Chapter 12(02/07/15)

1.1K 35 2
                                    

How could a Devil became an Angel, when He Smiles at You?
       -T.S.

A    L   L   I  S   O  N


Date.

Ano nga ba 'yung Date? Never experience something like that. Sabi ni Jane, ito daw 'yung Babae at Lalaki na naglalakad sa Parke, kumakain sa mamahaling restaurant, sumasakay sa rides gaya ng Roller Coaster, kumakain ng ice cream sa daan, nanonood ng sine sa mall, kaunti lamang iyong sa mga nalalaman ko. Ito yung napapanood ko sa mga Romantic movies, pocketbook at sa mga stories reading online.

Nakikita ko doon iyong kilig ng mga kababaehan sa Date na 'yon. Banyaga sa akin ang ganoong karanasan. Isa akong Never been kissed at Never been touched. 21st Century na, pero ito parin ako. Dalagang Bitch Pilipina. No time for those, though.


"Hey."


Napalingon naman ako doon sa boses ng katabi ko. Napakunot ang noo ko. "Bakit?" tanong ko dito.


"Ayaw mo bang bumaba? Were here." Tugon naman nito. Saka ngumiti.

Nakahinto na 'yong kotse niya sa harap ng isang restaurant. Mamahalin. Iyan agad ang mapapansin mo sa unang sulyap dito. Isa iyong Foreign Diner. Base narin sa lengwaheng nakatatak sa itaas ng Gusali. Nagkasalubong naman ang kilay ko.


"Anong ginagawa natin dito? Kakain? Pwede naman sa Karenderya o kung maarte ka, sa Jollibee na lang. Hindi ko afford dito. KKB ba?"tanong ko dito na siya namang pagkunot ng noo niya. I heard him sighed. A heavy one.


"Talking about ego. You're hitting it hard. Tsaka anong KKB?"He asked.


"Ang slow mo naman. Tsk. KKB means Kanya Kanyang Bayad. Iba talaga kayong mayayaman. Kahit kaunting logic hindi maalam! Tsk. Tsk. Tsk!" I said. Totoo naman. Hirap kasi sa kanila--


"Bakit? Hindi ba mayaman ka rin?" He said. That caught me off guard. Tameme lang te? Napasimangot naman ako.


"Hindi ako noh! Sa kanila iyon. Hindi sakin--Uy! Anong ginagawa mo?"Nanlaki ang mata ko dahil lumalapit ang mukha niya sakin. Is he going to--? Napapikit pa ako at tinikom ng napahigpit ang bibig ko.

He chuckled. Kasabay noon ang pag'click' ng seatbelt. Napa-buntong hininga naman ako. God! Anong ba ang iniisip ng lalaking ito?! He's giving me a Fvcking Heart Attack! Shit shit shit!

"Let's get out. I'm starving. Hindi ako nakakain sa Party. Come."He said pagkatapos ay lumabas siya. Dali-dali naman akong bumaba. Pagkatapos ay nasa harapan ko agad. Napakamot pa siya sa batok niya.


"O? Anong problema mo?" Tanong ko dito. Nakasimangot na kasi.


"Wala. Magpapaka-Gentleman sana."He said. Napataas naman 'yong kilay ko. Gusto pala nitong buksan ang pinto.


"Sus! Tch. Try some other time brah."sabi ko tapos tinapik pa siya sa balikat. "Tara na! Gutom narin ako. Hindi ako nagbreakfast and so on. Libre mo ah!"


Nalaglag naman ang panga niya at nagdilim ang aura nito. Hinawakan pa nito ang kamay ko at hinila papunta sa entrance.

TireLess ObssesionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon