Prologue

8 0 0
                                    

"Yes, I'm breaking up with you" I felt my heart shatter in millions of pieces. "B-Baket? What did I do wrong? A-Anong kasalanan ko?" hindi ko maintindihan. All I ever did was love him. Binibigay ko sakanya ang lahat lahat na kaya kong ibigay. "You will never be good enough for me" when I looked at his eyes, all I can see is disgust and regret. Hindi ko maintindihan kung bakit siya nagkakaganito. We were all okay yesterday... until he talked to Beatrice. Finally, it hit me. "Anong sinabi ni Beatrice sayo?" 

He looked down. "Beatrice had nothing to do with this" Pero alam kong meron. "Tell the truth Kyle! Anong sinabi sayo ni Beatrice?!" i tried to pull myself together. Keeping myself from bursting into tears. Sinubukan kong hawakan ang kanyang kamay ngunit binawi niya lang ito "Don't touch me. I can't believe anything from you anymore. Nakakadiri ka. Hindi ko alam kung bakit minahal kita in the first place..." hindi ko na napigilan ang mga luha ko "I've wasted 2 years on our relationship... My friends knew better. I should've listened to them in the first place" hindi ko na napigilan ang aking sarili. Tumuloy tuloy na ang agos ng aking luha na kanina ko pa pinipigilan. "P-Pero... Kyle, sabi mo ako lang ang pakikinggan mo. S-Sabi mo ako lang ang paniniwalaan mo..." 

"I guess I lied. Goodbye, Sancha." Sinaraduhan niya ako ng pinto. Nakatuon sakin ang atensyon ng mga tao pero hindi ko na iyon binigyan ng pansin. Wala na akong pakialam kahit na naka handusay ako dito sa hallway ng hospital kakaiyak. Wala na akong maramdaman. Wala na akong ibang nararamdaman bukod sa kirot mula sa aking dibdib. 


Ilang araw na akong nandon. Ni hindi ako umaalis sa aking pwesto. Dito na ako natutulog sa upuan sa labas ng private room ng daddy ni Kyle. Tatlong araw na akong hindi nakain. Hindi na rin naman ako nakakaramdam ng gutom. Gusto ko lang magkausap kami ng maayos ni Kyle. Sabihin niya man lang sakin kung ano yung nagawa ko sakanya. Napabalikwas ako ng tayo nang lumabas ulit si Marie, ang nurse ni Tito Charles. "Ate Marie, si Kyle po?" 

"Nako, neng, wala na sila" hindi ako naniwala. Nakita ko si Kyle sa loob ng kwarto "Anong ibig mong sabihin? Anjan sila eh!" Hindi ko na napigilan ang sarili ko na magpilit na pumasok sa loob. "What the?!"

"Kyle, please magusap naman tayo"

"Mikyle, I told you to get rid of that woman now! You are too good for her!"

"Security, paalisin niyo na yang babaeng yan dito" ang hirap maprocess na galing kay Kyle yung mga salitang iyon. "Kyle, please naman wala akong ginawang mali"

Dumating na ang mga guwardiya at hinila na nila ako palabas. Hindi naman na ako pumalag. Masyado na kong nanghihina. Nawala na ang adrenaline na nagpabuhay sakin kanina nang nakita ko si Kyle. I saw him one last time. Hindi ko aakalaing poot at galit ang huling makikita ko sa kaniyang mga mata. Hindi ko parin alam kung anong nagawa ko. The only thing I know is that i messed up real bad. Tumingala ako nang marinig ang marahan na pag kulog. Seriously? Sasabay pa ba talaga yung panahon sa nararamdaman ko ngayon? Nag lakad na ako pauwi. Hindi ko na pinapansin ang malamig na patak ng ulan na unti unting lumalakas. I feel numb. Sobrang overwhelming lang kasi ng sakit sa dibdib ko to the point na nagiging manhid na ako. 


Akala ko wala nang mas lalala pa sa nararamdaman ko ngayon pero nag kamali ako. May mas ilulungkot at mas isasakit pa pala tong nararamdaman ko nang makita ko ang ambulansya sa labas ng bahay namin. 

"M-Ma?" kahit namamalat na ang aking boses, pinilit ko parin ang aking sarili para tawagin si mama nang makita ko ang pamilyar na kamay na nakaladlad mula sa stretcher. Agad na akong tumakbo patungo sa ambulansya. "Ano pong nangyare?!" 

"Kayo po ba ang anak ng pasyente?" tanong ng medic at agad naman akong sumagot. "Mabuti pa't sumama ka na po sa amin. Kaylangan na sya isugod sa ospital"

sumama nalang ako sakanila. Hindi na ako pinapasok sa loob kasama si mama kaya sa harap na ako pinaupo. 


Agad siyang dinala sa operating room at ako naman ay matiyagang nag intay sa labas. Kakagaling ko lang sa ospital ngunit nandito nanaman ako. Nakatulala lang ako nang may pamilyar na boses akong narinig. "Sancha?" boses ni Kyle. Papunta na sana ako sakanya upang yakapin sya pero pinigilan niya ako. "Hindi ba pinalabas ka na ng security? Gusto mo bang tumawag ulit ako para lang mapaalis ka?" Hindi ko na mapigilan ang galit sa aking dibdib. Kanina ay lungkot at pag asa ang nasa puso ko ngunit ngayon ay purong galit nalang ang nararamdaman ko. Sinampal ko siya. Ito na siguro ang pinaka malakas na sampal ko sa buong buhay ko. 

"Ms. Romero that's enough!" dati, para akong nabubuhusan ng malamig na tubig kapag binabanggit ni Tito Charles ang pangalan ko. Ngunit ngayon, hindi na ako nagpatinag. "Guards! Hindi ba sabi ko paalisin niyo ang babaeng yan dito?!" Sinubukan akong hilahin ng mga guwardiya palabas ngunit nag pumiglas na ako. "Bitawan niyo ko kung ayaw niyong idemanda ko kayo" I heard Tito Charles scoff. "Wow... The nerve of this girl. Ikaw pa talaga ang may lakas ng loob na mag demanda" 

"Opo, kaya kong kasuhan kahit ikaw at ang mga guwardiya dito ng harassment" Ayoko nang magpatalo. Dalawang taon din akong nagtiis sa mga panlalait at ang mga masasakit na salita ni Tito Charles. "Oh really? Baka gusto mong ikaw ang kasuhan namin?"

"Dad." tawag ni Kyle ngunit hindi nag paawat si Tito Charles

"Harassment... and attempted robbery?" natigilan ako sa sinabi niya. Attempted robbery?

"Dad! Let's go" ani Kyle at hinila niya na palayo ang kaniyang ama. Hindi ko nalang sila binigyan ng pansin at umupo nalang ako while hoping for the best para kay mama. 


The 4 hour surgery felt like days. Grabe... Sobrang overwhelming. I'm physically and mentally tired... like sobra. 

One and OnlyWhere stories live. Discover now