FOUR

15 0 0
                                    

*Lumipas ang araw at makikita na ang resulta ng kanilang midterm. Wala sa mood na pumasok si Nimfa at hindi na muna siya kinakausap ng dalawa kasi alam nilang badmood ito. Nag simimula na ang kanilang klase at di rin nag tagal at mabilis itong natapos.

*RRRRRRIIIIIINNNNNNGGG*

Nag ring na ang bell at hudyat ito na tapos na ang klase, kaya nag mag dali ang iba na tignan ang mga nasa top.

"Waw ang galing niya" wika ng mga tao
"Hala bakit ganon" sabi nung isa
"Hala totoo ba iyan?" Bulong bulungan ng mga tao

*WOIII ANONG NANGYAYARE bakit ganon yung mga reaction nila?. Ayan na si Nimfa, papunta na sa bulletine board kasama sila Klyde. Maraming tao sa harap ng bulletine at nagbigay daan ang iba sa kanila para makita nila ang resulta, at habang nadaan sila pinagbubulungan si Nimfa. Ano ba kasing meron bakit ganon ang reaksyon nila. Omygoodness hindi kaya.......

Nagulat ang tatlo dahil sa nakita "Nimfa baket, ano nangyare" wika ni Liam na may lungkot sa kanyang boses.

Nalungkot si Nimfa sa kanyang nakita "ahh ....siguro nag aral talaga si Stephannie ng maigi" wika ni Nimfa kay Liam.

Nakita nilang papalapit na si Stephannie sa kanila "Ano Nimfa kala ko ba kabisado mo ang buong libro?" Pag mamalaki ni Stephannie

Napangisi si Nimfa sa sinabi ni Stephannie"tss, naka chamba kalang" naka ngising sabi ni Nimfa.

"Anong sabi mo?" Pag uulit na tanong ni Stephannie.

"Sabi ko Congrats ang galing mo" pumalakpak si Nimfa at sabay tapik sa braso ni Stephannie at umalis na sila.

*OMYG totoo bang si Stephannie ang mas mataas kesa kay Nimfa, I can't believe. Don't worry Nimfa ikaw parin top 1 ko, promise...

*Matapos nilang makita ang resulta dumeretso na sila agad ng uwi. Nakauwi na si Nimfa sa kanilang bahay. At ang lahat ay nasa sala at halatang may problema.

Lumapit si Nimfa sa sala upang tignan kung ano ang meron doon at bakit sila nandoon "Hello reyna at mga prinsepe ano hong meron dito" ngiting tanong ni Nimfa.

"........."

".............."

Katahimikan lang ang namutawi sa kanilang lahat

*kru kru kru*

"Hello, nandito paba kayo? Anong nangyari?" Nag tataka na si Nimfa sa kanilang katahimikan.

"Ahhh kasi....." wika ng reyna

"Kasi......?" Tanong ni Nimfa

"Ahhhhh...... ehhhhh......" wika ni Killian.

"Kase ang negosyo natin sa Cagayan ay nalugi na, tatlong buwan ng sarado ang ating kumpanya" biglang sabat ni Caspian habang namumutawi sa kanya ang lungkot

"Oh? Eh anong problema don?" Kampanteng tanong ni Nimfa. Kaya napatingin ang tatlo sa kanya, dahil sa sinabi niya

"Lubog na sa utang si Papa, at ngayon pinag babayad na siya ng isang milyon para lang hindi siya ipakulong" wika ng reyna habang nakatingin kay Nimfa.

Nagulat si Nimfa sa sinabi ng kanyang Mama "Grabe naman isang milyon, san tayo kukuha non. Alam kona!" tumingin sa kanya ang lahat. "mangutang muna tayo sa mga Alvarez" wika ni Nimfa.

Napakamot ng ulo si Killian "yun na nga problema, pati ang Alvarez ay mahina na ang kita" pag papaliwanag ni Killian.

Napaisip pa si Nimfa kung anong pwedeng gawin "ahhh ganon ba, edi manghiram muna tayo sa mga kamag anak natin" pag tatanong ni Nimfa.

"Nakahiram na kami at handa naman silang tumulong" sagot ni Caspian

"Ehh yun naman pala eh, eh bakit ang lungkot lungkot niyo?" Tanong ni Nimfa.

Huminga ng malalim si Mrs. Garcia at tinignan naman siya ni Nimfa "Hindi ko kasi alam kung kaya ko pa kayo pag aralin lalo na malapit na ang bayaran ng tuition niyo" malungkot na sagot ni Mrs. Garcia kay Nimfa.

Ngumiti naman si Nimfa sa kanyang Mama "Sus, yun lang pala ehh, edi magtratrabaho ako, uso naman yon eh, diba?" Nakangiting tanong ni Nimfa.

Tumayo si Caspian "Ano? Magtratrabaho ka? Ang bata bata mo pa, at hindi ka pa tapos ng pag aaral" sermon ni Caspian sa kapatid.

Huminga ng malalim si Nimfa "Kuya okay lang yan, kesa naman na huminto tayo sa pag aaral. Wag ka mag alala kakayanin ko yon ako paba" turo sa sarili niya at ngumiti sa kanyang kuya.

*Hala pano na to, ano kayang gagawin ni prinsesa Nimfa, ano kayang trabaho ang kukuhain niya?grabe ang ganda naman ng araw niya ngayon, una, nataasan siya ni Stephannie, pangalawa, lubog na ang kanyang ama sa utang, at pangatlo, papasukin niya na ang pag tatrabaho. pero alam kong kakayanin yan ni Nimfa, kaya Nimfa laban.

*Makalipas ang ilang araw nagsimula ng mag hanap ng trabaho si Nimfa. Madali siyang nakakuha ng trabaho at nakapag simula na rin siya agad. Sa umagga siya ay nag aaral at sa gabi dalawa ang kanyang trabaho, isang tagahugas ng plato sa isang fast food chain at isang server naman sa isang cafe. Lagi siyang umuuwi ng gabi at kadalasan hindi na siya nakakain. At sa tuwing may assignment siya ginagawa niya nalang ito sa school.

*Kinabukasan*

"Okay class sino ang makakasagot nito sa board? Anyone? " tanong ng prof sa kanyang mga etudyante.

"Grrrr....Grruuuuu....grrrrr" isang ingay na namutawi sa loob ng classroom.

"Sino yon? Palingon lingon na hinanap ng prof ang tunog na iyon "Aha! Ms. Garcia! Miss Garcia!" Sigaw ng prof sa natutulog na si Nimfa.

Bumalikwas ng upo si Nimfa ng marinig niya ang kanyang apilyedo. "Yes, sir?" Sabay punas sa kanyang laway sa kanyang mukha.

"Lumabas ka muna sa aking klase at ipagpatuloy mo ang iyong pag tulog" wika ng prof na ikinagulat ni Nimfa.
"GO OUT! BILISAN MO!" Sigaw ng prof kay Nimfa at dali dali naman lumabas si Nimfa.

Napakamot ng ulo si Nimfa "ano bayan Nimfa bakit ka natulog sa klase" sinasampal ang kanyang mukha para magising.

*Ayyyyy nakuuu, yan na nga ba ang sinasabi ko eh, dapat talaga nakinig ka nalang kay Caspian eh, tignan mo tuloy nahihirapan ka. Oh, anong gagawin mo niyan at napalabas ka, sige tulog pa Nimfa.

*Matapos ang nangyari hindi na muli natutulog si Nimfa sa klase. Lumipas ang dalawang buwan at nasanay na si Nimfa sa kanyang ginagawa. Gabi-gabi naabutan niya ang kanyang mama na may kausap sa telepono, at hindi niya nalang ito pinapansin.

*kinabukasan*

"Kailangan niyang malaman ang totoo" wika ng isang lalaki na nakasout ng disenteng damit, mukhang nag tratrabaho sa isang malaking kumpanya.

"Hindi! Ayoko! , nanahimik na kami at pinalaki ko naman siyang maayos diba, tapos ngayon kukuhain niyo siya" pasigaw na sinabi ni Mrs. Garcia sa lalaki.

Narinig ni Nimfa ang kanilang pinag uusapan. "Magandang gabi ho" pagbati sa kanyang nanay at sa lalaki. "Ako po si Nimfa" pag papakilala ni Nimfa sa lalaki at inilahad niya ang kanyang kamay para makipag kamay.

Hinawi ito ni Mrs. Garcia "Anak umakyat ka muna sa kwarto mo" wika ni Mrs. Garcia.

Nagulat si Nimfa sa ginawa ng kanyang Mama "ahh sige ho, akyat na po ako" paalam ni Nimfa sa lalaki at sa mama niya.

* Sino kaya yung lalaki? Omaygoodness di kaya nakulong na si Haring Alexander, mali mali, may pambayad naman sila kaya hindi pwedeng makulong si haring alexander. Eh sino yon? Nakakacurios ahhhhh.

Ang Mapaglarong TadhanaTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon