Chapter 1: Welcome to Arcleria

2 0 0
                                    

Magus

Unti-unti kong iminulat ang aking mga mata. Inilibot ko ang aking paningin. Ako ay kasalukuyang nakahiga sa isang malambot na kama, kapansin-pansin rin ang naggagandahang disenyo ng mga pader. Oo nga pala, may mga taong humahabol sa akin at napunta ako sa loob ng bilog na enerhiya.

Biglang bumukas ang pinto at iniluwa nito ang isang dalaga. Katamtaman ang tangkad nya, kapansin-pansin ang kulay itim nitong buhok na kumikinang. May dala-dala syang libro, nilingon nya kung saan ako naroroon at nakita ko ang mga inosenteng mata nya. Lumapit sya sa akin at umupo sa tabi ko.

"Okay ka lang ba?" Tanong nya sa akin. Malumanay ang boses nya at nakakakalma. Nakatingin lang ako sa kanya at hindi kumibo.

"Naririnig mo ba ako?" Muli nyang tanong sa akin.

"A-ah... oo ayos lang ako." Nauutal kong sagot.

"Mabuti naman kung gano'n." Sabi niya.

"Nasaan ako?" Tanong ko sa kanya

"Andito ka sa paaralan ng Arcleria." Sagot nya sa akin.

"A-arcleria?" Pag-uulit ko. Naguguluhan pa kasi ako sa mga nangyayari.

"Ang Arcleria Academy ay lugar kung saan nag-aaral ang mga taong may kakaibang kakayahan. Dito kami sinasanay para labanan ang mga Dark Sorcerers. Sila ang mga salamangkero na binabalak sakupin ang mundo ng mahika at mundo ng mga tao. Ikaw alam kong may kakayahan ka na katulad ng sa amin. Mga nilalang na may kakaibang kakayahan lang ang may kayang pumasok sa malakas na pwersa na bumabalot sa paaralaang ito, kaya sigurado ang katulad ka namin." Mahabang litana nya. Nakitingin lang alp sa kanya at hindi umiimik.

"Ay hahaha! Sobrang daldal ko na ata kahit ngayon palang tayo nagkakakilala. Ako nga pala si Cassandra Hernandez ako ang president ng student council dito sa paaralan. Nice to meet you!" Paliwanag nya.

Hindi ko masyadong maintindihan ang mga sinasabi nya.

"A-ako naman si Magus Alfero" Saad ko.

Nginitian nya ako at gano'n din ang ginawa ko.

"A-anong date na pala?" Tanong ko sa kanya.

"Ah! Ngayon is June 17, 2048. Bakit mo naman natanong?" Sagot nya.

"2-20...4-48?" Nauutal na tanong ko. Nagtataka sya sa myga sinasabi ko.

2048 na! Parang nung umalis ako ay 2018 palang. Ibig sabihin 30 na taon na ang lumipas.

"Alam kong naguguluhan ka pa sa ngayon pero hantayin mo muna rito ang pagdating ng punong guro. Siya ang magpapaliwanag sa'yo ng mga dapat mong malaman." Saad nya at umalis. Bago siya lumabas ay tiningnan nya muna ako at binigyan ng matamis na ngiti.

Matagal-tagal rin akong naghintay bago bumukas ang pinto. Pumasok ang isang babae, nakasuot siya ng salamin at mukhang nasa mid 40's na siya. Lumapit siya sa akin at tiningnan ako ng mabuti.

"Ikaw ba si Magus?" Tanong nya.

"O-opo ako po yun. Maaari nyo po bang ipaliwanag ang mga nangyayari sa akin. Kagabi lang po ay—" habang nagsasalita ako ay bigla akong napatigil ng may binanggit siyang mga salita. Nabalot ng liwanag ang kwarto kung nasaan kami.

"Kailangan ko munang makasigurado na walang ibang makakarinig sa pag-uusapan natin. Ako pala si Mrs. Victoria Rivera, ang principal ng Arcleria Academy." Saad nya.

"Ipagpatuloy mo na ang kinukwento mo." Dagdag pa nya.

"Kagabi po ay may tatlong nakaitim at nakasuot ng puting maskara ang humahabol sa akin. Gusto po nila akong patayin." Kwento ko sa kanya. Sa tingin ko naman ay mapagkakatiwalaan ko sila.

Arcleria Academy: School for the OddsWhere stories live. Discover now