5

20 5 0
                                    

CHAPTER FIVE : SPECIAL

JILLIAN'S POV

"Alam ko nasa bag ko 'yon eh," inilabas ko lahat ng gamit ko sa bag. Nasaan na ba yung phone ko?!??

"Relax, baka naiwan mo lang sa bahay ninyo." Paano ako magrerelax?!????

"Yung phone ko nawawala tapos sasabihin mong magrelax ako- aray!"pinitik niya ko sa noo! bwisiiit

"Labas na tayo-- oh sa'n punta mo?dito yung entrance, hoy."

Dali dali akong pumasok sa pinuntahan ko kanina, ano pa ba edi sa backstage.

_

"Wala din do'n." pagkaupo ko, may naramdaman akong kakaiba. Napasapo ako sa noo.

"May..may extra t-shirt ka ba?" tumingin siya sa'kin ng matagal at umiling. "Jacket?"

"Wala rin, bakit?" nang magets niya, nanlaki ang mata niya tsaka ako hinila palabas.

"Wait--silipin mo muna, hindi kasi ako sure."

"Saglit lang." Tumakbo siya na pinagtaka ko.
Oh, san pupunta yon?

-

"Grabe, akala ko kung anong trip yung pagsama mo ng babae, yun pala siya pasisisilipin mo." Natigil siya sa paghila sa'kin at pumunta sa likuran ko.

"M-mali, ako dapat ang nasa likod." natawa ako, nahihiya ba siya?

"Pfft, ako dapat ang mahiya dito kaso mukhang ikaw pa yung natagusan."

"Dito ka nalang, antayin mo ko." tumakbo siya pero bumalik din sa'kin, problema nito? "Huwag kang malikot, wag kang aalis diyan."

//////

"Grabe, maggagabi na tapos ngayon ka lang nakabalik." halos lamukin na ko dito.

"Oh," inilahad niya yung binili niyang napkin, teka bakit di man lang niya pinalagay sa plastic? "Do'n yung cr."

"namumula ka, first time mo lang ba bumili nito?" tumango siya kaya napatakip ako sa bibig ko.

"Woah, edi ngayon ka lang nakakita ng tagos?" ano ba 'tong tanong ko, hay bahala na kung lalaki kausap ko, kaibigan ko naman e. hindi siya sumagot.

Awkward.

"Wait lang, cr lang ako."

_

"Hindi mo alam?"

"Hindi bes, ang alam ko nag abroad yung papa niya tapos mababalitaan nalang nilang wala na yung negosyong pinaghirapan nila."

Pati ba naman sa cr may tsismosa.

"Excuse me..sinong pinag uusapan niyo?"hindi naman siguro masama magtanong.

"Friend namin, ba't mo natanong?"

"Ah, wala." akala ko si Winx ang pinag uusapan nila. Dapat pala hindi na ako nagtanong, nakakahiya!

-

"As in wala?!"

"hindi ka ba naniniwala?wala nga."

"Weh," tinusok ko siya sa tagiliran. Aamin din 'to."Talaga ba?"

"Uh-huh," hindi ako naniniwala, may itsura din 'to e, imposible.

"Wala ka bang niligawan noon?"

"Wala," napasapo ako sa noo ko. Mukhang totoo naman, ba't walang pumatol sakaniya?

"Bakit wala?di mo type mga babaeng nakilala mo?"

"Well ... yeah, and I'm obviously suck at flirting." Humagikhik ako at hindi na napigilan ang matawa. Napasimangot naman siya.

"Seryoso?! Hahahaha!"

Siniko ko siya, hindi ko pa rin mapigilan ang pagtawa ko. "Gusto mo ireto kita?"

"Ayoko," mabilis niyang pagtanggi.

hmmm, ba't ayaw niya?

"Ayoko muna maggirlfriend."

"Ba't naman ?????"

"I already have a special someone," umiwas siya ng tingin.

"Oh , ayun naman pala eh!"

"Pero natotorpe pa 'ko, tsaka ko na siya liligawan kapag..may lakas na ako ng loob. " Tumingin siya sa'kin at ginulo ang buhok ko.

"Uwi na tayo?" Pag aya ko.

"Iuwi kita?"


,,,,,,
°°°°°°°°°°°°

G-STRINGWhere stories live. Discover now