Sorry sa typo. Enjoy!
Celestia
Sobrang excited akong pumunta sa school ngayong araw, kahit bukas pa ang start ng klase. I want to take a look sa school kung saan ako mamamalagi ng ilang buwan.
Pagkadating ko sa school ay agad akong pumunta sa office ni ate. Si ate Cassandra ang presidente ng student council dito sa Arcleria kaya 'di na nakakapagtaka na may sarili siyang office.
"Oh! Celestia, ba't ka naparito? Bukas pa ang start ng klase 'di ba?" Tanong niya.
"Bakit parang pinapaalis mo ako, gusto ko lang naman makita ang school na pag-aaralan ko." Sagot ko sa kanya.
"Ay! By the way, pinapatawag ka ni Mrs. Victoria. May ipapagawa daw siya sa'yo." Sabi niya.
"Okay!"
Naglakad ako papunta sa Principal's Office. Kumatok muna ako bago ko pihitin ang door knob.
"Andyan ka na pala, maupo ka Celestia." Bungad nya.
Umupo ako sa kanang bahagi, medyo kikabahan ako sa principal.
"M-may ipapagawa daw po kayo sa akin Mrs. Victoria?" Tanong ko.
"Oo, may bagong student ang school na ito. Biglaan ang pagdating niya, alam ko naman na bata ka palang ay nakakapunta ka na dito kaya sa'yo ko na lang iuutos. I-tour mo siya sa buong school." Paliwanag niya.
"O-okay po wala pong problema. Ano pong room number niya?"
Naglalakad ako papunta sa boy's dorm. Grabe first time ko sa bahaging ito ng Arcleria. Kasalukuyan akong nasa 5th floor ng building.
208. 208. 208. Paulit-ulit na saad ko sa aking isip habang hinahanap ang kwartong iyon.
"206... 207... 208!" Pinihit ko ang door knob at kasabay ng pagtulak ko sa pinto ay paglabas ng isang lalaki galing sa CR. Wala siyang suot maliban sa tuwalyang nakatakip sa kanyang ibaba.
Agad akong sumigaw.
"AAAAAAAH! Manyak ka! MANYAK!" Paulit-ulit kong sigaw. Maging siya ay napasigaw rin sa nangyari.
"Anong manyak?! Ikaw nga ang pumasok dito e. Hindi ka man lang kumatok!" Sabi nya.
Lalapit na sana siya sa akin nang bigla kong itapat ang aking palad sa kanya.
"H-hindi ako magdadalawang isip na gamitin ang kapangyarihan ko sa'yo." Sabi ko. Ramfam ko ang pamumula ng aking mga pisngi.
"P-pag-usapan natin 'to, tumalikod ka para makabagbihis na ako." Sabi nya. Agad akong tumalikod. Pagtalikod ko ay naisip ko ang mga nakita ko kanina. Gwapo siya, matangkad, nakabagsak ang mga buhok nya dahil kakatapos nya lang maligo ang ganda ng mga asul niyang mata at kitang-kita ko rin ang six pack abs nya. His biceps and triceps were so masculine. T-teka ba't ko iniisip 'to!
"T-tapos na ba?" Tanong ko sa kanya. Feeling ko namumula pa rin ako.
"O-okay na..." sabi nya. Napansin ko na panandalian siyang tumigil at tiningnan ako ng mabuti. Muling namula ang aking pisngi.
"A-anong tinitingin-tingin mo dyan!?" Inis na tanong ko. Umiwas siya ng tingin.
"First of all, sorry sa inasal ko kanina. Ako ang may kasalanan kasi 'di naman talaga ako kumatok. I thought you were still sleeping, 'di ko naman alam na maaga ka palang nagigising." Paliwanag ko.
YOU ARE READING
Arcleria Academy: School for the Odds
ФэнтезиWelcome to Arcleria Academy! The school for the odds. Ang paaralan kung saan ang pagiging normal ay kaibahan. Tungkulin nito ang sanayin ang iyong mahika, at hubugin ka bilang maging isang bayani. Labanan ang kadiliman, kahit siya pa ay iyong kaibi...