Chapter 14

3 1 0
                                    

5... 10 ... 15.. ?

ewan ko kung ilang minuto naba akong nakasandal dito sa pintuan ng unit ko at nakatingin sa pinto niya..

Bakit kase ayaw mong kumatok?

Letse! kanina pa nga ako nagtatry humakbang pero naninigas ako bigla.. at ewan ko kung bakit!

"Alex? may inaantay ka?"

nalingon naman ako sa nagsalita.

"Uy, ikaw pala Rein! ah, ano wala naman natripan ko lang tumambay dito hehe"

"Lakas ng trip mo huh! sige pasok muna ako mukhang badtrip si Von e. Nag aaya uminom, ikaw din pasok kana"

Ngumiti naman ako sakanya bago pumasok sa unit ko.

Badtrip sya talaga?

Kasalanan koba?

Anong gagawin ko?

Hays! bahala na nga, mag aaral nalang ako.

---

10pm na pala, hindi ko namalayan ang oras kaya pala gutom na ako..

makapagluto na nga lang.

"Tao po! alex! anjan kaba?"

Sino yun?

Sumilip muna ako sa peephole bago buksan ang pinto.

"Bakit rein?"

"Buti nalang andyan ka! Aalis na kase ako at lasing na lasing na kase si Von, aasikasuhin ko sana kaya lang need kona talaga umuwi may tatapusin pa kase akong requirments para bukas e"

"Ah, ok sge ako nalang bahala"

"Yown! salamat Baby"

Sabay akbay sakin. at sinama ako sa unit ni V,

"Anong baby ka diyan!"

"Hehe, parang younger sister narin kase kita since mas matanda naman talaga ako sayo sa edad, "

"Ewan ko sayo! baka iba ang isipin ng iba kapag narinig yan bahala ka, ikaw din mababawasan ang mga babae mo"

"Wag kang magalala, di yun mangyayari. Oh siya pano ba yan little sister, iwan ko muna siya sayo huh, libre kita bukas!"

"Dapat lang no!"

tumawa naman siya at ginulo ang buhok ko bago sinara ang pinto ng unit ni V.

Hays, ang daming kalat ng bote ng smirnoff at tiger!

Sumilip muna ako sa kwarto ni V dahil nakabukas naman ang pinto kaya nakita ko siyang nakahiga ng padipa sa kama..

mamaya kona nalang siya aayusin, magliligpit muna ako.

.....

After kong maligpit ng kalat sa sala.

daming kalat! drama drama kase.

Bumalik muna ako sa unit ko para ipagpatuloy ang pagluluto..

Nang matapos na ako bumalik ulit ako sa unit ni V,

kailangan nyang kumain ng mahimasmasan..

"Von, gising ka muna.. need mong kainin to para iwas hangover bukas"

niyugyug ko ang balikat nya ng ilang ulit saka lang sya nagising..

"Bakit ka andito? diba ayaw mo sakin?"

"Wag ka ngang maarte dyan! kumain ka muna"

"Wag na, gusto kong mag isa.. umuwi kana"

"'V naman, sige na sorry na.. bati na tayo, kumain kana muna"

"Ayoko nga, Ok lang ako.. umuwi kana"

"Tsk, naiinis na ako V huh, kumain kana"

"Yan, yan! ang bilis bilis mong mainis.. wala kang ginawa kundi paalisin ako sa tabi mo"

galit na talaga siya nyan?

"Hindi naman sa ganun V, bukas nalang tayo mag usap kapag hindi kana lasing ok? promise dito lang ako hindi ako aalis"

"Talaga? promise?"

parang bata!

"Oo nga, dito lang ako"

ngumiti ako sakanya, kaya naman umupo nadin sya at sinimulang kainin ang dala kong sopas..

"Ang sarap mo talagang magluto."

Pagka ubos nya ng pagkain niligpit kona at hinugasan

Nagulat nalang ako ng naramdaman ko ang yakap nya sakin galing likod.

Sht!

Ang bilis ng tibok ng puso ko!

You are still healing Alexandra! Hindi pwedeng inlove kana agad!

oo, tama hindi pwede!

Attracted lang ako. OO!

yun lang yun!

huminga ako ng malalim. saka ako humarap sakanya.

"Von, humiga kana dun.. matulog kana"

"Kapag natulog ako, aalis kana" sabay pout pa!

napatingin naman ako sakanya dahil sa sinabe niya.

nakita ko ang pag rehistro ng lungkot sa mata nya.

"Hindi naman ako aalis, diba nga sasamahan kita?"

"Dito ka matutulog?"

"Oo nga, kulit neto kaya mahiga kana dun"

"Tabi tayo?"

"Ofcourse not! sa lapag nalang ako."

"Hindi na ako nalang sa lapag"

medyo naiilang ako sa pinag uusapan namin dahil bakit nga ba kase ako dito matutulog!

hindi naman. kami!

kaso ayoko mo namang malungkot siya.

Syete! ang rupok mo alex!

Bukod dun, nakakulong ako sa bisig nya dahil naka tukod sya sa sink.

Ang lapit ng mukha niya sakin..
kaya naman tinulak ko siya ng bahagya..

"Sige na patapusin mo lang ako, sasamahan na kita sa kwarto mo huh"

Tumango tango naman sya sakin na parang bata at umupo sa stool.

natapos ako maghugas ng nakatingin lang siya sa akin.

"Tara na?"

natatawa ako dahil para siyang bata kung ngumiti at tumango.

What are you doing to me Alonzo?

Why Cant I say NO to you?

Author's note:

ang rupok ni alex no? haha.

Please leave a comment and vote :)

Fix me,Broke me. Why?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon