Walang duda ang Dark Sorcerers.
Bumaba siya sa lupa at humarap sa amin. Tinuro niya ako sabay sabing..."Ikaw... ikaw si Magus 'di ba?" Saad niya. Sasagot na sana ako ng biglang nagsalita si Celestia.
"H-Hindi siya yo'n! Wala kaming kilala Magus!" Kahit nasigaw siya ay nakikita kong ang takot at panginginig ng buong katawan niya.
"Magus kapag sinabi long takbo ay tumakbo ka na." Mahinang bulong niya sa akin.
"Hindi kita iiwanan." Tipid kong sagot.
"Anong binubulong-bulong niyo dyan?! Magus 'wag mo na akong pahirapan, kung gusto mo pang mabuhay yang kasama mo ay sumama ka sa amin." Saad nya. Hindi ko alam ang gagawin ko. T-teka... oo nga pala...
~~~~~
"Gamitin mo ito sa oras na malagay ka sa panganib." Saad ni Mrs. Victoria hiningi niya ang kamay ko at tinusok ang dulo ng aking daliti.May ibinigay siyang bote na naglalaman ng isang itim na likido. Tinanggal niya ang takip nito at ipinatak ang dugo ko.
"Ang dugo mo ang gigising sa kanya." Sabi ni Mrs. Victoria saka umalis. Ilang segundo pagka-alis niya ay umilaw ito. Nagulat ako dahil ng ilapit ko ang aking mukha sa bote au may lumabas na isang asul na mata.
~~~~~
Hayst! Wala pa ngang first day, gulo na kaagad.
*****
Celestia
Nanginginig na ang buong katawan ko, ito ang unang pagkakataon na nakaharap ko ang isang Dark Sorcerer. Bukod pa do'n ay bilang lang ang mga spells na kaya ko i-cast. At ang masama halos lahat yun ay pang-support at defense lang.
"Did you know how to fight? Kahit yung combat lang." Mahinang bulong ko kay Magus.
"Tinuruan ako ng tatay ko kung paano gumamit ng espada. Ikaw ano ang mga kaya mo?" Sagot niya. Pano yun wala ngang kahit ano dito na pwedeng gamitin.
"Kaya mo bang pagaanin ang katawan ko?" Tanong niya sa akin habang tumitingin sa lalaking nakamaskara. Anong binabalak niya?
"O-oo... pero tatagal lang iyon ng limang minuto." Sagot ko.
"Oh sige ikaw na ang bahala sa akin." Sabi niya.
May kinuha siya sa bag niya, nagulat ako sa aking nakita. Isa itong bote naglalaman ng itim na likido. May mga pakpak itong disenyo. Hindi ako maaaring magkamali ito ang espirito ng isang galamay ng Chimera Kraken. Ang Chimera Kraken ay isang maalamat na hayop na ninirahan sa malawak na dagat. May walo itong galamay na may sari-sariling buhay. Sa sobrang laki daw nito ay kayang-kaya nito pumatay ng libo-libong tao sa isang hampas lamang ng kanyang galamay. Pinaniniwalaan na may isang mandirigma ang sumobok sa kakayahan nito at nagawa na mapatay ang isang galamay. Ikinulong raw niya ang espirito nito sa isang bote. Matagal nang natutulog ang espirito nito, hindi kaya...
"T-teka san mo nakuha yan?!" Tanong ko.
"Galing to kay Mrs. Principal, hehe!" He said and smirked. Hindi ito ang oras para magtanungan kami. I casted a spell para mapagaan ang katawan niya. Tinanggal niya ang takip ng bote at lumabas ang itim na likido, nag-anyong talim ng espada ang ito. Naiwan ang asul na mata sa loob ng bote, nagsilbi itong hawakan ng espada. Agad siyang tumakbo tungo si kinaroroonan ng lalaki.
*****
Magus
Agad akong sumugod sa kanyang direksyon. Nagulat ako sa bilis na taglay ko sa mga oras na ito. Sinubukan kong siyang hiwain ngunit agad siyang nakaiwas. Tumalon ako ng mataas at habang nasa ere ay inikot ko ang aking katawan para makabuwelo sa gagawin kong atake. Pero muli ay agad siyang nakayuko. Tumalon ako pabalik sa tabi no Celestia at naghabol ng hininga.
YOU ARE READING
Arcleria Academy: School for the Odds
FantasyWelcome to Arcleria Academy! The school for the odds. Ang paaralan kung saan ang pagiging normal ay kaibahan. Tungkulin nito ang sanayin ang iyong mahika, at hubugin ka bilang maging isang bayani. Labanan ang kadiliman, kahit siya pa ay iyong kaibi...