tauhan

2.7K 2 0
                                    

Si Elias ay isa sa mga prominenteng tauhan sa nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Siya ang bangkero at magsasakang tumulong kay Crisostomo Ibarra na imulat ang kanyang kaisipan sa mga suliraning kinahaharap ng Pilipinas. [1] Siya ay nagmula sa isang pamilyang nakaranas ng matinding pighati sa ilalim ng mga Kastila. Ito ang pangunahing dahilan kung bakit matindi ang kaniyang poot sa mga mananakop.

Si Sisa ang ina nina Crispin at Basilio sa nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Inilalarawan si Sisa sa nobela bilang isang magandang dalagang Pilipinang nasadlak sa kahirapan at kawalan ng hustisya. Sa kanyang murang edad ay nakapagasawa siya ng isang tamad at walang pusong lalaki. Lulong sa sugal ang kanyang napangasawa hanggang sa naubos ang kanyang mga hiyas. Upang kumita ng pera, siya ay nananahi na madalas abutin ng hating-gabi. Isang araw nang hindi niya makita ang kanyang dalawang anak, siya ay nasiraan ng bait. Namatay si Sisa sa piling ng kanyang anak na si Basilio sa gubat na pagmamay-ari ng mga Ibarra. Sinunog ni Basilio ang kanyang bangkay kasabay ng pagsunog sa bangkay ni Elias hanggang sa ito ay maging abo.

 

Si Padre Damaso Verdolagas o mas kilala sa tawag na Padre Damaso ay isa sa mga prominenteng tauhan sa nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Siya ang biyolohikal na ama ni Maria Clara, ang kasintahan ng pangunahing tauhan ng nobela na si Crisostomo Ibarra. Nabuntis niya ang ina ni Maria Clara na si Doña Pia Alba nang lingid sa kaalaman ng lahat.

Si Basilio ay isang kathang-isip na tauhan sa dalawang nobela ni Jose Rizal--ang Noli Me Tangere at ang El Filibusterismo. Siya ang nakatatandang kapatid ni Crispin at anak ni Sisa sa Noli Me Tangere, at naging mag-aaral ng medisina sa El Filibusterismo.

Si Crisostomo Ibarra o Juan Crisostomo Ibarra y Magsalin ay ang pagunahing tauhan sa nobela ni Jose Rizal na Noli Me Tangere. Siya ay isang binatang nakapag-aral sa Europa at nang bumalik ngPilipinas ay nangarap na makapagpatayo ng paaralan sa bayan ng San Diego.

Si Crispin ang nakababatang kapatid ni Basilio at anak ni Sisa sa nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Siya ay pitong taong gulang sa panahon ng nobela. Tulad ni Basilio, isa rin siyang sakristan sa simbahan ng San Diego. Tungkulin niyang alalayan ang kanyang kuya sa pagpapatugtog ng kampana.

Siya ang napagbintangan ng sacristan mayor na nagnakaw ng dalawang onsa (o katumbas sa halagang tatlumpu't dalawang piso) ng simbahan. [1] Bilang kabayaran sa salaping nawala, nagdusa si Crispin sa mga tampal at latigo ng sacristan mayor.

Si Don Santiago de los Santos o mas kilala bilang Kapitan Tiago ay isang kathang-isip na tauhan sa dalawang nobela ni Jose Rizal – ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Siya ang asawa ni Doña Pia Alba at ama-amahan ni Maria Clara

Si Maria Clara o Maria Clara de los Santos y Alba ay ang kaisa-isang anak nina Don Santiago de los Santos at Doña Pia Alba. Ang pangalang Maria Clara ay bilang pagbibigay unlak sa Birhen de Salambaw at kay Santa Clara. Pinaniniwalaang nabuo si Maria Clara dahil sa pagsayaw ni Doña Pia sa fiesta ng Obando ngunit lingid sa kaalaman ng lahat, ang kanyang totoong ama ay si Padre Damaso.

Mukhang europeo si Maria Clara ngunit ipinagpalagay ng lahat na dahil lamang ito sa paglilihi ng kanyang ina. Simula noong siya'y may edad na 14, nanirahan siya sa loob ng pitong taon sa beaterio upang tumanggap ng mga turong banal.

Siya ang kasintahan ng bidang si Crisostomo Ibarra. Sapagkat tutol ang kanyang amang Padre Damaso kay Ibarra, siya ay ipinagkasunduang magpakasal sa isang Kastilang si Linares. Lubhang nalungkot si Maria Clara sa desisyong ito kung kaya't pinili niyang pumasok sa kumbento at magmongha. Sa huling kabanata ng nobela, inilarawan ang isang mongha na nakita ng dalawang guardia sibil sa taas ng bubong habang kumikidlat sa langit at malakas ang ulan.

Siya ay kumakatawan sa isang isteryotipikal na dalagang Pilipina noong panahong iyon: Mayumi, relihiyosa, at magalang. [1]

Si Doña Victorina de Espadaña ay isang kathang-isip na katauhan sa dalawang nobela ni Jose Rizal--ang Noli Me Tangere at El Filibusterismo. Siya ang kabiyak ni Don Tiburcio de Espadaña at tiyahin niPaulita Gomez. Ginagampanan niya ang papel bilang isang Pilipinang mapagpanggap bilang Kastila kaya't nagsisikap siyang lagyan ng kolorete ang mukha at magsalita ng Espanyol kahit mali-mali ito. [1]

Si Pilosopong Tasyo ay isa sa mga prominenteng tauhan sa nobelang Noli Me Tangere ni Jose Rizal. Siya ay kilala sa kanyang mga matalinghaga at matalas na opinyon na tumutugon sa tunay na nararanasan ng Pilipinas sa kamay ng mga Kastila.

Siya ay nakapag-aral ng pilosopiya sa kolehiyo ng San Jose ngunit dahil sa kagustuhan ng kanyang ina, iniwan niya ang kanyang pag-aaral. Si Tasio lamang ang natitirang kayamanan ng kanyang ina kung kaya't ayaw niya itong maging makalimot sa Panginoon. Nais ng kanyang ina na siya'y magpari ngunit labag naman ito sa kanyang kagustuhan.

Maagang nag-asawa si Tasyo. Karaka-raka'y pumanaw ang kanyang ina kasunod and kanyang asawa. Upang makatakas sa pagkabagot at kalungkutan at maiwasan sa sabong at iba pang masamang bisyo, pinili ni Tasio ang pagbabasa ng maraming libro. Ito ang naging dahilan ng kanyang kapabayaan sa kayamanang kanyang minana na siyang dahilan ng unti-unti niyang paghirap [1]

Tinatawag siyang “Don Anastacio” o “Filisopo Tasio” ng mga taong may pinag-aralan. Samantala, tinatawag naman siyang Tasiong ulol ng mga walang pinag-aralan dahil hindi pangkaraniwan ang kanyang kaisipan at pakikipagkapwa-tao. Siya ay namatay at inilibing sa libingan ng mga intsik. [1]

rizalTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon