Chapter 21

21 6 8
                                    

It's been five months since the first time I laid my eyes on him. During those months, I learned a lot of things. I regained the courage to patch up the broken pages I was afraid of. I managed to grow feelings for him that eventually blossomed. But seasons change so feelings do.


Tinapos ko ang mga projects na naumpisahan sa kompanya tulad ng plano noong una. Mag-aaral ako at maninirahan sa kapatid ko habang si papa ay mananatiling adviser ni Kuya Jay na siyang mamamalakad sa kumpanya.


I don't have time to mourn for the love I didn't have.


Two months after, nakaramdam ulit ako ng pananakit ng balakang, likod, at ulo ko. Madalas din ang pagbabago ng mood ko at sa halos sa lahat ng pagkakataon ay irita o galit ako kahit wala namang ginagawa ang mga tao sa paligid ko. I also gained weight.


Akala ng mga kaibigan ko ay buntis ako but how will it happen when I am a virgin? Ano ako... ang Immaculate conception?

I got myself checked. And guess what? All these years, I thought it's just because of my menstruation but it is worse than that. I should have told my mom about what I am suffering with. I shouldn't have kept it a secret.


I was diagnosed with polycystic ovary syndrome. I've taken medications and started to live healthier. Madalang na lang ang coffee. Palagian din ang pagdalaw ng mga magulang ko rito kahit sinasabi kong ayos lang naman ako.


Madalas kong nilalakad Henderson beach para panoorin ang dapit-hapon. I was obsessed with the beauty of it. Ang buong kalangitan ay laging nababalot ng pinaghalong dilaw, pula, at kahel na sobrang nakakahalina.


Ang paglubog ng araw sa dagat ay nagpapasabik sa akin. Katulad din ng pagkasabik ko sa kadiliman pagkatapos nito. Alam ko na sa paglubog ng araw ay magliliwanag naman ang buwan na siyang magpapakalma sa mararahas na hampas ng alon sa aking dibdib.


December that same year, inulan ako ng mga balita tungkol sa enggrandeng kasal nina Dymaun.


His features became more defined. His face was serious but his eyes say the otherwise. I was in a coffee shop when I saw the magazine on the rack. Nasa front page ang larawan nila!


Naninikip ang dibdib ko habang pinagmamasdan ang mga kamay niyang dating sa akin lang nakapulupot at ang mga mata niyang kasing gaan din ng pagkakatingin niya sa babaeng kasama. He was fresh-looking. Bagong tabas ang buhok at bagong ahit din. He looked more gorgeous and a lot better.


Maybe it's true that everything about us didn't matter.


I studied well. Inubos ko ang oras ko nitong nagdaang taon sa skwela, pag-antabay sa ilang projects dito sa Florida, at pagbabantay sa makukulit kong pamangkin.


It was a rough year. Bukod sa kundisyon ko ay nagkaroon din ng problema sa ilang lupain na nabili namin noon. Mayroon sa mga iyon ang nakaw mula sa mga grupo ng mga katutubo. Mabuti at naaksiyunan agad iyon at naibalik sa tunay na may-ari ang mga titulo. Everything went back to normal but it has done a little changes in the company.


On my 24th birthday ay umuwi ako sa Pinas. Natapos ko ang MBA ko nang mas maaga sa inaasahan.

An Everglow After SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon