Chapter 3

3 0 0
                                    

Nagising ako dahil may tumatawag tumingin ako sa orasan at saka ko lamang nakita na alas kwatro pa lang ng umaga sino kaya ang tumatawag? Kinuha ko ang cellphone ko at sinagot ang tawag hindi ko na tingnan kung sino ang caller

"Hello" paos kong sabi
[Thea I-Im sorry] what? Hindi ko masyadong naintindihan ang sinabi niya dahil maingay ang background, sasagot pa lang sana ako ng pinatay na ang tawag what the hell? Nangistorbo na nga siya tapos papatayan pa ako ng tawag.

Hinayaan ko na lang dahil sa inaantok pa ako kaya natulog akong muli




Nagising ako sa sikat ng araw may kumakatok




"Hija, are you awake?" rinig kong tanong ni Mom.

"Yes, Mom why?" tanong ko habang nagkukusot ng mata tumayo na ako at binuksan ko ang pintuan.

"Mom?" tawag ko kay Mom ngumiti lamang si Mom at pumasok na siya sa kuwarto ko.

Umupo kami sa gilid ng kama at nagsimula ng magsalita si Mom.

"Alam mo anak sobrang lungkot ko noon, kasi ilang buwan na kaming mag asawa ng Dad mo pero hindi pa rin ako nabubuntis hanggang sa isang araw dininig ng Diyos ang hiling ko alam mo yon ang pinakamasayang nangyari sa buhay ko ang dumating ka." kuwento ni Mom habang nakangiti na para bang inaalala ang mga pangyayari noon .

"Alam mo ba anak nong ipinagbubuntis pa lamang kita halos magdoble kayod ang Dad mo noong nabuntis kasi ako ay nagalit ang Lola mo kung kaya't tinanggalan niya ako ng allowance kaya ang ginawa ng Dad mo aral sa umaga at trabaho sa gabi tapos nakatira lang kami sa isang maliit apartment hanggang sa makapagtapos ang Dad mo..." tumingin sa akin si Mom at ngumiti.

"Nagtapos siya sa kursong Business Management, tinulungan siya ni Dad kasi wala namang pake si Dad kung mahirap lang ang Dad mo si Mom lang talaga ang maarte." tumawa muna si Mom pagkatapos niyang sabihin iyon at nagpatuloy siya sa pagkukuwento.

"Sabi kasi ni Mom, baka daw hindi ako magkaroon ng magandang buhay kasama ang Dad mo kaya todo pigil siya sa relasyon namin."

"Pero noong ipinanaganak kita kasabay ng pag graduate ng Dad mo sa kursong pinili niya, lumapit sa amin si Mom no'n as in talagang siya ang pumunta sa apartment na tinutuluyan namin alam mo ba lumuhod pa ang Dad mo noon kasi akala niya paghihiwalayin ulit kami ni Mom tapos alam mo ba anak noong araw na iyon buong puso kaming tinanggap ng Mom"damang dama ko ang saya ni Mom sa huling sinabi niya.

" Ibig sabihin Mom pagka graduate ni Dad tinanggap na kayo ni Lola? Then ibig sabihin gusto lang talaga ni Lola na magkaroon kayo ng magandang buhay? Kaya sinubok niya si Dad?" diretsong tanong ko ngumiti naman si Mom at tumango bilang pag sang ayon.

"Oo anak, humingi din ng tawad ang Lola mo sa Dad mo sinabi niyang sinubukan niya daw kung talagang mahal ako ng Dad mo syempre pinatawad siya ng Dad mo kasi naiintindihan niya daw ang Mom." tumango tango ako aa sagot ni Mom.


"Halika na anak kumain na muna tayo mamaya na ang flight mo hindi ba?" tumango lamang ako nauna ng bumaba si Mom dahil hindi pa ako nag hihilamos.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 02, 2021 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Secrets Of Thunder VasquezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon