Chapter 11: I'm so dead!

316 6 1
                                    

Simula nung kumalat ang bali-balita na “GIRLFRIEND” DAW ako ni Justin, naging instant celebrity ang dating ko ngayon sa school. May ibang feeling close na lumalapit sakin at tinatanong ako about sa relationship namin kuno ni Justin, yung iba naman panay ang tingin at bulungan, may iba namang dedma lang ( which is good! ). AT MAY MGA TAO NGA NAMAN NA ANG SARAP SAKTAN DAHIL WALANG GINAWA KUNDI TUKSUHIN AKO NG TUKSUHIN SA KUMAG NA YON.

“UYYYY Krisha! Lumalandi!” panay ang tusok ni Mikee sa tagiliran ko. Kanina pa tong babaeng to eh, wag niyo kong pigilan, sasaktan ko na to.

“HIHIHIHI kilig much!” panay naman ang hagikgik ni Ranie sa tabi ni Mikee.

“Stop that! Both of you!” saway ko sa dalawa. Kung makatukso wagas, friend ko na ba sila? Hmp!

Nandito kami ngayon sa labas ng gate ng school namin. Ngayon kami pupunta kila Justin para gawin yung Project namin sa Music. Hinihintay lang naman namin ngayon yung tatlong kumag na lalaki, na ngayon eh nasa parking lot ng school. Remember? Sa kotse ni Justin kami sasakay lahat. Tsk! =___=

“Ano ba talaga nangyari sa mall ha Krisha? Magkwento ka naman!” pangungulit sakin ni Mikee.

“Wala.” Tipid kong sagot.

Napakamot naman ng ulo si Mikee. “Boring…”

 

Di ko maiwasang mairita tuwing naaalala ko yung nangyari sa mall. THAT STUPID JERK. Kasalanan niya to eh! Kung di siya nangialam wala sanang chismis na ganito. KAIRITA LANG!

**flashback**

“You.. Who is your girlfriend again? This girl?” sabay turo sakin. “Sorry, but.. are you referring to MY GIRLFRIEND?” at naramdaman kong humigpit yung pagkakahawak niya sa bewang ko.

 

Nabibingi ata ako? Ano daw niya ko? GIRLFRIEND? Nahihibang na ba tong kulugong to. Gagawin pa kong two-timer, girlfriend na nga daw ako nung Tim, tapos girlfriend din niya ko? Shetengyan, naiistress ako!

 

Nilapit ko yung mukha ko sa tenga ni Justin. “What the hell are you sa---“ pero bago ko pa man din matapos yung ibubulong ko, hinila nako ni Tim pabalik sa mga bisig niya. Shemay, bisig talaga =____=

 

“Awwwww.” daing ko. “tigil-tigilan niyo nga paghila sakin, nasasaktan nako ha!” nagtatakang napatingin sakin si Tim.

 

Oooops. Akala niya nga pala pipi ako.  (^____^)v

 

Pero di pa man din ako nakakabawi sa paghila sakin ni Tim, hinila na naman ako ni Justin pabalik sakanya. Pero bago pa man din ako maglanding kay Justin eh hinila na naman ako ni Tim. Bale nasa gitna na ako nung dalawa, yung kaliwang braso ko, hawak ni Tim, samantalang yung kabila, hawak naman ni Justin. Di nila ko tinitingnan, nagsusukatan lang sila ng tingin, kulang nalang makakita ako ng laser beam eh.. =_____=

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 27, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Yes I Do, I Do Hate You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon