Chapter 3: Unwanted Seatmate

331 9 3
                                    

 

“ Krisha, your seat is beside Mr. Ramirez.”

I just rolled my eyes and find my seat. B-but w-wait.. Did I heard it right?

Mr. Ramirez? Huh? Wag mong sabihing..  Ang makakatabi ko eh si.. si..

 

Dahan dahan akong naglakad papunta sa upuan ko, at habang naglalakad ako, nakatingin lang ako sa lalaking makakatabi ko na nakatingin naman sa bintana at nakapalumbaba at siyang nakakuha ng atensyon ko kanina.

Nagkakamali lang ako diba? Hindi talaga pwede. T___T

 

Hindi pwedeng ang makakatabi ko slash magiging kaklase ko pa of all people ay si..

“JUSTIN!” sabay tawag ng babaeng nakaupo sa unahan niya na ikinalingon niya. Inabot ng babaeng tumawag kay Justine yung notebook. Nanghiram siguro ng notes si girl sa lalakeng to. Tsk.

Then he looked at me.

O_____O – Krisha

=_____= - Justin

“What?!” he said.

Diko namalayan, napatagal na pala yung pagtitig ko sakanya.

“Nothing.” I shrugged. Umupo nako sa seat ko.

Okay na sakin yung classmate ko siya sige, pero bakit magiging seatmate ko pa siya. SOBRANG TORTURE NA TO! >_____<

Ma’am Resse starts to discuss something. Hmm, so she’s not only our homeroom teacher, she’s also our English Teacher huh?

Well, diko hahayaang masira ang focus ko sa pag aaral ng dahil lang sa katabi kong ungas. I should concentrate!

**BREAKTIME**

 

Uwaaaa, nagugutom nako. 3 subjects din yun! Almost 4 hours dahil yung ibang teacher namin nasiyahan atang magturo at nag extend pa! ARGH. Lumupaypay nako sa desk ko. Gusto kong magpunta sa canteen pero diko alam kung saang part ng school siya makikita T^T Ayaw ko naman magpasama kay Justin, dahil mukhang wala siyang balak na samahan ako hayyy :”<

*GRUUUUUU*

O///////////O W-waaa, wag kang maingay tiyan kooo!! Maririnig ng katabi ko yaaan eh T^T

*GRUUUUUUUUUUUUUUUU*

>////////////< PLEASE, STOOOP. STOPPPPP!! Sige na, hahanapin ko na yung canteen, hahanapin ko na!

Tumayo nako bago pa man ako ipahiya ng tiyan ko. Palabas nako ng room ng biglang may humarang sa akin.

“ HI BEBS! “

 Shocks! Kung kelan ako nagmamadali saka naman lilitaw tong lalaking to.  =____=

Yes I Do, I Do Hate You!Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon