"Ah! init!" Sabi ko at tumayo na kinuha ko yung phone ko at bumaba na. Madaling araw pa lang pala pero bakit ang init na.
Kumuha ako ng maiinom sa ref kasi inuuhaw ako. At umupo na muna sa couch. Binuksan ko na rin yung tv at nanood ng netflix.
"Tak! tak! tak!" Rinig kong huni mula sa taas. Tinignan ko iyon at nakita si Ace naglalakad pababa sa hagdan.
"Oh? bakit gising ka pa?" Tanong ko sakanya sabay tingin sa tv.
Kumuha din siya ng beer sa ref at tumabi saakin. Parang bahay namin noh. Makaastang kumuha sa ref kala mo may shares kami sa bahay na to. Hayst!
"Wala lang, di ako makatulog siguro naiilang lang. Di kasi ako sanay matulog sa ibang lugar." Sabi niya sabay sip sip sa beer na kinuha niya.
"Ah, dapat masanay ka kasi simula bukas titira ka sa condo ko." Biro ko.
"Okay tulungan mo akong magtransfer ng gamit ko sa condo mo." Pambabara niya sa biro ko.
Wow! kilig ka diyan Tin?
"Biro lang tss." Sabi ko at ibinigay na ang atensyon ko sa pinapanood ko.
"Basta sakin walang biro." Tinignan ko siya at nakita kong nakatitig pala siya saakin.
"Sige hati tayo sa babayaran." Napasinghal nalang ako sa sinabi ko.
"Ganyan ka ba? bumabanat ka tapos with joke sa dulo? di yon uubra haha." Sabi niya. May tawa pa sa dulo huh?
"Bakit? kung sasabihin ko bang mahal kita, mamahalin mo ba ako pabalik?" Tinapik ko yung bunganga ko dahil walang preno, sira ata paayos ko nga. Kiss me Ace. Charr.
Nagulat si Ace sa sinabi ko. Nagkatinginan kami at ngumiti ako ng pilit. Nakaramdam ako ng hiya don. Putek!
Nanood na lang kami ni Ace ng netflix hanggang napagdesisyonan naming umakyat na at matulog ulit.
"Sige sleep well." Sabi ko
"Sige, likewise." Sabi naman niya na ikinatibok ng aking heart. Enebe Ace!
Natulog ulit ako. Mabilis naman akong dinapuan ng antok kaya nakatulog ako bigla.
******
Wyki POV.
"Goodmorning!!!" Bati ko sakanila at nagtungo sa kitchen para gumawa ng smoothie ko.
Nagkwekwentuhan sila about sa mga childhood days nila. Naririnig ko naman yon kaya natatawa ako habang gumagawa ng smoothie ko. Matapos akong gumawa nakijoin na ako sakanila. Napansin kong wala si Tin at Ace.
"Asan sina Tin at Ace?" Tanong ko sakanila.
"Narinig ko sina Tin at Ace kaninang madaling araw nanonood sila dito sa baba." Sagot ni Kenya sa tanong ko. Tumango na lamang ako at nagsimula nanaman silang magkwento.
"Ang childhood days ko ay about sa arinola. May okasyon yata non sa cousin ni Mama kaya nagpunta kami don. Pumunta kami sa kwarto niya dahil kakagawa pa lang. Chismosa lang. Nagkulikot ako, tapos ankita ko yung arinola. Ang alam ko dun ay kaldero, yung pinaglulutuhan. Inopen ko yon at bumungad saakin yung amoy ng ihi. Bigla kong sinarhan. Kala ko talaga non kaldero." Pagkwekwento ni Kenya sa childhood days niya. Nakakatawa yon haha.
Nagkwento sila isa isa. Pati na din ako. Wala akong masyadong naging child hood memories na nakakatawa dahil nung elementary age ko nandoon ako sa London. Nandoon lang ako sa loob ng bahay noon at wala din akong kalaro sa London. Wala naman kasing batang palaboy laboy sa labas kagaya dito sa pilipinas. Aaminin ko, i never enjoyed my childhood days. Naispoiled sa luxury'ng gamit at pang mayaman ang galawan. Kaya di ako makasabay sa mga barkada ko dahil pareho nilang naranasan ang hirap at pang mayaman na buhay.

YOU ARE READING
Grow up
Genç KurguPain? Wag niyong patulan at wag niyo ding sabayan kasi minsan tinuturo ka niyan sa kamatayan pero ang ibang pain nakakapagpalakas na bumangon at magsimula ulit. Si Ace na humahalili sa kanya nung panahong down na down siya dahil sa pamilya ni tin...