"Althea, sigurado ka na ba hija?"marahang tanong ng aking Ina habang malungkot na nakatingin sa akin dahandahan akomng tumango bilang sagot.
" Yes mom," nakangiting sabi ko kay mom oh my... mamimiss ko ng sobra ang aking mga magulang, napatingin ako kay dad ng magsalita siya.
"Hija, alam mo namang lagi lang kaming narito ng mom mo diba pwede mo kaming kausapin kung kailangan mo ng kausap, pero....kung buo na talaga ang desisyon mo hindi ka namin pipigilan pero anak pwede ka bang mangako sa amin?" tanong ng aking ama.
"What is it Dad?" tanong ko sa aking ama
"Ipangako mo sa amin na iingatan mo ang sarili mo anak." marahang sabi ni Dad napangiti na lamang ako I'm so lucky to have them as my parents.
"Yes Dad I promise" nakatungong sabi ko kay Dad.
"Oh siya hija kailan ba ang flight mo?" tanong ni Mom habang si Dad ay naghihintay lamang ng sagot.
"Ah, bukas ng gabi pa naman po Mom." sabi ko "Mom Dad mag aayos lang po ako ng mga gamit ko." dagdag ko pa tumango lamang silang dalawa kaya't pumasok na ako sa kuwarto ko at nag ayos ng mga gamit ko.
Ano kaya ang magiging buhay ko sa America? Magiging maayos na ba ako? Makakalimutan ko kaya siya? Ang dami kong tanong na hindi masagot kakayanin ko kaya?
"Anak, "rinig kong tawag ni Dad marahil ay tulog na si Mom, tumayo na ako at binuksan ko ang pintuan ko at doon ko nakita si Dad na nakatayo sa tapat ng pinto.
" Yes, Dad?" marahang tanong ko sa halip na sumagot ay niyakap ako ng aking ama.
"Anak, ano ba ang nangyari?"
Yan ang unang tinanong ni Dad pagkatapos niya akong yakapin hindi ko alam kung paano ko sasabihin, sa una pa lang kasi ay tutol na si Dad ngunit hindi niya ako pinigilan dahil alam niyang masaya ako kay Thunder.
"Dad, wala pong nangyari uhm medyo may hindi pagkakaunawaan lang po kami." I lied at saka ako nag iwas ng tingin.
"Hija, were bestfriends right?" marahang hinaplos ni Dad ang aking buhok, oh god parang ano mang oras ay may tutulo ng luha sa mga mata ko.
"I'm sorry Dad, I lied" mahinang sabi ko habang nakayuko hindi ko kayang tignan si Dad hindi dahil sa takot ako kundi dahil naguguilty ako kung sana lamang ay sinunod ko si Dad siguro hindi ako hahantong sa ganitong sitwasyon.
" Minsan anak kailangan nating matuto para sa susunod alam na natin ang tama at mali , "sabi ni dad" Alam mo ba kung bakit hindi ako tumutol sa pagmamahalan niyo ni Thunder, Anak?" tanong ni Dad hindi ako nakasagot.
"Una hindi ako tumutol dahil alam kong masaya ka kita ko yun sa bawat kislap ng mata mo sa t'wing kasama mo siya, pangalawa gusto kong maranasan mo ang magmahal ng hindi pinipigilan ayokong matulad ka sa amin ng Mom mo ayaw sa akin ng Lola mo dati dahil katulong lang daw ang nanay ko pero alam mo ang ginawa ko? Pinaglaban ko ang Mom mo hanggang sa dumating ang araw na natanggap din ako ng Lola mo."pagpapatuloy ni Dad napakunot ako ng aking noo, hindi gusto ni Lola si Dad para kay Mom?
" What do you mean Dad, na ayaw ni Lola sayo para kay Mom?" nagtatakang tanong ko habang nakakunot ang noo ngumiti lamang si Dad.
"Matagal na 'yon anak saka ko na sasabihin sayo." tumango na lamang ako
Totoo kaya yon ayaw ni Lola kay Dad ibig sabihin hindi din naging madali ang relasyon nila Mom pero saludo ako kay Dad kasi ang tapang niya sa part na pinglaban niya si Mom
"Sige na anak, matulog ka na" hinalikan ako ni Dad sa noo bago siya umalis.
Handa na ako kakayanin ko.......
![](https://img.wattpad.com/cover/247769323-288-k710744.jpg)
BINABASA MO ANG
Secrets Of Thunder Vasquez
RomantikDati palagi siyang nakangiti Dati tuwing may umaaway sa kin siya ang tagapagtanggol ko Dati hindi niya ako hinahayaang umiyak Dati lagi siyang nandyan para sa kin Pero bakit ganon........ Ngayon tuwing titignan ko siya wala manlang akong makitang e...