ang dibdib niya at nailapag niyang muli ang bote. "You know where she is?" manghang tanong niya.

"Aksidenteng nagkita kami kahapon. Ang batang iyon, wala rin yata akong balak kitain kung hindi pa kami nagkita," sabi nitong may dinukot sa bulsa. Inilapag nito ang papel sa harap niya. "Iyan ang address niya, cellphone number at pati kung saan siya nagtatrabaho."

Agad na kinuha niya ang papel na iyon at tumayo. "Salamat Bob!" aniya rito. Mukhang may sasabihin pa ito pero agad na siyang tumalikod at lumabas ng Biker's Grill. Mahigpit niyang hinawakan ang piraso ng papel na iyon na susi para makita niyang muli si Sissy.

Nang nakasampa na siya sa motorsiklo niya ay saka niya tiningnan ang nakasulat doon. Natigilan siya nang mabasa ang pangalan ng pinapasukan nito. Montero Hotel and Resorts Corporation main office. Hindi niya alam kung matutuwa siya o hindi. Ang lugar na iyon ang pinakahuling gusto niyang puntahan. Pero kung nandoon si Sissy ay hindi siya magdadalawang isip. Because he will disregard everything just to be with her again, the woman he loves.

TIBC BOOK 5 - THE TROUBLEMAKERTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon