Chapter 11(02/02/15)

1.4K 33 0
                                    

"When I was Drowning, that's when I could finally Breathe."
      ..»Clean/T.S.

     A   L   L  I   S  O  N

Mainit ang sikat ng araw, polusyon ng hangin amg humahampas sa 'kin habang naglalakad ako sa highway. At dahil alas singko na ng hapon ay maraming Jeep at ibat-ibang sasakyan ang dumadaan, Rush hour pa naman, traffic talaga.

Hawak-hawak ko iyong transparent na malaking envelope, nakalagay roon ang aking resume. Kanina pa alas tres natapos ang klase ko at plano ko talaga maghanap ng trabaho o kahit part-time job man lang.


CASINO FILIPINO

Nagbabakasali lang akong baka may trabaho riyan sa loob. Nagtanong ako sa gwardiya kung hiring ba sila ang Casino.  Tinuro naman niya sakin ang backdoor. Doon daw ang mga mag-aaply.


"Ano hong kailangan nila miss?" Tanong ng babaeng gwardiya sakin.

"Magi-inquire lang sana kung hiring po kayo rito." Sagot ko naman dito. Ngumiti siya at tumango.

"Oo. Requirements po nila ay 4Year course graduate or Under Graduate man lang." Masiglang sabi naman niya. Nakangiti ito,lumilitaw 'yong dimples niya. Halatang magiliw. Bagsak naman ang balikat ko. First year college pa lamang ako at kakasimula pa lang. Ganun ba talaga 'yon? Sobrang laki pa naman nitong Casino.


"Ganun po ba? Kakasimula ko palang ng college eh. Wala po bang kahit. . . Ahmm waitress ate! Diba po may restaurant naman sa loob?" Tanong ko uli dito.

"Meron naman miss. Kaya lang, dapat may 2 year course ka. HRM siyempre. Pero kakasimula po pa lang sa kolehiyo miss. Doon sa kabila, sa Century Hotel. Ang alam ko ay hiring sila diyan eh. Kahit highschool Graduate ka lang. Try mo doon." Mahabang sabi niya at tinuro iyong tapat na hotel.

Tumango naman ako at nagpasalamat. Kaunting lakad lang naman at nariyan na iyong hotel. Papasok sana ako ay hinarangan agad ako ng guard-na kanina lamang ay wala akong nakita. Tinignan pa niya ako mula ulo hanggang paa. Oo kuya! Maganda ako. Kahit naka See-through white off shoulder top, Pantalon at Black leather keds shoes ako. Wala kang maipipintas.

"Miss saan ka pupunta? May appointment ka ba?" Sabi pa ng gwardiya.

Aba! Kung makaharang naman toh! Paano kung customer pala ako ay  haharangan din ako nito? How dare he?! Tinaasan ko siya nh kilay. At siyempre mabait ako ngayon. Mag-aaply eh. Binigyan ko si kuya guard ng pagkatamis-tamis na ngiti.

"Kuya magi-inquire lang sana, baka po hiring yung hotel dito." I said smiling.


Naningkit naman 'yong mga mata niya, na para bang sinasabing nagsasabi-ka-ba-ng-totoo look. Sipain ko siya eh! Makita niya. Tumango naman siya. At chineck ang bag ko.

Pinapasok niya ako sa loob. Sumalubong agad iyong lamig ng AC. Mamamangha ka talaga sa ganda ng Chandelier sa gitna. Yung tiles ng floor, nakakahiyang tapakan- sa ginta niyon ay Red carpet. Sa kabilang bahagi ng hotel ay makikita mo iyong Dining Restaurant nila. Nahaharang lang ng glass door. May mga kumakain doon--foreigners na may kasamang filipina. May kinausap iyong gwardiya na babae, tinawag niya itong Manager.

"Dalawang Fastfood restau lang 'yong experience mo miss Allison Baltazar. Tama?" Tanong ng babaeng manager. Base narin sa nameplate niyang nakalagay ay manager nga ito.


"Opo maam. Yan po 'yong mga part-time job ko noong highschool ako." Sagot ko naman.


TireLess ObssesionTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon