Nagulat si Nimfa dahil hindi niya inakala na kita sa kanyang mukha ang tuwa sa pang iinis sa kanyang kuya "Nung una hindi maganda ang gising ko at dahil yun sa taong nag papatugtog ng napakalakas na sweet child of mine na yan" sagot ni Nimfa.
"Ayyy pasensya na po prinsesa Nimfa" biglang sabat ni Liam At klyde.
"Ay nandito pala ang dalawang kawal" gulat na wika ni Nimfa "char" at sabay peace sign.
"Oo pumunta sila dito at gusto magpatulong sa mga gawain niyo" sabi ni Caspian kay Nimfa habang papunta sila sa kusina.
"Ahhh sige, galingan niyo makinig ahh, lalo na badmood yung mag tuturo sa math" sabi ni Nimfa sa dalawa at napangiti siya ng maalala ang nangyare kanina.
"O anong nangyare sa pangalawa" tanong naman ni Caspian kay Nimfa habang paupo sa upuan.
"Anong pangalawang nangyare?" Sagot ni Nimfa habang kumukuha ng tubig na maiinom.
"Diba badmood ka nung una eh anong nangyare sa pangalawa" pabirong tanong ni Caspian sa kapatid.
"Ahhhhhhh, sino bang di matutuwa kung ang isang Nimfa ay naasar nanaman ang hari ng kj" pagyayabang ni Nimfa sa nagawa niyang kalokohan.
"Woooiii, hindi ako kj noh, nakakaines ka lang talaga" biglang sigaw ni Killian mula sa ikalawang palapag ng kanilang bahay.
"Ayan narinig ka tuloy ni King Kj ayy HAHHAHA" pang aasar naman ni Caspian sa kapatid.
"Nga pala kuya walang pagkain?" Tanong ni Nimfa habang natingin sa loob ng ref.
"Ah merong doughnot sa sala, humingi ka nalang sa kanila" itinuro ni Caspian sila Klyde at Liam habang nakain ng doughnot, at tumingin naman ang dalawa at inalok nila ang kanilang kinakain. Tumango naman sila Nimfa bilang pag sangayon.
"Eh nasan naman si Mudrakles?"tanong ni Nimfa.
"Nag grocery ang reyna, wala nadaw kasing pagkain at ayaw niyang magugutom ang kanyang mga prinsepe at prinsesa". Sagot ni Caspian. Tumango nalang si Nimfa bilang pang sang-ayon
Pagtapos magusap nila Caspian at Nimfa, dumeretso na si Nimfa sa sala para kumain. Ngunit pag dating niya doon saktong isa na lang ang natitirang doughnot. Kinuha lang ni nimfa ang kanyang cellphone at pag lingon niya ay kinakain na ito ng kanyang kuya na si Killian.
Hinampas ni Nimfa ang kanyang kuya sa braso "Woi kuya, akin yan eh bakit mo kinain?" Sigaw na tanong ni Nimfa sa kapatid.
"Ahh sayo pala ito akala ko kasi ito ang mga pagkain ng napapatalsik sa palasyo" sabi ni Killian sa kapatid na may halong pang aasar.
"Ano bayan kuya ehhhh" pag mamaktol ni Nimfa "hindi pa ako nakain. Yun na nga lang pag kain ko kinain mo pa". Inis na sabi ni Nimfa habang nakasambakol ang mukha.
"O ano nanaman ang pinag aawayan niyo ang aga aga". Tanong ni Caspian.
Nilingon ni Nimfa si Caspian "Pano ito si kuya kinain yung nag iisang doughnot na natira" sabay turo sa kahon ng doughnot.
Tinignan ni Caspian ang kahon at tinignan si Killian, nag iwas lang ito ng tingin sa kanyang kuya.
"O sya sige mag papaorder nalang ako ng makakain" baling ni Caspian sa kapatid na si Nimfa.
"Hay nako spoiled talaga ang prinsesa" sabi ni Killian habang nanonood ng tv.
"Hindi yan spoiled wala lang talagang makain si Nimfa kaya ko bibilhan" paliwanag ni Caspian.
Ngumiti si Nimfa sa kanyang kuya bilang pasasalamat. "Sige kuya salamat. Sana naman yung pagkain mamaya ay para saakin na talaga ano? Diba kuya Killian?". Nag paparinig na tanong ni Nimfa sa kanyang kuya.
Napakamot nalang ng ulo si killian. "Oo na sige na sayo na po prinsesa". Sagot ni Killian.
Ngumiti si Nimfa ng marinig iyon "Akyat muna ako sa taas" paalam ni Nimfa.
*Makalipas ang ilang oras dumating na ang inorder na pagkain ni Caspian at dali daling bumaba si Nimfa.
*BEEEÈRRRBBB*
Dumighay si Nimfa matapos maubos ang pagkain "Sa wakas nakakain din" wika ni Nimfa.*Ding-Dong*
"O sino naman iyan". tanong ni Killian.
"Baka ang reyna". Sagot ni Nimfa.
"Sige kami na ang mag bubukas ng pinto para sa reyna bilang kami naman ang mga kawal, diba?" Tumingin si Liam kay Nimfa. "baka kasi maraming dalang pagkain ang reyna kaya kami na ang mag bubuhat" sabat naman ni Kylde.
*Ayan ipinapakilala ko sa inyo ang dalawang Heartrob sa bawat school na pinapasukan nila. Umpisahan natin kay Liam, Si Liam Alvarez ay Mahiyain, matalino at tahimik lang pero kapag kasama nila ang kaibigan nila siya ay maingay. Sunod naman natin si Kylde Alvarez ang chickboy na kapatid ni Liam, Hindi niya masyado sineseryoso ang pag aaral pati narin ang mga babae. Siya ay gala at matropa din. Magkaibang magkaiba sila ng kapatid niya pero ang parehas lang nilang dalawa ay ang kagwapuhan. Kababata ito nila Nimfa at kadalasan nasa bahay sila ni Nimfa, dahil ang kanilang magulang ay nasa Cagayan De Oro, kung saan nandoon ang kanilang business.
Sinalubong nina Klyde at Liam ang reyna "Hi tita, dito po muna kami ulit at makikikain narin hehehe " wika ni Liam. At binuhat na ang dala ni Mrs. Garcia
"Sige lang, mas marami mas maganda. Hayaan niyo iluluto ko mga favorite niyo" sabi ng reyna.
* Ayan si Reyna Kathleen Garcia. Ang nanay nina Caspian, Killian at Nimfa, taray no mala prisepe at prinsesa ang pangalan nila no?. Mayroong asawa si Reyna Kathleen kaso bihira lang nila makasama si Haring Alexander, dahil isa siyang negosyante, malago na ang kanilang negosyo sa Cagayan kasama niya dito ang Magulang nila Klyde at Liam. lagi siyang palipat lipat ng lugar at siguro sa isang taon mga limang na buwan lang siya namamalagi sa kanilang bahay.
BINABASA MO ANG
Ang Mapaglarong Tadhana
Short StoryIsang babae ang maswerte sa buhay dahil meron siyang magandang pamilya na itinuring siyang prinsesa.Mala prinsesa at prinsepe ang turingan sa loob ng kanilang bahay. Masayahin siyang anak at ang mga problema niya ay binabalewala niya lang. Kinakaya...