Chapter 08

73 9 229
                                    

Madilim pa sa labas ng mansiyon nang magising kami para maghanda sa paghaharvest ng mga mangga sa farm. Dinig na rin ang ingay ng ilang mga matatanda na nag-iistorya at natatanaw ko sa hardin ng mansiyon mula sa bintana ng aming silid. Nakataas ang mga paa ko sa sofa nang makarinig ng tatlong maririing katok sa pinto.


"Gising na kayo?" Rinig kong sabi ni Eron mula sa labas.


"Oo... saglit lang. Lalabas na rin kami." I slipped my feet on my flipflops as we waited for Deza to finish her make up.


"Bakit naman kasi kailangan na maaga rin tayo? Pwede namang mamayang konti pa. Inaantok pa ako eh." Pagmamaktol ni Joanne.


"At bakit naman? Ang aga nating natulog kagabi ah. O baka naman may itinatago kang kung ano sa akin..." Mas diniinan ko ang pagkakahalukipkip ng mga kamay ko at pinaningkitan ito ng tingin.


"... OR, may kung SINO kang pinagkakapuyatan tuwing gabi."


"Ikaw naman, sis. Syempre. Alangan namang sa umaga ko pagpuyatan diba? Deza tapos ka na diba? Tara na." Nagmamadali nitong binuksan ang pintuan at nagpatiuna ng lumabas.


I sighed. I shouldn't meddle, right? Huwag lang sana siyang masaktan.


Huli akong lumabas ng kwarto. Wearing a brown linen long sleeve folded in half, a white linen shorts, and my flip flops, I paraded through the luxurious wooden and marbled staircase of the mansion.


Hindi na ako nag-abala pang kumain dahil masyado pang maaga para mag-agahan. Kumuha nalang ako ng isang mansanas, pampagising.


Nang makalabas kami ay nakisalamuha na rin sa mga nakakatanda na mamimitas ng mangga.


"Magandang umaga po," bati namin. They all smiled back and continued chatting. Iginala ko ang mga mata sa paligid. Nagbabakasakaling narito siya ngunit wala pa rin ata.


I didn't see him since the night that I butt in to his conversation with Imang Nena. I wasn't mad nor shocked after knowing that he's the "senyorito" that the helpers are pertaining to. It's like I expected it already. No, I do expected it. It's evident on his appearance and attitude-a snob Spanish bread. Ha?


"Senyorito? Ikaw ang senyorito... Dymaun?"


Nilingon ni Imang ang banda ko. Walang bahid ng gulat o pagkakabalisa. A genuine smile appeared on her face.


"Ikaw pala, hija. May kailangan ka ba?" I saw Dymaun looking at me through my peripheral vision. He is fucking pouting which is making my knees wobble.


"Cellphone ko po... Naiwan." I excused myself and tried to look for it on my sit and under the table but it wasn't there.


"Baka sa ibang lugar mo naiwan, hija." Si Imang Nena.


I creased and scratched my nose. "Siguro nga po."


"Ima, diba you'll sleep na? Tara, hatid kita sa bed mo."

An Everglow After SunsetTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon