Chapter 6

6 1 0
                                    

Monica's POV

Nandito ako sa mumunting rent house na aking tinutuluyan. Dito na ako tumuloy dahil wala na akong oras mag hanap ng condo o apartment man lang dahil sa naging usapan namin ni Brix.

FLASHBACK

Just leave us alone, ani Brix sa akin. Tila tumigil ang oras at dumilim ang aking paligid.  Tila nabingi ako at pinipilit isipin kung totoo ba ang mga nangyayari.

*end of flashback*

Sariwa pa rin sa akin ang lahat ng pangyayari tungkol sa amin Brix. Lagi kong naaalala ang mga huling kataga na sinabi niya sa akin. Tila masisiraan na ako ng bait. Gusto ko siyang bawiin muli. Gusto ko akin lang siya. Ayoko siyang mawala. Sakanya na halos umiikot ang mundo ko. Babawiin ko siya. Kailangan kong alamin kung sino ang babaeng kinahuhumalingan niya ngayon.

Habang nag iisip sa mga hakbang na gagawin ko para mabawi muli si Brix ay nakaramdam ako ng gutom. Pumunta akong kusina at binuksan ang maliit na kabinet sa itaas ng lababo. Mayroon lamang doong limang balot ng cup noodles. Dahil na rin sa gutom ko ay nagpainit akong tubig at nilagay sa cup noodles ko. Habang kumakain ay binuksan ko ang laptop ko. Habang nag iscroll may nakita akong isang post ng page.

𝚃𝙸𝚁𝙴𝙳 𝙰𝚃 𝙿𝚄𝙱𝙻𝙸𝙲 𝚂𝙲𝙷𝙾𝙾𝙻? 𝙰𝙽𝙽𝙾𝚈𝙴𝙳 𝚆𝙸𝚃𝙷 𝚈𝙾𝚄𝚁 𝙱𝙾𝚈 𝙲𝙻𝙰𝚂𝚂𝙼𝙰𝚃𝙴𝚂? 𝚆𝙷𝙰𝚃 𝙰𝚁𝙴 𝚈𝙾𝚄 𝚆𝙰𝙸𝚃𝙸𝙽𝙶 𝙵𝙾𝚁? 𝙴𝙽𝚁𝙾𝙻𝙻 𝙽𝙾𝚆 𝙰𝚃 𝙽𝙴𝚆 𝚃𝙾𝚆𝙽 𝙶𝙸𝚁𝙻𝚂 𝙷𝙸𝙶𝙷!!

Marami pang kung ano anong nakasulat sa post na yon pero hindi ko na lang binasa. New Town Girls High ha? hmm, mukhang magandang mag aral dito, baka sakaling makita ko din dito ang bagong babae ni Brix. Mag eenroll ba ako o hindi? Hmmm mag eenroll na lang ako, wala rin namang nakakakilala sakin dito eh, lalo na ang tunay kong pagkatao.

In-off ko na ang laptop ko at pumuntang CR para mag sepilyo at maligo. Pagkatapos kong maligo ay hinanda kona ang mga requirements para sa bagong school na eenrolan ko. Buo na ang desisyon ko, dito na ako mag aaral. New school, new experience ika nga. Pagkatapos kong ilagay sa itim na portfolio ang mga requirements ay humiga na ako sa kama. Nakaramdam na ako ng antok kaya naman ay nakatulog na ako. 

𝙺    𝙸   𝙽    𝙰    𝙱   𝚄    𝙺    𝙰    𝚂    𝙰    𝙽

Maaga akong gumising at naghanda na. Kumain na akong almusal at umalis ng bahay.  Naghihintay akong jeep at ng may nakita ako ay agad na sumakay ako. Paglipas ng labinlimang minuto ay narating ko na ang New Town Girls High. Maraming mga estudyanteng babae dito kase nga girls high toh.

Pagkatungtong ko sa gate ng school ay hinarangan ako ng isang matipunong lalaki na sa tingin ko ay ang security guard.

𝐇𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐚 𝐞𝐬𝐭𝐮𝐝𝐲𝐚𝐧𝐭𝐞 𝐫𝐢𝐭𝐨, 𝐡𝐢𝐧𝐝𝐢 𝐤𝐚 𝐩𝐰𝐞𝐝𝐞𝐧𝐠 𝐩𝐮𝐦𝐚𝐬𝐨𝐤 𝐌𝐬. bungad agad sakin nito. 𝐀𝐡 𝐞𝐡 𝐨𝐩𝐨  𝐧𝐚𝐧𝐝𝐢𝐭𝐨 𝐩𝐨 𝐚𝐤𝐨 𝐩𝐚𝐫𝐚 𝐦𝐚𝐠 𝐞𝐧𝐫𝐨𝐥𝐥., sagot ko rito sabay pakita sakanya ng hawak kong portfolio.

Nang makita niya ito ay agad niya akong pinapasok at inalalayan papuntang office ng dean.

𝐌𝐚𝐚𝐚𝐫𝐢 𝐤𝐚 𝐧𝐠 𝐦𝐚𝐠𝐬𝐢𝐦𝐮𝐥𝐚 𝐛𝐮𝐤𝐚𝐬, 𝐬𝐚 𝐧𝐠𝐚𝐲𝐨𝐧 𝐚𝐲 𝐢𝐥𝐢𝐩𝐚𝐭 𝐦𝐨 𝐧𝐚 𝐚𝐧𝐠 𝐦𝐠𝐚 𝐠𝐚𝐦𝐢𝐭 𝐦𝐨 𝐬𝐚 𝐝𝐨𝐫𝐦. 𝐢𝐭𝐨 𝐚𝐧𝐠 𝐬𝐮𝐬𝐢 𝐬𝐚 𝐛𝐮𝐢𝐥𝐝𝐢𝐧𝐠 𝐭𝐡𝐫𝐞𝐞 𝐤𝐚 𝐬𝐚 𝐭𝐡𝐢𝐫𝐝 𝐟𝐥𝐨𝐨𝐫 , 𝐫𝐨𝐨𝐦 304. ito ang mga huling sinabi sa akin ng dean.

Naglalakad ako sa corridor at nilalakbay ng mga mata ko ang buong campus. Hinanap ko and third building. Napakatahimik dito dahil wala pa ang mga estudyante dahil nagkaklase pa sila. Nang naakyat ko na ang third floor ay hinanap ko kaagad ang room 304 at ng makita ko ito ay agad kong binuksan. Napakalaki ng kwarto, meron itong kusina sa loob at may maliit na veranda. May dalawang pintuan at sa tingin ko ay dito ang kwarto ko at kwarto ng ka room mate ko. May sala rito at may isang mahabang sofa at dalawang solo sofa at may isang flatscreen dito. Ang pinto sa veranda ay sliding door. Sa gilid ng sala ay may isa pang pintuan at dito ang banyo at paliguan. Hindi ko inakala na ganto kaganda ang dorm sa isang mamahaling paaralan na ito. Mas maganda pa ang dorm na ito kaysa sa mga apartment na inupahan ko, o di lang ako marunong pumili ng magandang apartment? Pero kakaiba talaga ang dorm na toh. Nakaka amazed. Pumunta akong kwarto at pagbukas ko rito ay WOW!! May isang kama sa loob at cabinet. Mayroon ding malaking salamin at magandang bintana na halos parang screen sa linaw. Makikita mo ang labas. Binuksan ko ang bintana at naramdaman ang masarap na simoy ng hangin na pumasok sa kwarto ko. Malakas ang hangin dahil sa third floor ang dorm ko. Pumikit ako at dinarama ang malamig na simoy ng hangin na dumampi sa mukha ko. Napaka sarap ng pakiramdam. Napaka kalma. Sunod na ginawa ko ay binuksan ang cabinet. May uniporme sa loob, isang above the knee na skater skirt na checkerd, kulay abo ito na may halong itim, isang puting longsleeve at kulay abo na necktie at isang kulay abong coat na may pin at tatak ay NEW TOWN GIRLS HIGH. Napakaganda ng uniporme. Humiga ako sa kama at napakasarap sa pakiramdam ang malambot na kutson nito.

Nagising ako at papalubog na ang araw. Di ko namalayan na nakatulog pala ako. Dahil na rin siguro sa pagod. Sinara ko na ang bintana at lumabas ng kwarto. Nang isasara ko na ang pinto ng kwarto ko mula sa labas ay kinabahan at nagulat ako sa sinabi ng room mate ko.

𝐌-𝐦𝐚𝐭𝐢𝐥𝐝𝐚?

(❍ᴥ❍ʋ)

𝑻𝒐 𝒃𝒆 𝒄𝒐𝒏𝒕𝒊𝒏𝒖𝒆𝒅.....

𝐴/𝑁: 𝑠𝑜𝑟𝑟𝑦 𝑛𝑔𝑎𝑦𝑜𝑛 𝑙𝑎𝑛𝑔 𝑛𝑎𝑘𝑎 𝑢𝑝𝑑𝑎𝑡𝑒 𝑛𝑔 𝑏𝑎𝑔𝑜𝑛𝑔 𝑐ℎ𝑎𝑝𝑡𝑒𝑟. 𝐴𝑏𝑎𝑛𝑔𝑎𝑛 𝑎𝑛𝑔 𝑚𝑔𝑎 𝑠𝑢𝑠𝑢𝑛𝑜𝑑 𝑛𝑎 𝑝𝑎𝑛𝑔𝑦𝑎𝑦𝑎𝑟𝑖. 𝑀𝑎𝑠   𝑚𝑎𝑔𝑖𝑔𝑖𝑛𝑔 𝑖𝑛𝑡𝑒𝑛𝑠𝑒 𝑡𝑜ℎ.

𝐾𝑢𝑛𝑔 𝑚𝑎𝑦 𝑘𝑎𝑡𝑎𝑛𝑢𝑛𝑔𝑎𝑛 𝑚𝑒𝑠𝑠𝑎𝑔𝑒 𝑚𝑒 𝑜𝑛 𝑚𝑦 𝑠𝑜𝑐𝑖𝑎𝑙 𝑚𝑒𝑑𝑖𝑎 𝑎𝑐𝑐𝑜𝑢𝑛𝑡𝑠;

𝑓𝑏: 𝐴𝑛𝑔𝑒𝑙 𝑀𝑜𝑛𝑖𝑐𝑎 𝑀𝑎𝑡𝑢𝑛𝑎𝑛
𝑖𝑔: @𝑎𝑛𝑔𝑒𝑙𝑚𝑜𝑛𝑖𝑐𝑎
𝑡𝑤𝑖𝑡𝑡𝑒𝑟:@ 𝑎𝑛𝑔𝑒𝑙𝑚𝑜𝑛𝑖𝑐𝑎

ion a usermention a user

This Innocent hides a DemonTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon