Mag-iisang linggo bago matanggap ni Lorde ang papel sa salamin sa Female C.R. sa tortured—isang bar malapit sa Dandellion High.
Ngayong biyernes ng hapon ay planong magkita si Lorde at Myrrh. Nakasuot siya ng Statement tee na nabili niya sa bench at isang baggy pants na ibinigay ng kanyang ina. Nagsuot rin siya ng cap na may nakalagay na: ROAR na nakalagay sa bunganga ng isang leon.
Di rin niya kinalimutang suotin ang kwintas na ibinigay ni Zera: May roon itong pendant na kalahati ng mukha ng isang Anghel (or Cupid). Tinignan niya ang kalahati na mukha na ngayon ay parang si Zera. Fuck
Nagmartsa na siya papunta sa sala kung saan nakaupo ang kaniyang ama na si Baden.
"Pa," sabi ni Lorde kay Baden. Agad namang nilingon ni Baden si Lorde galing sa panonood ng TV. "Paheram ng susi sa Isuzu."
Napataas ang kilay niya. "Bakit?" Tanong niya kay Lorde at tumayo para kunin ang susi ng kanilang kotse.
"Just," nag-isip si Lorde ng palusot. "Hang-out lang Baden."
Mukhang nagsang-ayon lang siya at inihagis ang susi patungo kay Lorde. Pagsalo ni Lorde sa susi ay agad siyang tumakbo palabas ng bahay nila.
Pinaandar niya ang sasakyan at humarurot palabas ng village nila at pumunta sa bahay nila Myrrh.
Habang papadaan siya sa bahay nina Zera, may napansin siya na hulma ng babae papunta sa likod ng bahay nila Zera. Pinreno niya ang sasakyan. Tinignan ang bakuran na kung saan wala na siyang nakjta kundi ang malaking flower vase sa kilid ng bahay nila. Pero may isang segundo na naisip at nadama niya na si Zera iyon. Hindi siya pwede magkamali. Alam na alam niya ang bawat hibla ng buhok ni Zera.
Lumabas siya ng kotse at sinundan kung saan nawala ang katawan ng babae.
Napunta siya sa likod ng bahay nila Zera, pero kahit anino man lay walang bakas. Pumasok siya sa loob kung saan ang kusina nila Zera ang nadatnan niya. Wala paring nagbago. Iilang taon rin bago siya nakapasok sa bahay nila Zera muli.
Nagvibrate ang phone niya, kinuha niya ito at binasa, galing pala ito kay Myrrh.
Myrrh: Nasaan ka na? Ready na ako.
Nakatingin siya sa munting plorera na nasa gitna ng lamesa ng nakarinig siya ng ingay ng parang may nagulog mula sa taas mismo ng kinatatayuan niya. Kwarto ni Zera.
Dali-daling tumakbo si Lorde sa kwarto ni Zera kung saan nanggaling ang ingay.
Napahawak siya sa pintuan at inilapit ang tenga sa pinto. May mga hikbi ng isang babae, parang kay Zera.
Binuksan niya ang pinto at nakita ang babaeng kinukuha ang mga biyak ng picture frame.
Napatingin ang babae kay Lorde. Nanlaki ang mata niya at sumigaw. Nanlaki rin ang mga mata ni Lorde, hindi siya si Zera, kung tutuusin ang layo niya kay Zera.
Kung si Zera ay may malalaking mga mata, ang babae sa harap ko ay singkit. Morena si Zera, ang babae sa harap ko ay Mestiza. Matataas ang buhok ni Zera habang sa babae na nasa harap ko ay hanggang balikat lang at blonde pa ang bandang dulo.
Napaisip tuloy si Lorde kung ang babaeng sa harap niya na sumisigaw ay ang babaeng nakita niya sa labas ng bahay nila Zera.
"Sino ka?!" Tanong ng babae kay Lorde.
"Eh, ikaw. Ikaw! Sino ka!? Magnanakaw ka ba ha?!" Sigaw din ni Lorde.
Nalito rin naman ang babae sa inasal ni Lorde. Parang nagtatanong ng "How dare he tell me I'm a thief!" Her eyes was filled with disgust and agony.
"Ma! Ma!" Sigaw ng babae. Ngayon si Lorde naman ang nalito. Nagdala siya ng matanda habang nagnanakaw?
"Sino ka ba ha?!" Sigaw ng lmbabae na ngayon ay may dalang piraso ng nabasag na salamin galing sa picture frame.
Galit na galit ang babae ngayo'y umaamba na sasaksakin ito ng salamin na nabasag. Pinigilan rin ni Lorde ang kamay ng babae. Akala siguroy matatakot ang binata sa kanya.
"Hoy... Hoyy! Ano yan?!" May umeksena namang babae na nakaputing nakacorporate attire at binali ng tingin niya papunta kay Lorde.
"Bakit kayo nasa bahay ng mga Santiago?" Tanong ni Lorde sa babaeng mga nasa early 30's. Naka Pixie cut ito, at pareha ang hulma ng mukha sa anak nito.
"Ha? Amin ang bahay nato. Ibenenta na nila ito, matagal na." Kalmadong sabi ng matandang babae."P-pero, b-bakit?" Ngayon ay nauutal na si Lorde, nakakahiya! "Ang alam ko ay mahal na mahal nila ang bahay na ito. Galing pa to sa lola ni Zera!
"Zera?! Well look, ibinenta na ito sa amin. Wala akong pakealam kung bakit ka nandito, pero umalis ka dito. Tresspassing itong ginagawa mo!" Sabi ng babaeng matanda.
Napabuntong hininga nalang si Lorde. Naibenta? Hindi ito makapaniwala sa nalaman. How come nobody ever fucking told me about this?!
HINAMPAS niya ang manibela sa sobrang galit. Umasa na naman siya. Umasa at nabigo. Kinuha niya ang kaniyang cellphone at nagmanikilya para kay Myrrh:
Me: cannot cum. Some emrgncy. Sorry.
At sinend iyon. Ibinalik niya ang kaniyang phone sa bulsa at nagdrive na pauwi ng bahay nila.
Nasa tapat na siya ng bahay nila pero di parin bumababa't lumalabas sa kotse. Wala na ba talaga? Muli, hinampas niya ang kaniyang manibela. Nandoon lang siya sa kotse ng mga dalawang oras. Nag-iisip.
Magtatatlong oras na siya ng napagdesisyunan niyang lumabas. Habang naglalakad siya sa bakuran ay napansin niyang may tumakbo sa likod niya. Nilingon niya ngunit wala.
Ng makapasok siya sa bahay nila ay nadatnan niya ang kaniyang ina na nanonood ng "UP!".
"Bakit ang aga mo Lorde?" Tanong ng kaniyang ina. Napailing nalang ito at nagtaka. Diba nga dapat ay magpasalamat pa siya sa akin dahil maaga akong dumating sa bahay?
Inilagay niya ang susi sa may Key Hanger sa may pader at dumiretso na ito paakyat papunta sa kwarto niya.
Nang nakapasok na siya sa loob niya ay kinuha niya ang phone niya at nakitang may dalawang nagtext.
Ric T: pre, party sa bahay bukas. raming chikababes.
Myrrh: Ahh. OKAY. Next time.
Imbis na magreply ay hinubad nalang niya ang damit at pantalon niya. Naisipan niyang matulog. Naiwang sa kanyang katawan ang boxers na kulay green at ang kwintas na ibinigay ni Zera.
Ng ilalagay niya ang kaniyang phone sa mesa niya ay nahagip ng kanyang mga mata ang kumikinang na bagay sa may drawer niya.
Nilapitan niya ito at halos mailuwa niya ang kanyang kaluluwa sa gulat. Iyon ay ang kalahati ng kwintas niya. Ang kwintas ni Zera.
Dali-dali siyang tumakbo pababa upang tanungin niya ang kanyang mama.
"Ma, may pumasok ba sa kwarto ko?" Halos paghihesterya niyang sabi.
"Wala naman anak." Ang tanging sagot ng kaniyang ina.
*****
Ano pong masasabi niyo sa kabanatang ito?
Vote at Comment po. Salamat.

BINABASA MO ANG
The Z Game: Bones
Misterio / SuspensoThe Z Game: Bones by bambxx "Poor little Lordeykins, when his super lame girlfriend went missing right after their meet-up on their house for their project, he went sad. Causing all new troubles and went straight to America- and I know all of it lik...