Chapter 5

211 9 3
                                    

[Ericka]

Para akong karneng nanigas sa kinatatayuan. Pakiramdam ko nkuryente ang buo kong katawan at nagulo ang buo kong pagkatao nang bigla nyang hawakan ang kamay ko. Gustuhin ko mang umalis, tumalikod at wag siyang pansinin, tinatraidor ako ng sarili kong katawan. 

Galit ka sakaniya diba? Kakalimutan mo na siya diba? Diba pinangako mong dika na magpapaapekto sakaniya? PERO BAKIT NAGKAKAGANIYAN KA ERICKA!!!

"Huy okay ka lang!?" nagising lang ang diaw ko nang kalabitin ako ni Ortega, tulala parin akong napatingin sakaniya. Alam kong nakatingin ako sakaniya pero walang pumapasok sa utak ko kundi ang pagngiti ni Ivan sakin kanina habang hawak hawak niya ang kamay ko.

A-a... aalis na ako!" tumalikod na ako nang marinig ko siyang magsalita. "Konti nalang pantay na yung score oh! Sabi ko naman sayo mananalo tayo pag nanuod ka!" 

Napatigil ako at liningon ang score board. Totoo nga, 4 points nalang tie na. ANg bilis naman ata nilang nakahabol?! 

Naagaw ng atensyon ko ang pawisan na si Ivan na nasa court. Alam kong pagod na siya pero hindi mo yun makikita sa mukha niya. Kung titingnan mo siya, iisipin mong kakasimula palang niyang maglaro. At ang mga mata niya, nag-aapoy ang mga iyon! Makikita mo kung gaano niya gustong manalo!

Eh ano naman? Ano namang koneksyon ko dun? Niloloko ko lang ang sarili ko! Naman kasi eh, bakit ba pinapaasa nila ako! Paano namang ako ang dahilan ng fighting spirit niya? O baka naman nanunuod yung girlfriend niya at nagpapakitang gilas lang siya?

Speaking of the devil! Sinasabi ko na nga ba! Nandito nga siya! Pinagtitripan lang ako ng mga ungas na 'to! Akala ba nila nakakatuwa! SHIT

"Saan ka pupunta? Patapusin mo na!" Rinig kong sigaw ni Ortega pero hindi ko siya pinansin at dire-direchong naglakad. 

"Kahit 5 minutes lang!" rinig ko nanamang sigaw niya pero hindi ko parin siya pinansin. 

Ready na sana akong sumiksik sa kumpulan ng mga tao nang maramdaman ko nalang ang pagbagsak ko sa sahig. 

PU-- BAKIT BA ANG SWERTE SWERTE KONG TAO! BAKIT BA AKO ANG HILIG NA TAMAAN NG BOLA! SA LIBO LIBONG TAONG NANUNUOD SA LOOB NG GYM NA TO BAKIT SAKIN PA TMAMA ANG WALANG KWENTANG BOLANG TO!!!

"Miss okay ka lang!?" 

Bakit? Hindi naman masakit ah! Hindi naman masakit ang tama ng bola, pero bakit ako umiiyak! Hindi ko malaman kung ano ang mas masakit, ang tama ng bola o ang isiping pinaglalaruan ka lang nila! Kung tutuusin wala akong pinagkaiba sa bola. Pareho kaming pinaglalaruan, pinagpapasa pasahan. Bakit ganito kasakit?!

"Miss, may masakit ba sayo?" nakita ko ang pagluhod ng isang lalaki sa harapan ko. 

"Ericka are you okay!??" Hindi ko malaman kung kaninong boses iyon. 

"you're bleeding!" rinig kong sabi ng lalaking naka luhod sa harapan ko. Base sa suot niyang jersey, sigurado akong player siya ng kabilang school. Pero hindi yon ang dapat kong problemahin ngayon! I'm bleeding. Naramdaman kong may mainit sa ilong ko at bago ko pa man ito mapunasan, ginawa na iyon ng lalaki sa harapan ko. 

Crush Pakopya! (extended)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon