Chapter 6: The Unexpected Thing

234 7 3
                                    

Dedicated para sa isa ko pang iniidolo.. <3

Kilala niyo na siya alam koooo. Hahaha! <3

Hello Aly-neechan! ^o^)/

----

“JUSTIN—WAAAAAAAAA!!!”

 

*BBOOOOOOGGGSSSHHHHHH*

UWAAA.. SHET NA MALAGKET.. Bakit ba kung hindi ako nadadapa at natitimpalok, nahuhulog naman ako! Eto na ba ang pinakatatago-tago kong hidden talent? ;w;)

Hinimas himas ko pa ang aking pang-upo na lubhang nasaktan, at bumalik sa kama, awtsuuu nalamog ata. Pero pasalamat na rin ako at hindi ko hinalikan ang sahig no? HAHA! Oo nga oo nga, kundi, mukha ko ang lamog. Baka mapaaga ang pasko at mag-ala “rudolf the red nose raindeer” ang maging peg ng ilong ko.

TSKTSKTSK..

Pagkahigang pagkahiga ko ay napatitig nalang ako sa kisame. Hinihila na ko ulit ng antok pero di ko magawang pumikit.. parang.. parang may mali eh. May mali talaga.

“P-panaginip lang ba yon?” tanong ko sa kawalan.

Panaginip lang ba lahat ng nangyari kahapon?

*toktoktok*

 

Baka nga, baka panaginip lang yon.

*toktoktok*

 

Pero kung panaginip lang, bakit.. bakit parang.. toto—

*toktoktok*

 

Haist. Sino naman kaya tong kumakatok na to? Pag kumakatok naman si MomMy, tinatawag niya yung name ko, ganun din naman si Daddy Carl.

O_____O

Don’t tell me si Justin yung kumakatok? ISANG MALAKING …. WHY?

*click*

 

Sheep.. hindi pala nakalock yung pinto >_____<

Dali dali akong nagtulug-tulugan. Wala naman kasi akong maisip na reason kung bakit kailangan pa niya kong puntahan sa kwarto ko. At isa pa, ano namang sasabihin ko sakanya pag nagkataon? Tss. Mas matino pang kausap ang pader. =_____=

Naramdaman kong huminto si Justin sa gilid ng kama ko. Medyo naiirita ako, dahil ayoko sa lahat pinagmamasdan ako.

“Sure ka ba teh na pinagmamasdan ka niya?”

 

Yes I Do, I Do Hate You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon