Chapter 6

1 0 0
                                    

Tin POV.

"Argh!!!" Sigaw ko sa balcony.

Nahihiya na talaga ako. Balak ko ng umuwi pero pinigilan ako ni wyki. Bakasyon kasi namin kaya walang school. One week na wala kaming klase kaya dapat lubusin namin ang one week na magkakasama.

"Kahit anong gawin mong pagsisigaw jan napahiya ka na." Sabi sakin ni Jana sabay tingin sa isa't isa at nagtawanan. Inirapan ko lang sila.

Sa tingin talaga nila nakakatawa yon. Habang nalulunod ako sa kahihiyan sila naman ay ahon na ahon sa kasiyahan. Kainis!

Napahiya ako sa mga pinaggagagawa ko. Shutek!

Flashback

May naramdaman akong paa na naglakad papuntang kusina. Napaiktad nalang ako sa gulat. Unti unti kong inangat ang aking ulo. Tumingin ako sa kinaroroonan nila Heina. Pinipigilan nilang hindi tumawa pero di napigilan ni Jm kaya tumawa na din silang lahat. Napatingin din ako kay Ace na may ginagawa sa kusina. Nagsmirked lang siya. Napailing iling ako, parang binuhusan ako ng milyong bucket ng kahihiyan ngayon. Nakatulala lang ako dahil di ko alam gagawin ko. Kinakabahan ako na nahihiya and at the same time natetense din. Pisting buhay! Jusmiyo.

Nanatili ako sa hagdan na walang kibo. Naglalakad si Ace ngayon papunta kila Wyki. Pero sa kalagitnaan ng paglalakad niya tinawag niya ako.

"Tin? what are you doing? join us." Sabi niya sabay sip sip sa coffee na ginawa niya. Ginawa ko naman iyon at naupo sa tabi ni Juna.

Nagkwentuhan lang sila pero ako iniisip ko pa din ang ginawa kong kahihiyan. Minsan din nilang naging topic yung ginawa ko kanina.

"Hahaha, ang epic nung mukha ni Tin kanina" Sabi ni Jm sabay tawa. Ganun na din sila Deign, Hance at Kyle. Itong mga lalaking to sarap batukan.

"Sobra yung hiya niya ei." Sunod naman ni Hance. Tumatawa silang lahat maliban saamin ni Ace.

Bakit di siya tumatawa? Di ba niya gustong mapahiya ako? Gusto na ba niya ako? The hell Ace! Wag kang magbigay ng motibo.

"Yung mukha ni Tin nagrereplay replay sa utak ko." Sabi naman ni Wyki na ikinatawa nilang lahat.

"Stop it!" Sigaw ko. Di ko inakala na ibubuga yon ng bunganga ko dahil hindi ko gustong magsalita, ni hindi ko nga din gustong gumalaw kung maaari. Wala na din atang preno yung bunganga ko hayst! Napapikit ako sabay takip sa dalawang tenga ko.

Napatingin silang lahat saakin. Nagtinginan silang lahat at tumawa nanaman. Unti unti kong iminulat ang aking mga mata at tumayo na agad sabay takbo sa taas. Nakakahiya na talaga.

Nagtawanan sila ulit. Iba iba na yung naging topic nila mula nung umalis ako don pero rinig ko parin yung tawanan nila.

Umupo ako sa bed at nagmumuni muni. Kinakausap ko ang sarili ko para na nga akong baliw dito. Baliw kay Ace ayt char!

Biglang bumukas yung pinto at iniluwa niya ito nina Heina and 99 others. Ano ba tamad ako tss!

Agad akong tumayo at nagpunta sa balcony at sumigaw ako

"Arghhh!!" Sigaw ko para ilabas ang kahihiyan ko.

"Kahit anong gawin mong pagsisigaw diyan napahiya ka na " Sabi naman ni Jana at nagtawanan ulit sila.

End of flashback

Tin POV.

Todo lublub ako sa unan ko. Nakakahiya talaga, parang nabawasan points ko dahil don. wtf tin! ano ba kasi pinaggagagawa mo! Hayst pisting buhay.

Grow upWhere stories live. Discover now