*BEEEEEPPPPP*
*BOOGSH*
*WIH-WUH WIH-WUH WIH-WUH*"Nasan si Nimfa?" Wika ng isang babae
"Nurse meron ba ditong pasyente na nag ngangalang Nimfa?"wika ng asawa nung babae
"Miss! Anuba kanina pa kami nag tatanong pero parang binabalewala niyo lang kami" sigaw ng babae sa mga nurse.
"Maam, Sir, pasensya na po pero wala pong Nimfa Garcia dito." Wika nung nurse.
"Klyde, sigurado ka bang nandito talaga siya?" Wika ng isa pang lalaki.
"Oo Caspian, nandito talaga si Nimfa" wika ni klyde kay Caspian.
"Eh bakit hindi mo na alam kung nasan sila ngayon?" Pasigaw na wika ni killian kay Klyde.
"Bro easy lang, tatawagan ko kasi kayo non kaya lumabas muna ako sa labas para mag hanap ng signal, tapos pag balik ko walang ng tao sa ER" pag papaliwanag ni Klyde.
*OMAYGULAAYY, eto na nasa iisang lugar na sila Nimfa pati narin ang kanyang mga magulang. Itong si Lucas tutuktukan ko talaga ehh, hindi ako naniniwalang nakainom siya nung nabunggo niya Nimfa, halatang hindi naman marunong mag drive tong si Lucas ehh HAHAHHA echos lang sige tuloy ang kwento.
"Miss inilipat na namin ang pasyente sa pribadong kuwarto, tatanongin ko sana kung magkano lahat ang aking bayarin" wika ng may edad na lalaki.
"Alejandro?" Wika ni Mrs. Garcia.
Napatingin ang lalaki kay Mrs. Garcia. Laking gulat ni Mrs. Garcia na nakita niya ang tunay na ama ni Nimfa."Pa, gising napo si Darya" biglang nilingon ni alejandro si Lucas na papalapit sakanya. Agad na nilapitan ni Alejandro si Lucas at sinamahan ng pumasok sa kwarto.
"Alejandro sandli" pigil ni Mrs. Garcia, at nakita ni Mrs. Garcia ang babaeng nakahiga sa kwarto. "Teka si Nimfa ba iyon?" Agad na pumasok si Mrs. Garcia sa kwarto at nakita niya nga na si Nimfa.
Ipinaliwanag ni Alejandro at Lucas ang nangyari, simula noong una nilang pag kikita ni Nimfa.
"Nag pakilala ka na ba bilang ama niya?" Tanong ni Mrs. Garcia kay Alejandro.
"Sa totoo lang hindi ko sinabi sakanya na ako ang kanyang ama, at ayoko naring malaman niya."
"Ikaw?" Biglang tanong ni Nimfa kay Alejandro. "Ikaw ang ama ko? Pero bakit hindi mo sinabi saakin?"
"Anak, gising kana pala" lumapit sakanya si Mrs. Garcia. "Oo siya ang tunay mong ama, at sana huwag ka ng magalit sa kanya" wika ni Mrs. Garcia.
"Sorry Darya kung hindi ko sinabi sa iyo natakot ako na baka pag nalaman mo umalis ka nalang bigla sa bahay" wika ni Alejandro.
Napangiti nalang si Nimfa "Sa dalawang taon po nating nagsama makukuha ko pa po bang magalit sa tatay ko?" Sabay ngiti ni Nimfa sa kanyang tunay na Ama. At ikinagulat naman iyo ni Alejandro. Nilapitan niya si Nimfa para yakapin ng mahigpit.
Ikinuwento nila Mrs. Garcia ang kanilang nakaraan kay Nimfa. Di nag tagal naunawaan na ni Nimfa ang lahat lahat at agad din niyang natanggap ang kanyang ama.
**Ayun naman pala, mag kakaroon rin pala ng happy ending ang buhay ni Nimfa sa kabila ng mapaglarong tadhana sa buhay niya. Pag katapos nang mga nangyare nagkasundo ang dalawang pamilya, at ito ang chika ko. Ano gusto niyong mauna? bad news o good news? Sige dun tayo sa goodnews. Ito na nga alam ko namang halata niyo na ang pagitan sa dalawa na sina lucas at nimfa, Makalipas ng limang taon naging mag kasintahan sila Nimfa at lucas at ngayon ay malapit na silang ikasal, galing no sanaol may lablayp, char, tapos ang badnews itong si Caspian hindi man lang ako pinatapos mag basa ng kwento, at ayun nag pakasal agad, hay nako Caspian baket hindi mo ko inantay. At si Killian naman ay mayroon ng dalawang prinsesa, sana di mag mana sa tatay nila please. At ito pa ang balita, sa wakas ay nakahanap na si Klyde ng babaeng nag patino sa kanya, gues who? Syempre walang iba kundi si manang Celly char, syempre si Stephannie, galing no, tapos si Liam ayern confirm baklush nga ang kuya mong Liam, pero okay lang tanggap naman siya ni mudrakles at pudrakles niya. At yun na nga doon nag tatapos ang kwento ng Mapaglarong tadhana. Sigi na babay na, ang daldal ko kasi kaya nag hanap na tuloy ng iba si Caspian. Kaya paalam na ako naman ang maghahanap, chaarrr
Maraming salamat♡
BINABASA MO ANG
Ang Mapaglarong Tadhana
Short StoryIsang babae ang maswerte sa buhay dahil meron siyang magandang pamilya na itinuring siyang prinsesa.Mala prinsesa at prinsepe ang turingan sa loob ng kanilang bahay. Masayahin siyang anak at ang mga problema niya ay binabalewala niya lang. Kinakaya...