Chapter 10(01/27/15)

1.3K 37 2
                                    

                   A    L   L   I    S   O   N

"Love is War. I am your Soldier"
             -Elijah/Jonaxx

~~~~~~~~

Nagising ako dahil sa malakas na tug-tog sa kung saang parte man. Malambot na kama. Madilim ang paligid. Siguro ay gabi na. Binuksan ko 'yong ilaw. Nilibot ko yung paningin sa paligid. My Room. Paano ako nakarating dito? Yung naalala ko lamang ay---I gasped--- buhat-buhat ako ni Lance.  Naka-tube parin ako at naka-Jacket. Iyong Jacket ni Lance.

Ilang minuto din akong nakatingin sa kisame ng tumunog ang tiyan ko. Nagugutom na ako. Napagdesisyunan ko nang bumaba ng kama at kumilos.

Naghilamos muna ako, nagbihis ng pambahay at nag-polbo bago lumabas. Malakas parin 'yong tugtog ng musika sa kung saan. Palapit ng palapit ay palakas ng palakas naman ang tugtog. Nakarating ako sa sala. At nakumpirmang doon nanggaling ang tugtog. Masaya sila. Tagtatawanan. Mga kapatid ko, si Daddy at ang Mistress niya. Sumasayaw sila. Nakangiti ang lahat. Nanatili lamang ako sa hagdanan at nakatingin sa kanila.


Daddy? Paano mo nagawang maging masaya? Kasi ako? Hindi ko nagawa. Tanong ko sa sarili ko habang nakatingin kay Daddy. Napatingin sakin 'yong kabit ng Daddy ko.  Nag-iwas na lamang ako ng tingin at dumiretso sa kusina para uminom ng tubig. Tuyo na ang lalamunan ko at kainlangan ko ng tubig.

"Kumain ka na ba Allison? Gusto mo ipaghain kita?"

Napalingon naman ako sa boses ng babaeng nagsalita.  The Mistress! Great! She is smiling broadly. A Fake? Hindi ko siya mabasa. 

"Hindi na. Kaya ko naman kumain mag-isa. At ayoko ng Allisson. Alli is fine." I said coldly. Rejecting her offer. Kaya ko naman talaga! Namuhay akong mag-isa sa Apat na taon. I know All Damn too well.

Tumango naman siya."Ako nga pala si Carmela. Sige una na ako. Patutulugin ko pa mga kapatid mo." Sabi niya ng nakayuko. Napataas naman kilay ko.

Hindi ko na siya pinansin hanggang sa umalis siya sa kusina. Huminga ako ng malalim.  Doon ko lang napansin na pinipigilan ko pala 'yung hininga ko. Napailing na lamang ako. Ipinaghain ko iyong sarili ko ng mag-isa. Nagulat pa iyong katulong. At nagpresenta na siya na lamang ang gagawa, pero tinanggihan ko. Kumakain ako habang nagse-celphone. Nabuksan ko iyong picture ni Jane na kakapost lamang sa Facebook. Kuha ito sa Starbucks Coffee sa loob ng mall. Kasama ang isang lalaking halata naman na foreigner na nakaabay sa kanya. Napataas naman ang magandang kilay ko. Ni-Like ko iyon at nagComment.

At sino naman 'yan?

   Like. Edit. Delete

Kumakain parin ako habang scroll down ng mga posts. NagPopped naman agad 'yung Notification.

Jane Jolina Dungca also commented on her photo.

@Alli Baltazar Gomez Relax Dai. Hindi ko Boypren yan! Pero malapit na! Ay! Classmate lang. :')
   2minutes ago. Like. Reply.

I click the reply.

K. Whatever you say. Call me later.

    Just now. Like. Edit. Delete

Jolina Jane Dungca Replied on your Comment on her.

Sungit! K din.Missyow!
   2seconds ago. Like. Reply.

I rolled my eyes. And logged out then Open the Twitter account. While still eating parin.

@LanceVelasco started following you.
@BenjMontenegro started following you.
@JohnGwapo started following you.
@ChristianPark started following you.

TireLess ObssesionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon