Chapter 9: I'm his.. WHAT?

309 5 2
                                    

Sunday Morning. Balak ko sanang matulog lang maghapon dahil napuyat ako kagabi kakaisip nung nangyari kahapon. Hanggang ngayon kasi di ko alam kung magsosorry bako, o hindi. Kaya lang nagi-guilty talaga ako. Once na ma-guilty pa naman ako, di ako pinapatahimik ng konsensya ko. Hayyy.

Pinuntahan ako kanina ni MomMy sa kwarto para sabihin na may lakad kami ngayon, nag-aya siya na mag-mall kami. Akala ko nung una, kaming dalawa lang, pero kasama pala si Daddy Carl, at yeah pati si Justin. Nung una nga ayaw niyang sumama pero napilit siya ni MomMy kaya wala na siyang nagawa kundi ang sumama. Di ko alam kung bakit ayaw niyang sumama, family bonding to eh. O hindi kaya, galit siya saken? Di niya masikmurang kasama ako? Nauumay na siya? Eh di ba mas maganda pa nga yon, para walang asungot. Eh bakit di ako mapakali? Ako lang din mahihirapan pag pinatagal ko to kasi di ako patatahimikin ng napakagaling kong konsensya. KAILANGAN KO NA TALAGANG MAGSORRY. T____T

Paano ba? Tsk. Bahala na.

Naligo nako para naman maaga akong matapos gumayak. Nakakahiya naman kasi kung ako pa iintayin nila. After kong isuot yung napili kong damit, pinagmasdan ko yung repleksyon ko sa salamin. Sinuklay ko lang at pinatuyo ng konti yung buhok ko at ng makuntento nako, lumabas nako ng kwarto at pumunta sa sala.

[ A/N: Ayun si Krisha sa gilid, ayun din yung suot niyang damit ngayon at style ng buhok! Hihi ]

Pababa palang ako ng hagdanan ng maabutan ko sila MomMy at Daddy Carl na nakaupo sa may sala at wow ha? Holding hands while sitting? Pauso nila? Haha. Sweet <3 Napangiti tuloy ako bigla. Ganito din kasi ka-sweet sila Mommy at Daddy, though kadalasan, nabubugbog si Daddy ng hampas dahil sa kakornihan nito. Na-miss ko tuloy sila bigla. Kamusta na kaya sila doon? Di man lang nila ko kinakamusta. Katampo.

 

“Oh Krisha nandyan ka na pala. Halika na dito.” Nakangiting aya sakin ni MomMy ng makita niya kong nasa hagdanan pa at nakangiting pinagmamasdan sila.

Umupo ako sa tabi ni MomMy.

 

“Hay nako talaga yung batang yon, ang tagal gumayak.” Sabi ni MomMy na halatang naiinip na.

Inakbayan naman siya ni Daddy Carl. “Hon, nagpapagwapo pa yung anak mo, wag mong madaliin.”

“Gwapo naman na yung anak natin ah? Bakit kailangan pang magpagwapo. Kahit nga siguro pagsuotin natin yun ng gutay gutay na damit at lagyan ng uling sa mukha, pagkakaguluhan pa rin. Tsk.”

Parang gusto kong umiling. Parang ayokong sumang-ayon. Pero syempre, anak nila yung pinag-uusapan nila kaya nanahimik nalang ako. Masabihan pako ng EPAL.  (^3^)\

“Kanino pa ba magmamana yun hon?” ngingiti ngiting sabi ni Daddy Carl.

 

“Nako hon, wag mo kong ngitian jan, di mo ko madadaan sa pangiti-ngiti mo.” Sabay irap pa ni MomMy.

Mas lalo pakong napangiti. Ang kulit nila. Hahaha.

“I love you, hon.” Malambing na wika ni Daddy Carl sabay yakap kay MomMy.

Yes I Do, I Do Hate You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon