Chapter 1

2 1 0
                                    

"Althea, what happened?"nag- aalalang bungad sa akin ni Russel ng makita niya ako ngunit masyado talagang masakit ang mga nangyari kanina kung kaya't agad ko siyang niyakap at umiyak lamang ako ng umiyak sa balikat niya hanggang sa pumasok kami sa condo niya.




"Ano ba ang mali sa akin? Saan ba ako nagkulang?"umiiyak na tanong ko akala ko tapos na akong lumuha ngunit heto ako ngayon umiiyak pa rin siguro nga hindi talaga madaling pakawalan ang taong pinakamamahal mo pero anong magagawa ko kung siya na mismo ang nagsabi na ayaw na niya? Diba?





"Kaya mo yan ikaw pa ba? Stop crying okay? Im going to cook you're favorite food. Do you want that?" tanong niya saakin, tanging pagtango lang ang isinagot ko maya maya pa ay tinawag niya na ako.




"Ayos ka na? Ano ba kasing nangyari sayo? Bakit ka umiiyak? Nagbreak ba kayo?"dire diretsong tanong niya napangiwi naman ako kasi naman e kailangan talaga isa isahin.




"Hey, " tawag niyang muli sa akin ngunit hindi ko pa rin siya pinansin bagkus ay tinuon ko na lamang sa aking pagkain ang aking paningin.




"Thea, tell me." pamimilit pa niya kaya wala na akong nagawa kundi sabihin lahat ng napag usapan namin ni Thunder.



"Fucking asshole!"nanggigigil na sabi niya habang masama ang tingin sa kung saan." Asaan ang gagong 'yon?"nagtitimping tanong niya saakin napailing na lamang ako mukhang mas affected siya kesa sa kin.



"Hindi ko alam, at wala na akong balak alamin" nagpapasalamat ako at hindi ako pumiyok sa pagsasalita ng tignan ko siya ay nakatingin pa rin ito sa kung saan.



"Can I..Can I go back to America?" maya maya ay tanong ko, alam ko namang papayag siya pero syempre mag papaalam pa rin ako ng ibaling niya sa akin ang paningin ay kumunot ang noo niya.




"Why?" nagtatakang tanong niya" You dont want here anymore?" dagdag pa niya umiling naman ako bilang pagtanggi






"No Gusto ko lang hanapin ang sarili ko gusto kong buuin muli ang sarili ko" mapait na sabi ko habang nakadungaw sa bintana

Secrets Of Thunder VasquezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon