Takbo. Takas. Tago. 'Yan ang mga bagay na tumatakbo sa isip ko sa mga oras na ito. Alam nyo kung bakit? May mga taong humahabol sa akin at gusto nila akong patayin. Hindi ko nga sure kung tao sila e. Ako nga pala si Magus Alfero isang simpleng binata at ikukwento ko sa inyo kung ano ang mga nangyayari sa akin sa oras na'to. Ganito kasi yun...
Flashback
Mag-isa akong nakatira sa aking bahay. Nagtataka siguro kayo kung bakit sa mura kong edad na 17 taong gulang ay may sarili na akong bahay. Ang bahay namin ng aking pamilya ay nakatayo sa isang syudad na malapit sa kagubatan. Noong 12 taong gulang ako ay namayapa ang aking ama't-ina. Namatay sila sa dahilang hindi ko alam. Isang araw na lang ay umalis sila at kahit kailan ay 'di na bumalik.
Mag-iingat ka...anak...
Ang mga salitang iyon ang huling kong narinig bago sila mawala. Kaya dineklara kong patay na sila dahil hindi na sila bumalik matapos ang 5 taon. Pero kahit ganon ay may parte pa rin sa puso ko na gusto silang hanapin. Kahit na iniwan nila ako ay gusto ko parin silang mayakap at makasama.
Tanging ang sarili ko lamang ang aking inasahan sa mga taong dumaan, natuto akong magpursigi at mamuhay ng mag-isa. Kahit mahirap ay tiniis ko.
~~~~~
Hanggang, isang araw napagdesisyunan kong umalis sa bahay na ito at maglakbay. Habang nag-aayos ako ng aking mga gamit ay biglang may tatlong tao na pumasok sa bahay. Nakasuot sila ng itim na kapa na nakapalibot sa kanilang katawan. Ang nasa dalawang magkabilang gilid ay mga lalaki na may malalaking katawan habang ang nasa gitna ay isang lalaki na blonde ang buhok. Nakasuot sila ng puting maskara.
"S-sino kayo?! Anong ginagawa nyo dito?! Maaga pa para sa treat or trick nyo, malayo pa ang halloween umalis kayo dito sa bahay ko!" Saad ko. Ngunit hindi man lang sila kumibo. Naglakad sila papalapit sa akin at ako naman ay napapaatras. Naglabas ng patalim ang lalaki at akmang isasaksak ito sa akin. Agad naman akong nakaiwas ngunit nasugatan ako sa palad dahil ipinangsangga ko ito sa kanyang atake. Napaupo ako sa sahig.
"Kailangan mong mawala sa mundong ito!" Sabi ng lalaking blonde ang buhok. Malalim ngunit nakakakilabot ang boses nya. Tumingin siya sa kanyang mga kasamahan.
"Alam niyo na ang gagawin sa kanya." Dagdag pa nya. Umatras siya at lumapit naman ang isa sa mga kasama niya sa akin. Binuka nya ang kanyang palad at itinapat ito sa akin. Unti-unting may lumalabas na apoy rito. Hindi ako makapaniwala sa mga nakikita ko. Nablangko ang utak ko, kamatayan ko na siguro. Pero bago pa man tumama sa akin ang apoy na ginawa nya ay biglang lumabas ang masagang dugo mula sa aking palad, binalot ako ng isang force field na gawa sa aking dugo. Kita ko na tumigil ang apoy na ginawa nya sa aking harapan at unti-unting nawala. Ilang pulgada na lamang ang layo nito sa akin. Bumalik ang pulang likido na ito sa aking katawan.
"Ikaw nga... dapat ka nang mamatay!" Sabi ng lalaki, may diin sa bawat salitang binibigkas nya. Ramdam ko ang matinding galit na nararamdaman nya.
Akmang sasaksakin nya ako buti na lang ay may nadampot akong libro at ito ang pinangsangga ko sa kanyang atake. Bumaon ang patalim sa libro at nahirapan siyang bunutin ito. Ginamit ko ang pagkakataon upang itulak sya, tumalsik siya at bangga sa kanyang kasamahan. Grabe ang lakas ko pala, siguro adrenaline rush lang. Hindi ko na inisip kung paano ko nagawa ang force field na gawa sa sarili kong dugo. Wala na ako sinayang na oras at agad akong tumakbo palabas habang nakahiga sila sa sahig. Malapit ng kumagat ang dilim kaya kailangan kong makatakas.
End of Flashback
At ayun na nga ang nangyari. Natakbo pa rin ako hanggang ngayon. Nandito ako sa gitna nang kagubatan, madilim na rin ang paligid. Hindi ko alintana ang pagod ko, ang nasa isip ko lang ay iligtas ang aking sarili. Hanggang sa naramdaman ko na lang nang biglang may mainit na bagay na bumalot sa paa ko. Natumba ako at tiningnan ko kung ano ito. Isang latigong gawa sa apoy. Tiningnan ko kung saan ito nagmumula at nakita ang lalaking blonde. Unti-unting humihigpit ang pagkakapulupot ng latigo. Nararamdaman ko din ang matinding sakit na dulot nito.
Papalapit ng papalapit ang lalaki sa akin. Nababalot ng takot ang buong katawan ko.
"A-ano ba kasi kailangan nyo sa akin?" Nauutal na tanong ko sa lalaki.
"Simple lang naman...ang buhay mo." Sagot nya.
Nanindig ang balahibo ko sa buong katawan. Nanghihina na rin ako dahil sa latigong apoy na nakapulupot sa akin.
Kumawala ang latigo sa aking paa. Hinila nya ito at naging isang espada ang kanina'y latigo. Isasaksak nya na sana ang espada sa akin nang bigla kong nasabi ang mga salitang...
"Kneel the King." Marahan kong saad. Napadapa ang lalaki sa sahig. Sumunod ang mga lalaking kasama nya kanina kung nasaan kami ngayon. Itinapat ko ang aking palad sa kanila at kagay ng lalaking blonde ay napadapa sila sa sahig. Lahat sila ay sumisigaw na parang may malakas na pwersa na itinutulak sila pababa ng sahig. Nagsuka sila ng dugo at unti-unting napipirat ang kanilang katawan. Natatakot ako sa mga nakikita ko. Gustuhin ko man ngunit hindi ko alam kung paano patigilin ang pwersang iyon.
"M-mamatay...man...k-kami ngayon. P-pero hinding-hindi sila titigil sa paghabol sa iyo. I-ikaw...n-na...isinumpa..." utal utal man siya magsalita ngunit ramdam ko sa diin ng bawat salitang binibitawan nya ang galit na nararamdaman nya. Tumakbo ako kahit labag sa loob ko. Kailangan kong lumayo dito.
Nanghihina na ang buo kong katawan, nanlalabo na rin ang aking paningin. Pero kailangan ko paring makalayo, hindi ko na nararamdaman katawan ko. Mamamatay na ba ako?
Nagpatuloy ako sa pagusad hanggang sa makarating ako sa isang malawak na damuhan. Nababalot ito ng isang bilog na enerhiya na para bang may kung ano sa loob nito, kahit kung titingnan ay wala itong laman. Kahit hindi sigurado ay pinuntahan ko ito. Parang may bumubulong sa akin na pumunta ako doon. Nang makarating ako sa tapat ng bilog na enerhiya ay ipinasok ko ang aking palad, maramdaman ko na may kakaibang prisensya akong nararamdaman sa loob nito. Hindi ko namalayan na napadapa na pala ako papasok at bumungad sa akin ang isang maliwanag na lugar. Nasa langit na ba ako?
Kahit nanlalabo na ang aking paningin ay nakita ko pa rin ang unti-unting paglapit sa akin ng isang dalaga.
"O-okay ka lang? Naririnig mo ba ako?" Sabi niya at unti-unti ko nang ipinikit ang aking mga mata. Nabalot na nang kadiliman ang aking paningin.
*****
So ayun na po ang prologo ng kwentong ito. Haha! Ang lalim ng tagalog, kung mapapansin nyo ay pure tagalog kung magsalita si Magus. Syempre may dahilan yun, thank you sa pagbabasa.☆〜(ゝ。∂)
YOU ARE READING
Arcleria Academy: School for the Odds
FantasyWelcome to Arcleria Academy! The school for the odds. Ang paaralan kung saan ang pagiging normal ay kaibahan. Tungkulin nito ang sanayin ang iyong mahika, at hubugin ka bilang maging isang bayani. Labanan ang kadiliman, kahit siya pa ay iyong kaibi...