lumipas ang mga araw at nagbago ang ihip ng hangin para kay terran, eh paano panay ang paglalambing sa kanya ni hessa, nalaman na rin ng lolo niya ang tungkol sa nangyari nung gabing hinalikan niya si hessa at ngayon'y heto ang dalaga, nakaangkla sa braso niya pero alam niyang peke ang paglalambing nito, halatang halata naman sa mga binibigay nito,ipinagluluto siya nito ng mga putaheng paborito niya na alam na niya kung kanino nito nalaman pero kapag sa kanya ay may karima rimarim na lasatulad na lang nung nakaraang araw na pinagtimpla siya nito ng kape kinaumagahan, pagkagising na pagkagiding niya ay nakita niya ang dalaga nakaupo sa gilid ng kama niya kasama sa kwarto niya ay ang lolo niya at sinabing ipinaghanda siya nito ng agahan, tuwang tuwa pa naman siya dahil paborito niya ang pancake at pinagluto siya ni hessa no'n kaya dali dali siyang nag ayos at pumunta sa hapag ng may masayang ngiti
agad niyang nilagyan ng chocolate syrup pero laking gulat na lang niya pagkakain niya sa pancake nang malasahan ang sobrang alat nun, imbis pala na asukal ay asin ang inilagay ng dalaga, napaangat ang tingin niya dito and he just saw how the side of her lips rose up at it's satisfaction, mas pinili na lang niyang manahimik kesa ipahiya ang dalaga lalo't nasa harap sila ng mga kamag anak niya, uminom na lang siya ng kape para pampatanggal lasa ngunit pagrikim niya wala rin palang asukal yun dinalian na lang niya ang pagkain napabaling siya sa kanyang lolo na ngiting ngiti kay hessa
"hessa, hija, mukhang masarap nga ang niluto mo, sarap na sarap si terran, ano sa tingin mo hijo? pwede na talagang mag asawa ang batang ito"
tuwang tuwang sabi nito sa kanya"bagay na bagay kayo" anang jaline, asawa ni leigan, isa sa mga pinsan niya
"oo nga 'tol, ito pa namang si hessa, mukhang maalaga"
"sa customer nga niya ay maalaga yan sa mapapangasawa pa kaya, di ba terran?" si eloida
tumango na lang siya at tipid na ngumiti
mukhang magkakasakit yata siya sa bato
hanggang sa naulit ng naulit ang pangyayaring ganoon
nung isang beses pa ay yung nilutong kaldereta na sobrang anghang, sunod ay yung cake na sobrang tamis na magkakadiabetis na ata ang kakain hindi lang yun pati yung spangetti na sobrang pait din
hanggang sa isang araw nagluto ito ng carbonara at lasagna, syempre hindi niya ulit matatanggihan yun dahil naandyan ang mga kamag anak niya kahit pwedeng pwede naman niyang tanggihan, gantihan sa kapilyahan o pagsabihan ito kapag wala na ang mga kamag anak ay hindi niya magawa bukod sa umiiwas din ito kapag napapag isa sila ay nagi guilty din siya dahil alam naman niya kung bakit ginagawa iyon ng dalaga kaya nanahimik na lang siya at balak hintayin kung kailan magsawa ito sa ginagawa
"terran" malambing na tawag sa kanya ng dalaga sabay abot sa kanya ng carbonara at lasagna na base dito ay para sa kanya, nang tikman niya iyon ay hindi na siya nagulat sa walang pagsidlang pait noon, sadyang sinasadya iyon ng dalaga at talagang nakabukod ang mga retokadong luto nito para sa kanya mula sa maayos na luto na para sa lahat
"masarap ba?" malambing na sabi nito
"pwede ko bang matikman yang sa'yo terran, mukha kasing espesyal ang pagkakaluto ng sa iyo kumpara dito" usyuso ng matanda na nakapagpataranta sa dalaga
"lolo fredo meron naman po dito"
"mas gusto ko yung kay terran mukhang espesyal, sige na apo huwag mo nang ipagdamot"
"sure lo, no problem" sabi niya at bigysn ng kutsara ang matanda
"masarap po yan" dagdag pa niya ng nakangiti, ngayon ay alam na niya kung paano makakaiwas sa karima-rimarim na lutong retokado nito, lagi na lang niya iyon ipapatikim kay lolo fredo
napatingin siya sa dalaga na nakatayo roon sa gilid na wala nang nagawa, nakayuko at pinaglalaruan ang daliri, napangiti siya
"she's so adorable tho." sinabi ng kabilsng bsnda ng isip niyanapailing siya sa naisip, sumubo na ang matanda at bigla itong nsmutla nang malasahan ang luto ng dalaga
"hindi sa pag aano hija pero nilagyan mo ba ito ng apdo?"
yumuko lang si hessa at umiling
"kailangan pa ng konting practice hija" hiyng hiyang tumango si hessa nang mapabaling sa kanya ang kanyang lolo
"bato ba ang sikmura mo hijo?"
natatawang umiling na lang siya
at doon natapos ang karima rimarim na retokadong luto nito
akala niya'y tapos na ito ng biglang pagkalipas ng ilang araw ay binigyan siya ng bulaklak, pa konswelo daw sa disaster na luto nito
pero paglanghap niya sa bulaklak ay isang bubuyog ang biglang lumabas mula doon
napailing na lang siya, sadyang hindi titigil ang dalaga, nag iba lang pala ng estratehiya sa pagpapahirap sa kanya
nagpatuloy lang ito sa iba't ibang paraang naiisip ng dalaga pero habang tumatagal na hinahayaan niya ito ay lalo lang tumitindi ang naghuhumindik nitong galit sa kanya
pero hindi niya rin maikakaila ang sumisibol niyang munting damdamin sa dalaga tuwing naglalambing ito sa kanya, kahit pa kunwari lamang iyon at ang katotohanang hindi ito interesado sa kanya ay lalong nagpadagdag ng interes niya sa para dito
he doesn't know what happened to him, she's not his type but he actually find her sexy, by her sharp sweet tounge, damn his grandfather to put that idea in his mind
bakit niya naisip na sexy ang babaeng may matalim na dila na tila nakalunok ng balisong?
napasapo siya sa noo niya
"terran!" napabaling naman siya ngayon sa mga pinsan niya
"napapadalas na magkasama kayo ni hessa ah, parang siya na nanliligaw sa'yo?"
tinawanan niya ang mga pinsan
"ano ba naman kayo, wala lang yun"
"paalala ko lang sayo, konting ingat, alam mo namang ikaw ang target ngayon ng mahal nating lolo"
tumawa lang siya
"as if!"
nagkatawanan na lang silang magpi-pinsan at nagkwentuhan ng kung ano ano
"next week na nga pala ang kasal ano?"
"oo nga eh, ang bilis"
"tingin n'yo? maganda kaya naisip nila shedda na pagsamahin na ang bachellor at bachelorette party?"
"that's not a bad idea though"
parang kinabahan bigla agad si terran ng mapaunlakan ng mga pinsan niya ang ideya ni shedda
i have a bad feeling about this...... he whispers

YOU ARE READING
A Stoned heart of an agent
Fiksi UmumTerran Lunoxx Serrano is a michievous fbi agent 'till he fell inlove with the angelic daughter of a syndicate leader but after she betrayed him his heart turned cold as she ruined his perspective idea about his job that he almost turned his back fr...