Chapter 1: Noted

107 6 0
                                    

"Dito nlang Baden,sabi ni Lorde sa kanyang papa, ng nahagip na ng mga mata niya ang Dandellion high. "Kaya ko ng maglakad simula dito"

"Sige" Sabi ni Baden- ang papa ni Lorde. Sabi niya ay tawagin nlang sya sa totoong pangalan nya, wag na daw papa dahil, matanda na raw masyado si Lorde.

Inihinto na ni Baden ang Ford, at bumaba na si Lorde, at nagsimula ng maglakad. Tatapak pa sana si Lorde sa hagdanan papunta ng room niya ng may tumawag sa kanya.

Si Myrrh Lopez, kaBatch nya rin ito at siya ang pinakaunang nambasted kay Lorde noong 7th grade dahil daw ay hindi marunong humalik ang binata. Kasama rin ni Myrrh ay si Joyce, isa sa mga matatalik na kaibigan ni Zera. Kung tutuusin ay tatlo talaga silang magbabarkada, si Zera Santiago, si Joyce Sarceno at si Mikee Lara. Ngunit isang araw ay nagkalabuan silang tatlo at ang sabi lamang ni Zera kay Lorde ay may sinasabi na masama daw si Joyce at Mikee tungkol sa kanya.

"Oyy, Lorde. Kamusta?" tanong ni Myrrh sa kaniya. Hindi maiwasan ni Lorde tanungin ang sarili kung kailan pa sila naging close ni Myyrh. "Ayos lng naman" ang tanging naisagot ni Lorde

"So how is California? You changed a lot Lorde, mas gumwapo ka ata?" ngayon ay si Joyce ang nagtanong. Hindi rin sya makapaniwala na ang laki ng ipinagbago ni Joyce, sa una kasi nung 8th grade ay malaman ito at palagi syang natutukso ng "baboy".

" Salamat Joyce," sabi ni Lorde. "Wala nman masyadong nagbago sakin."

"Uhm, hey Caliboy, wanna go to my party, this weekend?" tanong ni Myrrh kay Lorde. "Caliboy?" tanong ni Lorde

"Oo, short for California Boy" sabi ni Myrrh "so ano? Punta ka?"

"Pagiisipan ko" ang tanging naisagot ni Lorde, ayaw nya kasing Maglasing kung maari dahil pagod na pagod sya mula kahapon dahil sa byahe sa Cali papunta dito sa Manila.

Naglakad na patungo si Lorde sa kanyang klase. AP English ang degree program ni Lorde at papunta sya ngayon sa room 34B sa may 4th floor ng paaralan. Unang araw nya sa paaralan at wala nmang required na school uniform ang paaralan kaya Baggy pants lng ang suot nya na nabili nya sa Throttle- isang botique sa States at Graphic tee na nabili nya sa Penshoppe kanina.

Pumasok na sya sa klase niya at nakita nya ang mga iilang pamilyar na mga mukha: Si Beatriz Langomez ay nakikipagdaldalan sa iba pa nyang kasama sa cheerleading squad, sina Treza Alzate, Charlette Navarrosa, Grae Nawa at mga iba pang hindi nya kakilala. Alam niyang Cheerleaders sila dahil sa Miniskirt ang suot nla.

Sa kabilang banda nman ay may iilang mga lalake, sila Ric Tribunalo, Maurince Wata, Regie Larona, at Brylle Chatto, di nagtagal nakita nila si Lorde at tinawag. Lumapit nman sya.

"Musta pare," tanong ni Brylle. "Alam mo bang sampu na ang nagtanong sakin nyan?" Nagtawanan sila, at nang nagtanong si Ric, "Naka move-on ka na ba kay Zera?" at ayun ang hindi niya inaasahang tanong niya. The million dollar question.

Hindi niya rin kase alam, kung tuluyang nakawala na sya sa kaniyang nakaraan. Naalala pa niya pagkabukas noon ay hindi na nagpaparamdam si Zera, naabutan ng mga linggo, buwan at pagkatapos ng isang taon, Pumunta na sila ng California.

Sasagot palang sana si Lorde ng dumating ang isang Babae na di gaano ka tanda, parang fresh graduate pa lamang ito.

"Goodmorning class, I'm miss Myries Alido, your AP english teacher" hindi makakaila na maganda si Myries, tinignan ko sina Ric, iisa lang ang reaksyon nila, na tila kumikinang ang kanilang mata na parang mga bituin.

Pagkatapos ng lunch ay dumiretso si Lorde sa "Tortured" isang party bar na sikat, dahil kadalasan ng mga estudyante ng Dandy high ay dito tumatambay.

"Isang margarita, please" alam niyang ayaw niyang uminom muna ng alak ngunit kailangan nyang ipagpaliban iyon, dahil sa iisang dahilan kung bakit sya umiinom- si Zera. Sa biglaang pagtanong ni Ric sa kanya ay tila bumalik lahat ang sakit, ang pag-aalala, ang pagkalungkot.

Ang lahat ng nasa paligid nya ay iniisip na patay na si Zera, akala niya tanggap na niya iyon, ngunit sa ikamilyon na pagkakataob mali na naman siya.

"Caliboy?" tanong ni Myrrh na nasa ikatatlong upuan sa kinakauupan niya lng pala. Hindi niya siguro ito napansin, dahil sa sobrang absorbed nya sa ideya na patay na si Zera. "Anong ginagawa mo dito?"

"Iinom lng ng konti" sagot ni Lorde. Nakalugay ang buhok ni Myrrh may flower crown sya sa ulo. Suot niya ay isang pink top na kita ang kaniyang tiyan at pink low cut jeans. Umusog si Myrrh sa kaniyang tabi at naamoy niya kaagad ang Strawberry.

"Hi ulit." sabi ni Myrrh sabay tawa. Napangiti rin nman si Lorde. "Hello din Myrrh" bati ni Lorde.

"So wala talaga?" Tanong ni Myrrh.

"Ano ang wala?" Ngunit alam ni Lorde kung ano ang tinutukoy ni Myrrh. Pero ayaw nya lang talagang sagutin ang tanong.

"Si Zera" iyon lamang ang sinabi ni Myrrh ngunit napakalaking impact iyon sa puso niya.

"Wala ehh, sabi nila ang pinakamasakit daw na pagtatapos ay iyong may mamamatay na isa sa kanilang dalawa, sabi nman ng iba, ang pinakamasakit daw ay yung nag be break daw. Pero para saakin ang pinakamasakit na pagtatapos ay iyong, naiwan ka nalang bigla at nagtatakang nagtatanong ng: anong nangyari?

Dahil kapag may namatay man o nagbreak alam mong wala na talaga sila at kailanman ay Hindi na sila mapapasayo. Pero pag naiwan ka nalang bigla, Hindi no malalaman kung kailangan ka pa bang maghintay o sumuko nlang." Pag-amin ni Lorde at uminum ng cosmo na in order niya.

"Sorry Lorde" niyakap ni Myrrh si Lorde na ikinabigla niya. Niyakap rin ni Lorde si Myrrh. "Hindi ko alam, Hindi ko alam na nasasaktan ka parin hanggang ngayon."

Hindi na nmalayan ng dalawa na naguusap na place sila ng mga tatlompung minutos. Nagexcuse si Myrrh upang pumunta sa CR.

Siguro sa kalasingan ay sinundan niya si Myrrh sa banyo, ng nakapasok sya ay naamoy niya agad ang mga perfume na naghalo-halo na. May mga tissue na nagkalat at nakita niya si Myrrh sa may salamin. Nagulat nman si Myrrh na nkita nya si Lorde sa banyo.

Hindi napigilan ni Lorde ang sarili at naglakad papunta kay Myrrh. Inilagay niya ang mga palad sa pisngi ni Myrrh, sabay lapat ng labi niya kay Myrrh. Ngayon lang napagtanto ni Lorde na masarap ang lasa ng strawbery. Masarap ang lasa ng strawberry kapag meron ito sa labi ni Myrrh.

Ang init ng labi nila sa isat isa. Hindi maihambing ni Lorde ang kaniyang nararamdaman. Parang si Zera ang nakikipaghalikan sa kanya ngunit, walang makakatalo sa mahal niya, at si Zera lamang iyon.

Kung saan-saan nakarating ang kanilang mga kamay, nang papunta na ang kamay ni Myrrh sa pantalon ni Lorde ay hindi niya ito pinigilan, kailangan niya ngayong makalimot. Hindi man perpekto ang lugar ngunit alam ni Lorde ngayon, kung saan si Myrrh ay kahit sa basurahan pa ito ilagay, ay magiging paraiso rin ito.

Nang inilapit niya ang kaniyang labi sa tenga ni Myrrh ay may nahagip ang kaniyang mata na papel na may sulat, hindi niya ito mabasa ng maayos, kaya tumigil siya sa paghalik kay Myrrh. Lumapit siya sa salamain kung saan naroroon ang papel, ng basahin niya ito ay namutla sya. Tumigil ang tibok ng puso niya at nagsimulang kumabog ng malakas. Biglang may kaba na namuo sa kaluob-looban niya. Hindi ito maari.

"Ano yan Lorde?" tanong ni myrrh, agad namang nanumbalik ang kaniyang presensya at inilagay ang papel sa Bulsa niya. "Wala myrrh, bumalik na tayo sa table" at nagsimula na silang maglakad palabas ng cr. Ngunit hindi parin matanggal sa isip ni Lorde ang nakalagay sa sulat.

Mukhang may bago kanang lovey dovey, babe. Kinalimutan mo na ako. -Z

The Z Game: BonesTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon