29: Kinaumagahan
Maagang pumasiyo sa lasangan ang mga banda ng musiko. Nagising ang mga nututulog. Muling narining ang tuong kampana at mga paputok.
Ang mga tao ay nagbihis na ng mga magara at ginamit ang mga hiyas na itinatago nila. Tanging si Pilosopong Tasio lamang ang hindi nagpalit ng bihisan. Binati siya ng tinyente mayor. Sumagot ang Pilosopo na “Ang magsaya ay dinangangahulugan ng paggawa ng mga kabaliwan.” Ang pagsasaya, anya pagtatapon ng pera at tumatakip sa karaingan ng lahat. Si Don Filipo at sumang-ayon sa pananaw na itoni Tasyo subalitwala siyang magawa sa kagustuhan ng kapitan at ng kura.
Punong-puno ng tao ang patyo. Ang mga musiko ay walang tigil sa kalilibot. Binabatak naman ng mga hermana mayor ang mga tao upang tumikim ng kanilang inihandang pagkain.
Dahil sa mga tanyang na tao, mga kastila at alkalde ang magsisimba ng araw na iyon, si Padre Damaso, kaya nagpahiwatig siya na hindi makapagbibigay ng sermon kinabukasan. Pero, hindi siya natatanggi sapagkat sinabi ng mga kasama niyang pari na walang ibang nakakaalamat nakapag-aral sa buhay ni San Diego kundi tanging siya lamang. Dahil dito, siya ay ginagamot ng babaing nangangasiwa sa kumbento.
Siya ay pinahiram ng langis sa leeg at dibdib, binalot ito ng pranela at hinilot. Pagkaraan ay nag-almusal si Padre Damaso ng ilang itlog na binati sa alak.
Eksaktong alas otso ng umaga, nang simula ang prisisyon. Ito ay dinaan sa ilalim ng tolda at inilawan ng matatandang dalaga na kausap sa kapatiran ni San Francisco. Naiiba ang prusisyon kaysa sa nagdaang araw sapagkat ang mga nagsisilaw ay nakaabitong ginggon. Sa suot na abito ay kaagad na makikilala ang mayayaman at mahihirap.
Natatangi ang karo ni San Diego na sinusundan ng kay Francisco at ang Birheng de la Paz. Maayos ang prusisyon, ang tanging nagbago lamang ay si Padre Salvi ang nasa ilalim ng palyo sa halip na si Padre Sibyla. Ang prusisyon ay sinasabayan ng mga paputok ng kuwitis, awitin at tugtuging pangsimbahan.
Huminto ang karong sinusudan ng palyo sa tapat ng bahay nina Kapitan Tiago. Nakadungaw sa bintana ang alkalde, si Kapitan Tiago, si Maria, si Ibarra at ilan pang kastila. Si Padre Salvi ay hindi bumati sa mga kakilala. Ito ay nagtaas lamang ng ulo mula sa kanyang matuwid na pagkakatayo.
30: Sa Loob ng Simbahan
Punong-puno ng tao ang simbahan. Bawat isa ay gustong makasawsaw sa agua bendita. Halos hindi na humihinga ang mga tao sa loob ng simbahan. Ang sermon ay binayaran ng P250, ikatlong bahagi ng ibinayad sa komedya na magatatanghal sa loob ng tatlong gabi. Naniniwala ang mga tao na kahit na mahal ang bayad sa komedya, ang manonood dito ay mahuhulog sa impyerno ang kaluluwa. Ang mga nakikinig naman sa sermon ay tuloy-tuloy sa langit.
Habang hinihintay ang alkalde, walang tigil na nagpapaypay ng abaniko, sumbrero at panyo ang mga tao. Nagsisigawan at nag-iiyakan naman ang mga bata. Ang iba ay ina-antok sa may tabi ng kumpisalan.
Ilang saglit lang dumating ang alkalde kasama ang kanyang mga tauhan. Ang suot niya ay napapalamutian ng banda ni Carlos III at ng limang medalya sa dibdib. Inakala ng ilang tao na ang alakalde ay osang sibil na nagsuot-komedyante.
Sinimulan ang pagmimisa ni Padre Damaso. Humandang makinig ang lahat. Ang pari ay pinangungunahan ng dalawang sakristan sinusundan ng prayleng may hawak na kuwaderno. Pumanhik sa pulpito si Padre Damaso at at Padre Sibyla. Pero, tanging palibak ang inukol niya kay Padre Martin, na ang ibig sabihin ay higit na magaling ang isesermon niya kaysa kahapon.
Binalingan ni Padre Damaso ang kasamang prayle at pinabuksan ang kuwderno upang kumuha ng tala.
31: Ang Sermon
Pinatunayan ni Padre Damaso na kaya niyang magsermon sa wikang kastila at Tagalog. Ang pambungad na sermon ay hinalaw sa Aklat II, Kabanata IX, Salaysay 20 mga salitang winika ng Diyos sa pamamagitan ni Estres ng nagsasaad ng:Ibinigay mo sa kanila ang iyong mabuting espiritu upang silay’y turuan, hindi mo inaalis sa kanilang bibig ang iyong tinig at binigyan mo sila ng tubig mapawi ang kanilang pagkauhaw”