12

12 5 0
                                    


WHATEVER YOU WANT

WINSLET'S POV

It's been a week since Weia dropped out. Hindi ko alam kung ang dahilan niya ng pagpadrop out ay ang nangyari about sa painting. Magkatulad sila ng talent ni Callyl. Mahilig si Weia magpinta ng mga bagay sa paligid, napansin ko 'yon nung mga araw na sumasama siya sa G-string. Lagi siyang may dalang gamit pang paint. Si Callyl naman, mga itsura  ng tao ang pinipinta. Maski ang skin tone at ang anggulo ng ipinipinta n'ya, gayang gaya.

Ngayon naman, may panibago siyang problema. Kaya eto kami at pinapangaralan ng teacher napagsabihan ng problema ni Callyl.

"Art is a form of expression. And expressions aren't unique, aren't they? But what makes it beautiful is that everyone can relate to it into a certain degree and that what brings value to your art. "

"Sir!" The beautiful lady called Sir Reigh. Mukhang kailangan na nilang magturo.

"May klase pa 'ko, sana may natutunan kayo sa sinabi ko. Mauuna na ako." Kumaway siya bago tumakbo.

Galing niya siguro magturo.

"Siguro magpapahinga na muna ako," kinuha ni Callyl ang bag niya at tumayo pero pinigilan ko siya. Ayokong aalis siya na mabigat ang loob.

"Milktea tayo?" tinanggihan niya lang ako. I patted her back and tried to comfort her.

"Sa cafe muna?or sa G string?" umiling lang siya, siguro gusto niyang mapag isa. Pero ayaw ko namang magpaalam at umuwi na agad.

"If you're worried about not being 'original'... Cal, there is no such thing as original art. All artists uses references."

I pointed those people in front of us. She also looked at them.

"You see beautiful people, you draw them. see the great ocean view, or just the trees, you paint them. You steal ideas from something and create art out of it." I heard her sighed. "Pablo picasso says "Good artist copy, Great artist steal." don't worry about being told how you should do your art. You are the artist, draw whatever you want."

She finally smiled. I patted her back again and laugh at her.

"Why are you laughing?"

"Mukha kasi kitang kapatid na nawalan ng lollipop, tapos eto akong nagpapaka-ate na kinocomfort ka."

"Wow ha? So ganito pala ang feeling na may ateng magcocomfort sa'kin. Kaso 'di bagay sayong maging ate, mas bagay sayong maging nanay." Sinimangutan ko s'ya. Ang pasmado naman ng bibig nito.

We left the school and made our way home. Actually, hindi naman kami deretso agad umuwi, nag arcade muna at nagcoffee. Nakakawala rin ng stress ang paglilibang.

"Mom! I'm home!"

Dumiretso ako sa sala saka kumuha ng pitsel at nagsalin ng tubig sa baso.

"Ma, mader! Mommy! Saan nanaman kaya siya pumunta?"

Pumunta ako sa likod ng bahay para hanapin ang si Mom pero wala rin siya don, itatanong ko nalang nga kay ate Rosie.

"Ate?" Sumilip ako sa kwarto n'ya, abala siya sa pagliligpit ng mga damit at iba pa.

"Hala, hindi ko napansing nakauwi ka na.. tara sa sala, tamang tama at kakatapos ko lang magluto."

"Sige po. Sorry po sa abala, nasaan po si Mommy?"

"Umalis siya kaganina, hindi siya nagpaalam kung saan siya pupunta, e. Baka may ka-meeting lang yun."

Napatango nalang ako at nag aya nang kumain. Gusto ko sanang sabayan si Mom kumain kaso wala pala s'ya dito.

"Ate Rosie.. tingin mo, papayag siyang mag apartment ako ulit kasama si Jeyah?" Base sa reaction ni ate Rosie, mukhang hindi rin siya approve.

"Ang bilin ng Mommy mo sa'kin, huwag kang pasasamahin sa party at huwag kang papayagang gumala. Tapos ngayon tatanungin mo 'ko kung papayag ba ang mommy mo--"

"Halatang hindi papayag pati ikaw." Napangiwi ako. Gusto ko kasing samahan si Jeyah sa tinirahan naming apartment noon. Dun ulit siya ngayon magisstay muna dahil may problema sa business ang parents n'ya. Lagi daw silang nagtatalo kaya nagpaalam s'yang tumira ulit sa apartment.

"Tumawag ang Dad mo, ako ang nagsagot sa telepono dahil wala ang mommy mo. Gusto ka raw makausap."

Baka may kailangan nanaman siyang klaruhin. Laging ganon si Dad, kakausapin n'ya lang ako dahil may sinabi si Mom sa'kin tungkol sakanya. Lilinawin n'ya yon at sasabihin na, 'hindi totoo yon, hindi pa namin napag usapan yon'. Nasa ibang bansa s'ya ngayon, don siya nagtatrabaho. Para sa pamilya n'ya,  pero saang pamilya nga ba?

°°°°°°

G-STRINGWhere stories live. Discover now