Chapter 2: He's Jealous?
Diko maintindihan kung bakit ganito ang nararamdaman ko ngayon. Para akong kinikilig na natatae na ewan ko ba??
Siguro kasi dipa rin ako nakakamove on sa nangyari kahapon. Ikaw ba naman mapahiya sa harap ng crush mo diba?? On top of that, nabuking pa akong nangongopya, Hindi ko alam kung dapat ba akong kiligin dahil pinakopya nya ako o dapat akong mahiya sa balat ko dahil nakita nya akong nagmamakaawang mangopya!
But the thing is, inadd pa nya ako sa facebook at may bonus, nag goodnight pa sya! San ka pa! Pero diko alam kung kikiligin ba talaga ako o ano? Parang ang weird kasi diba? Pero kasi yun na yun eh!
Feeling ko tuloy ang haba haba ng hair ko.
Pero hindi rin maalis sa isip ko yung image ko sa mga kaklase ko. Heller?! Buking na buking ako sa pangongopya ko nakakaletche lang. Mamaya isipin nila napakabobo ko. Ayoko lang talaga ng subject kong Economics, nakakabobo kaya yang Supply and Demand curves na yan!
Pero sa sobrang kaengotan ko ba naman kasi, bakit ba pati apelyido ni Ivan nakopya ko pa.
Katangahan level: ECKA!
"Saaaaancheeeeeeez!!!' May narinig akong sigaw. Nasa paligid ba si Ivan?? *Ayos buhok*
Wala naman sya sa paligid ah??
"Sanchez!! Psssst huy!" Bakit ba kasi ang assuming ko diba? Hoy Ecka ipapaalala ko lang sayong bruha ka na Villareal ang apelyido mo't hindi Sanchez!! Wag kang assuming. Aba nakopya mo lang apelyido nya feel na feel mo naman!
"Sanchez!!" Tae naman bat ba kasi Sanchez ng Sanchez to. Naririndi nako! Natetempt akong lumingon. Manahimik kayo feel na feel ko to
Binilisan ko nalang ang paglalakad at iniiwasang lumingon kahit na gustong gusto ko na talagang lingunin. Waheheheehehe.
Saktong papasok nako ng classroom nang may tumamang kung ano sa ulo ko at nakita ko nalang lumanding yung sapatos sapatos sa floor.
"Leche sino yo--" "natigil ako sa sinasabi nang makita ang nakangising pagmumukha ni Kaye na para bang naka freeze pa ang kamay sa ere matapos ibato sakin yung sapatos nya.
"Kanina pa kita tinatawag, usong lumingon bruhang to!" sabi nya. Sa inis ko, pinulot ko yung sapatos nya saka ko rin binato sa direksyon nya nang bigla syang umilag at *poooooof*
BINABASA MO ANG
Crush Pakopya! (extended)
Short Story"Pinakopya na nga kita bakit ba pati apelyido ko kinopya mo? Ganyan ka ba ka atat na magpakasal tayo?"