"Ano?" Bulyaw ko kay jana.
Umiiyak siya ngayon dahil nagbreak sila ni jm, kaya pala hindi siya nagstostory sa ig nung nagvacation sila kasi may problema na. Gusto kong agawin kmyung pain na nararamdaman niya ngayon. Humahagulgol siya sa iyak, ang gulo gulo na yung buhok niya at nakakaawa yung itsura niya ngayon. Nakapulupot yung kamay niya sa dalawang tuhod at nakapatong yung ulo niya doon habang nakasandal sa ibabahan ng sofa.
"Anong ginawa sayo ni jm? napakawalangya naman nung lalaking 'yon!" Sabi ni ky na nagagalit talaga sabay upo sa kama ni juna.
"umm tama na di naman niya gusto yung nangyari" Sabi niya ng mahinhin at umiyak nanaman uli.
"Ano bang nangyari kasi juna?" Sabi ko na nagaalala na dahil namumula na yung mata niya kakaiyak, para siyang binawian ng buhay e tapos napakagulo pa ng buhok niya.
"eto na eto na! magpapaliwanag na ako kahit hinang hina ako! di niyo na dapat kasing malaman to ei pero ang kulit niyo kaya sasabihin ko na, sa laptop top niya nakita ko yung folder ng mga babae na sinaktan niya at ako yung current na pagkatapos ng 5 month's iiwan niya na ako pero di niya nagawa yon kasi naawa siya sakin at natutunan na niya akong mahalin non" Paputol putol niyang sabi dahil umiiyak siya habang nagkwekwento about sa mga nangyari.
"Ei bat kayo naghiwalay?" Tanong naman ni ky, alam naming nanghihina siya pero we want explanation about sa mga nangyari sa vacation nila para matulungan namin siyang magmove on at magbigay ng advices na connect dun sa nangyari sakanila.
"We broke because of her fiance, di niya alam na tinuloy ng mama niya yon kaya nagulat siya. Di kami nakapagusap ni jm ng masinsinan dahil pati siya gulat na gulat hindi niya talaga yon inaasahang mangyari pero pinaraya ko siya dahil wala akong magagawa, mama niya yon gf lang ako." Sagot niya sa mga tanong namin ni ky at sakto namang dumating si heina, jana at kenya na kahit busy pumunta pari sila.
Nag group hug kami dahil kami kami lang din naman ang magdadamayan. Tropa lang talaga ang sandalan pag may sakit na nararamdaman. Sila lang kasi yung alam mong makakaintindi sayo. Many people says that your bestfriends will encourage you in bad doings. Para sakin hindi naman, oo nagmumura kami, nakikipagaway at tarantado minsan pero pag about dreams na ang pinaguusapan nagtutulungan kami.
"Love lang 'yan, malakas tayo diba?" tanong ko
"Oo!" sabi naming lahat.
"Diba?" tanong ko ulit na nagpapahiwatig na lakasan pa namin.
"Oo!!!" sigaw naming lahat at kumawala na sa group hug. Nagsitinginan kaming lahat at tumawa.
Pain? walang wala samin yan kasi mas importante yung ngiti at tawa namin. Ayaw naming makita ang isa't isang umiyak at nanghihina dahil lang sa lalaki.
Lumabas kami ni kenya para bumili ng mga makakain. We bought 6 jajangmyun with kimchi at soju. Marami kaming binili hindi lang korean food pati yung mga street foods at nagorder din kami ng fried chicken bucket sa jollibee.
Netflix habang kumakain. Sarap maghangout kasama tropa tamang kain lang, tawa doon tawa diyan sakanila lang ako nakakaramdam ng pagmamahal ng pamilya. My own family didn't treat me like this pero okay lang i have them naman.
"Oh tagay!" Sabi ni heina, natawa naman ako don dahil mukha siyang lasinggera sa kalye.
Natulog kaming lahat sa kama, big size naman yung bed kaya kasya kami pag nakatagilid. Kanya kanya kaming pwesto, paahan ko yung mukha ni heina at yung iba din basta pinagkasya nalang namin yung mga sarili namin makatulog lang. Natulog kami ng walang iniisip na problema, we dispatched our problems about school's, about family lahat na ng problema na nagpapastresss samin inalis namin dahil walang rules na umiiyak at nasasaktan sa tropa namin, happy lang everyday.
YOU ARE READING
Grow up
Teen FictionPain? Wag niyong patulan at wag niyo ding sabayan kasi minsan tinuturo ka niyan sa kamatayan pero ang ibang pain nakakapagpalakas na bumangon at magsimula ulit. Si Ace na humahalili sa kanya nung panahong down na down siya dahil sa pamilya ni tin...