Chapter 13

4 0 0
                                    

A week had past sobrang nanibago ako sa routine ko.

Kung dati si renjie ang kasama ko palagi, ngayon naman kung hindi si V, e ang mga kaibigan naman namin..

Oo, naging close na namin sila Kite,Renz,Rein at warren.

feeling ko si warren nga may gusto kay trix.. Paano ko nasabi?

Scene 1

"Ah, trix ako na magdadala ng bag mo" - warren

"Ah wag na, magaan lang naman to." - trix

"Sige, pero ano ba gusto mong kainin mamayang lunch?" - warren

"Pizza siguro, pero hindi ko pa sure baka may mas masarap akong makita sa caf" -

"Ganun ba? e ako kelan mo ako makikita?" - warren

"Huh? nakikita naman kita ah, magkausap nga tayo ngayon e.. hindi din naman ako color blind, diba naka blue ka na hoodie at white pants?" - trix

diba diba? Eto pa.

Scene 2

"Trix, sa tingin mo ba boyfriend material ako?" - warren

"Oo naman, mabait ka naman at gentleman, sweet ka din naman.. bakit mo naitanong?" - trix

"Ah, may nagugustuhan kase ako kaso feeling ko hindi nya maramdaman na crush ko siya" - warren

"Edi kung hindi maramdaman, edi sabihin mo" - trix

"Trix, gusto kita" - Warren

"Thank you, pero wag mo sakin sabihin yan dun sa crush mo.. ang slow mo talaga warren, sige na una na ako guys!" - trix

At napakadami pa kaso mukhang mahihirapan ka warren, bukod sa slow ang babaeng yan. Dalawa lang ang pinagtutuonan nya ng pansin.

Mga Libro
At ang pinsan kong si Greg, na nuknukan din ng seryoso sa pag aaral. Hays!

Bukod kay warren at trix. meron pang isang namumuong landian sa tropa namin.

Sila Kite at Joselle.

Well, getting to know daw sila pero may pa holding hands na..

sabi nga ni Joselle.

"Bakit mo pa patatagalin ang ligawan, relasyon dapat."

kaya ayun, pinabayaan na namin.

at ako naman, eto hindi kona kinausap si renjie simula nun, pati ang balak kong pumunta sakanila dina natuloy dahil nga sa nalaman kong buntis si Yna, siguro nga hindi lang kami ang para sa isat isa.

Gustuhin ko man mag usap kami kaso hindi ko pa din alam anong dapat kong sabihin, alam ko ang dahilan ni renjie kung bakit hindi niya maiwan si yna dahil from broken family siya at sobrang nahirapan siya noon.. kaya siguro pinili niyang iwan ako kesa naman lumaki na hindi buo ang pamilya ng anak niya..

which i can't get mad about, siguro galit ako sa dahilan na hindi niya ako nahintay.. pero sa pagiging responsable nyang ama hinangaan ko padin siya, siguro kung nagbigay lang ako.. hindi sana ganto, sana anak namin yun.. at sana masaya padin kami ngayon..

kaso hindi ganun ang nangyari.. baka nga hindi lang talaga kami..

Pero netong mga nakaraang araw, tuwing nakikita ko siya, lagi siyang nakatingin sa akin.. hindi naman sa nag aassume pero may iba sa tingin nya e.

Baka di siguro sanay na nilalampasan ko nalang siya.

Gustong gusto ko din ibalik ang singsing sakanya feeling ko kase yun nalang ang nagdudugtong samin ngayon kaso tuwing nagbabalak ako may asungot na nadating.

kagaya ngayon.

"Ano ba naman lex, bakit puros horror tong cd mo? minsan talaga naiisip kong psycho ka e!"

"Alam mo napaka arte mo, diba dapat yan ang gusto ng mga lalaki? horror para habang nanunuod e nakakachansing sila sa mga girls?"

"Maganda naman sana yang idea mo, e kaso hindi ka naman natatakot kaya aanhin ko to?"

"Ewan ko sayo V! bakit kaba kase andito sa unit ko? wala ba kayong practice?"

"Wala, wala pa naman din game kaya chill lang kami.."

"Oh, edi lumabas kayo ng mga tropa mo! wag yung ako ang guluhin mo"

"Yun na nga e! may lakad daw sila, simula ng makilala ng mga yun ang mga kaibigan mo wala na silang time mag inom! si rein nalang ang naaaya ko tapos ngayon may group project daw sila, kaya wag ka ng umarte buti nga sinasamahan pa kita dito e"

"kapal, parang ako pa may utang na loob!"

"Syempre itong gwapo kong mukha e nasisilayan mo-- aaray! aray naman Alexandra wag ang tenga ko!"

"Lumayas kana nga, gusto ko ng tahimik."

"Tara punta tayo sa sementeryo, tahimik dun"

"G*go! Labas!"

"Ayaw mo talaga sakin no? alam mo minsan naiisip ko bakit ba sayo ako nagkagusto e ang bayolente mo tapos ang sungit mo pa."

hindi naman ako nakasagot sa sinabe niya dahil biglang seryoso ng aura nya.

"Ayaw mo talaga sakin? ok sige. lalayo na ako"

di na ako nakasagot dahil kusa siyang lumabas ng pinto.

Anong nangyari dun? at bakit?

anong drama niya?

BAKIT NAIYAK AKO?.

BAKIT NAIYAK AKO?

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

-----------

A/n

Hello!

Please leave a comment and vote thank you ♥

Fix me,Broke me. Why?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon