Chapter 3

327 9 5
                                    

Chapter 3: She's Jealous


Excited na umuwi si Ericka. Pinalipad nya ang sapatos at binato ang bag sa upuan saka nagdive sa malambot nyang higaan. Dali dali nyang inopen ang facebook nya.

Nanlaki ang mata nya nang makita ang 14 Notifications nya kata dali dali nyang chineck ang mga ito ngunit nadisappoint sya.

"EDI WOW" inis nyang sigaw nang makita ang sunod sunod na candy crush requests sa notif nya at sa sobrang inis nya naibato nya ang cellphone pero ilang saglit lang ay pinulot nya rin ito, (Abnormal!) 

"Magmessage ka magmessage ka magmessage ka magmessage ka" mistulan nyang dinadasalan ang newsfeed nya habang nakabukas ang convo nila ni Ivan waiting for him to go online.

"Badtrip!" Napabato sya ng unan sa sobrang pagkainis. Halos magkakalahating oras na syang naghihintay pero wala parin. Maya maya, nagulat sya nang tumunog ang phone nya.

Napabalikwas sya't dali daling iniswipe ito at laking gulat nya nang makitang pumula ang Friend Requests nya. Pinindot nya agad ito

Dylan Marco Ortega sent you a friend request

1 Mutual friend

PeeJay Sy sent you a friend request

131 Mutual friends

Christian Dimaculangan sent you a friend request

18 Mutual friends

Andrew Lopez-Torres sent you a friend request

34 Mutual friends

O_______o

'Anong trip nila?? OMG!!!'

Halos naghihysterical na sya sa nakita. Hindi nya malaman ang gagawin sa sobrang gulat. Napatakbo sya pababa ng bahay saka dumerecho sa kusina at napainom ng tubig. 

Nagdadalawang isip sya kung iaaccept ba nya ito o hindi, pakiramdam nya pagtitripan lang sua ng mga ito dahil sa nangyari nong isang araw.

Napasign of the cross muna ito bago nya tiningnang muli ang screen ng phone nya. Nanginginig ang daliri nito habang isa isang pinindot ang [Accept]

***

"Goodmorning!" For the second time, binati ulit sya ni Andrew pagdating nito. Naguguluhan na sya sa mga nangyayari. Inilapag lang nito ang bag nya saka lumapit na sa mga barkada nya.

Nagkatitigan naman sila ni Kaye dahil sa nangyari. Pataas taas pa ang kilay nito na halatang inaasar si Ericka.

Tumakbo ito palapit kay Ericka saka sya pinaghahampas sa braso. "Ang haba ng hair mo Ecka!" Sabi nito habang panay parin ang paghahampas

"Aray masakit!'' Reklamo nito pero nahagip ng mata nya ang grupo nila. Something's strange. Hindi nya makita si Ivan.

"Nasan kaya si Ivan" nasabi nito habang pilit nyang nililibot ang tingin na nagbabakasakaling baka mahagip ng kanyang mata si Ivan ngunit wala ito.

"Baka late" sabi ni Kaye.

Napatayo sila nang dumating ang teacher nila kaya nagsibalikan na sila sa kani kaniyang upuan nila,

***

Spell AWKWARD? 

E R I C K A P L U S A N D R E W

Hindi makagalaw ng maayos si Ericka dahil katabi nya ngayon si Andrew, never pa naman syang naconcious ng ganito around him, ngayon lang talaga.

Isang beses syang nag-attempt na mag side glance para makita kung anong ginagawa ni Andrew nang di nya inaasahang magtama ang kanilang mga mata. Kanina pa pala siya nito tinititigan.

Crush Pakopya! (extended)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon