Chapter 20

21 7 14
                                    

A week after the incident in the bar, Dymaun and I will meet again. I was not doing fine these past few days so I decided to make a move.

I contacted Imang Nena to ask if Dymaun went home. After the call ay napagdesisyunan kong puntahan siya sa mansion nila sa Pampanga.

I was told by my brother that he saw him at the car park, bleeding, and sent him to the hospital that night pero umalis din kaagad si Kuya dahil dumating ang mga pinsan nito.

He drove me to the bus station and I'm now standing in front of the tremendous gate of their mansion. The guard instantly noticed me so he called Imang Nena para ipasundo ako sa mga kasama nila sa bahay.

Joy came rushing to me and enveloped me in a tight hug.

"Ate! Bumalik ka! Ang sungit ulit ng Senyorito nitong huling uwi niya. Hindi siya halos lumabas ng pottery. Hindi ri siya namamansin hindi katulad noong nandito kayo, palagi yung nakangiti sa amin," nakangusong sumbong nito.

Naglakad kami papasok kahit na may kalayuan ang bahay sa tarangkahan na pinasukan. Dumaldal at naging masigla rin ang batang 'to.

Hinagod ko ang kaniyang likod at nginitian, "Ganoon talaga 'yon. Mabuti nga ay medyo may kahabaan na kapag nagsasalita iyon. At mabuti rin na medyo may kadaldalan ako. Baka pa mapanis ang laway namin kung magtitigan lang kami."

Napansin ko ang iilang pagbabago sa paligid ng mansion. Tumaas ang mga hedges o green fences na nakakabit sa mga bricks upang paghiwalayin ang ibang bahagi ng lupain mula sa mansion. Napakalinis din ng paligid at makikita mula rito ang mga berdeng-berde puno ng mangga at ang mga umuusbong na mga sampaga sa tuktok ng mga puno.

Kinukuha sa akin ang backpack na dala pero hindi ko iyon ibinigay. With my block-heeled ankle straps sandals, white long sleeves blouse, and mint green trousers, I paraded on the grounds of greens where I first met him.

I can't contain my smiles even though we're not in a good situation. I remembered everything I've done para lang mapansin niya. Naalala ko ang pagkunot ng noo niya tuwing nang-aasar ako... Ang ngiti niya pagkatapos ng kalokohan ko, pati ang pag-akay at mga halik niya tuwing naglalambing ako.

Sumilip ako sa pintuan at nakita siya roon na abala at seryosong naghuhulma ng burak sa kaniyang makinarya, magkasalubong ang mga kilay at babad ng pawis.

"Dito ka muna, Joy. Mag-uusap lang kami ng senyorito mo," kalmado kong sabi sa bata at mabilis naman itong tumugon at bahagya pang lumayo.

"Hi."

I stood there for five good minutes pero hindi niya ako binalingan ng tingin. Ilang beses na niyang paulit-ulit na winasak at muling hinulma ang clay sa wheel para lang maiwasan ang presensiya ko.

I scratched my nose before deciding to advance and go near him. Natigil siya sa ginagawa nang makalapit ako. Napakarumi ng kaniyang apron at pantalon pati na rin ang kaniyang katawan.

"Dymaun, let's talk. Please."

Napakapula ng gilid at ilalim ng kaniyang mga mata pati na rin ang kaniyang matangos na ilong.

What happened to my baby, huh?

I puckered my lips and heavily breathed air through my nose to stop the tears from falling off my eyes.

Dinala niya ako sa silong malapit sa lawa na dating pinuntahan namin. Naupo ako sa kawayang papag na nakaharap sa tubig. Mabilis nagbago ang mga emosyon ko. Kanina lang ay nangingiti pa ako ngunit ngayon ay biglang bumigat ang hangin sa paligid. Pakiramdam ko ay nasasakal ako.

"Kumusta?"

"Fine. You? How are you?" bahagya siyang tumikhim. Halos hindi ko na marinig ang boses niya. His eyes were fixed on my lips.

An Everglow After SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon