"Uhmmm!" binatukan ako ni heina dahil lang sa di ko panlilibre sa kanya...
"Uy! gaga ang sakit uhmm! din lintik na lang walang ganti" masakit yo'n kaya pinaramdam ko din sayo at staka deserve mo masaktan, deserve na deserve mo blehhh. Sabi ko at tumusok ako ng fishball at kinain.
"Ang harsh mo naman, mabilaokan ka sana!" Sumunod siya sakin sabay kurot sa bewang ko.
"aghrrga arrgha!" Naubo ako dahil sa kurot ng letseng babai to.
"Aytt! thank you so much lord bukas po ulit ha." Nasisiyang sabi ni heina
"Gaga ka talaga kahit kelan, demonyo zduhh!" Sabi ko at ibabasura ko na yung pinagkainan ko habang siya nagpapacute kay manong para sobrahan yung fishball niya ng dalawang piraso. Di' lang lang siya demonyo, baliw din yan at pangit o pak! full package.
Naglakad na kami ni heina papasok ng school, wala naman kaming klase pero pupunta lang kami sa tamabayan namin para magpahangin ngunit bumili muna kami ng chitchirya sa gilid para may mangatngat kami habang nagrerelax. Nabayaran ko na ang chitchirya at binawi agad heina at tumakbo na...
"Ayt! gaga ka talaga!" sigaw ko ngunit di na niya ito narinig kasi ambilis niyang tumakbo parang chita. Napagisipan kong daanan lang saglit yung locker ko para kumuha ng gummy's.
"Woi! tin, sa'n punta natin?" Sabi ni ky sabay hampas sakin ng librong hawak niya.
"Gaga mo! ba't niyo ba ako hinahampas nalang bigla?" Galit kong sabi, ansakit kaya mahampas.
"HAHAHAHAHA!" malakas niyang tawa.
"Uy gaga saan ka nanggaling? kanina pa namin kayo hinahanap." Sabi naman ni juna na gaga din, kaya di na ako magtataka kung bakit ako naging palamura.
"Juna! nagsalita ka nanaman ng gaga kahit ikaw yung gaga." sabi naman nung kambal niyang si jana.
"Oo nga pala tin at asan si heina?" tanong naman ni kenya na ikagulat ko.
"Ayt! tangina nakain na niya lahat yon andami niyo kasing sat sat!" sabi ko at tumakbo na ng mabilis para naman maabutan ko pa yung binili kong pagkain, lamunera pa naman si heina sayang yung pera ko.
Nakatayo kaming lahat sa harapan ni heina na nakaupo, sumasabay sa pinapakinggan niyang music, nakaear pods kasi siya at nakatingin sa baba kaya di niya kami napansin.
Wala nang natira sa chitchirya na binili ko last na yung kinakain niya, napakatakaw niya sobra pero di siya tumataba. Nakaline kaming lahat at binansagan siya ng naiinis na mukha at nagpadyak kami para mapansin niya. Pagtingala niya nagulat siya at akmang dadampot siya sa supot para lumuha ng chitchirya pero wala siyang nakuha, ni kahit isang piraso nalang ang natira sa kanyang kinakain inalok niya pa samin.
"Aba'y gaga talaga to!" sabi ni ky at akmang dadampihan niya ng malakas na hampas ngunit di' niya ginawa kasi naawa si gaga sabay upo.
"Hoy! napakatakaw mo naman!" Sabay na sabi ni juna at jana at umupo na para magrelax.
"Sorry naman, di kasi ako nananghalian ba't ba ang susungit niyo? may dalaw kayong lahat? sabay sabay ganurn? tsss!" Pagbibiro pa ni gaga at nagpatuloy nang makinig sa music.
"Haystt!" Sabi ni kenya at umupo na din sa tabi ko habang kumakain ng gummy na kinuha ko kanina sa locker ko at mabilis din itong naubos ei ano pa ba?magtataka ka pa ba ei di lang kaya tarantado at gaga mga bestfriend ko, matakaw sila may pasobrang kapal pa ng mukha.
Nagkanya kanya kami ng pagrerelax hanggang sa nabored na kami at nagisip ng kung anong dapat gawin.
"Laro tayo dali." Sabi ni jana na biglang nagkaroon ng sigla.

YOU ARE READING
Grow up
Novela JuvenilPain? Wag niyong patulan at wag niyo ding sabayan kasi minsan tinuturo ka niyan sa kamatayan pero ang ibang pain nakakapagpalakas na bumangon at magsimula ulit. Si Ace na humahalili sa kanya nung panahong down na down siya dahil sa pamilya ni tin...