SHE missed him, and his kiss, and his smell and everything about him. Iyon lamang ang paulit-ulit na tumatakbo sa isip ni Sissy habang hinahalikan siya ni Jet. Nawala sa isip niya kung nasaan sila, o kung ano ang sitwasyon niya. Basta hinayaan niya ang sarili niyang lumutang pabalik sa mga panahong walang kumplikasyon sa pagitan nila at masaya sila. Gusto niyang iparamdam dito kung gaano siya nangulila dito. Pero bago pa niya magawa iyon ay tumigil na ito sa paghalik sa kaniya. Dahan-dahan siyang dumilat. May tipid na ngiti sa mga labi nito. "See? It's not harrassment. It's giving in to our feelings." Pagkasabi niyon ay dumeretso na ito ng tayo. "Let's go eat lunch. Bibisita tayo sa isang hotel ng kumpanya mamaya tama?" tanong nitong lumakad na.
Para siyang binuhusan ng malamig na tubig. Ano ang problema nito at pinaglalaruan siya nito ng ganoon?! "That's it!" galit na usal niya kasabay ng pagtayo. Lumingon ito sa kaniya. Mapait na tinitigan niya ito. "Bakit mo ba ginagawa sa akin ito? Wala akong ginawang masama sa iyo! Ikaw ang may atraso sa akin! Ang sabi mo babalik ka pero hindi ka bumalik. Pagkatapos ako ang inaakusahan mo na hindi ka hinintay! At ngayong kahit papaano nagagawa ko ng mag move on sa buhay ko s-saka ka babalik, saka mo guguluhin ang utak ko! Then you act as if you didn't do anything wrong to me before! You left me without any explanation! How could you come back to my life again as if nothing happened?!" frustrated na sigaw niya rito.
Hindi ito nagsalita at nanatiling nakatitig sa kaniya. Pagkatapos ay nagsimula itong lumakad palapit sa kaniya. Hindi siya kumilos. At nang yakapin siya nito nang mahigpit ay tuluyan ng tumulo ang mga luha niya. "I'm sorry," mahinang sabi nito habang nakasubsob ang mukha nito sa leeg niya. "I'm sorry," ulit nito.
Napahikbi siya at inangat ang mga braso at kumapit siya sa balikat nito. Narealize niya na iyon ang unang beses na umiyak siya ng ganoon mula nang maghiwalay sila noon. Pakiramdam niya ay binukan nito ang gate ng mga emosyon niya at bumubulusok iyon palabas. Ang hikbi niya ay naging hagulgol. Hindi siya nito binitiwan. "You don't know how miserable I was when you didn't show up. Hindi mo alam kung gaano ako kalungkot sa mga nakaraang taon na wala ka," aniya sa pagitan ng paghikbi.
"I'm sorry," sabi na naman nito at ginawaran siya ng malilit na halik sa ulo niya. Naramdaman niya ang paghagod nito sa likod niya. Kahit papaano ay unti-unti na siyang nakakalma sa ginagawa nito at sa pag-iyak niya. Ni hindi niya akalaing iiyak siya ng ganoon sa harap nito. Nangako siya na hindi siya iiyak at nagawa niya iyon sa loob ng maraming taon. Pero ngayong nasa bisig siya nito ay hindi na niya napigilan ang sarili.
Bahagya siyang inilayo ni Jet sa sarili at ikinulong ng mga palad ang mukha niya. He gave her little kisses, drying her tears in the process. "I'm sorry. But I swear I came back. Pero nang dumating ako doon wala ka na at hindi alam ng landlady o kahit ni Bob kung nasaan ka," magaang ng sabi nito habang nakatitig sa mga mata niya. "I tried to look for you pero hindi kita makita. Pero hindi ako sumuko. Palagi akong pumupunta sa apartment at sa Biker's Grill, umaasa na maiisipan mong bumalik. I've been waiting for you for all these years Sissy, everynight, everyday, every minute, every second. Palagi kong hinihiling na sana bigla kang sumulpot sa harap ko. Ngayong nakita na kita, hindi ako papayag na mawala ka pa sa akin," matatag na sabi nito.
Nararamdaman niya ang sinseridad sa sinabi nito. Dahil doon ay gumaan ang pakiramdam niya kahit papaano. Kasabay niyon ay nakaramdam siya ng kasiyahang hindi niya naramdaman sa mahabang panahon. Tumitig siya rito ngunit wala siyang maapuhap na tamang salita para sabihin dito.
Ganoon ang itsura nila nang may biglang kumatok sa pinto. Bago pa nila magawang maghiwalay ay bumukas na iyon. Sumungaw ang tumatayong sekretarya ni Jordan sa kasalukuyan. Halatang nagulat ito nang makita sila. Mabilis siyang tumalikod dito at pinahid ang pisngi niya. Kahit hindi niya nakikita ay siguradong namumula at namamaga ang mga mata niya. Baka kalat din ang lipstick niya dahil sa halik ni Jet.
BINABASA MO ANG
TIBC BOOK 5 - THE TROUBLEMAKER
RomancePara kay Sissy, isang misteryo si Jet Montero. Parang may lihim na itinatago ang guwapong binata sa pagkatao nito. Masungit din ito at madalas napapaaway, pero pagdating sa kanya ay umaamo ito na parang tupa. Alam niyang imposibleng ma-in love siya...