Silong sa Bubong

1 0 0
                                    

Sayad sa lupa ang mga mata,
Iwas sa paligid na puno ng ligaya.
Patuloy sa paglalakad,
Hangin ay may gustong ilahad.

Tila bagang ang langit ay nakikisabay,
Sa damdaming laging matamlay.
Binalot ng dilim ang paligid,
Malakas na patak ng ulan ang pumaligid.

Ibinaling ang paningin sa iyo,
Ika'y naging maamo kagaya ng aso.
Aso man kung maihanlintulad,
Suriin ang ngiting mapanlinlang na bubungad.

Sa basang ulan at hanging nakayapos,
Ang maniit mong yakap ay tumagos.
Humingi ng saklolo,
Oo! Tinugunan mo nga ito.

Nag-abot nga ng kanyang kamay,
Ngunit pakiwari ko ito'y sasablay.
Huwad na klaseng kabaitan,
Ako'y kumagat ng hindi pinag-isipan.

Pinatuloy! Pumasok sa walang siguro,
Ang lahat ay pawang panloloko.
Siya nga, ako'y nahulog sa patibong,
Pinasilong sa butas mong bubong.

Silong sa BubongTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon