CHAPTER NINE: FOR SALE
"Damsel, mapapagalitan ako kapag nalaman ng may ari ng bahay na pumasok ka diyan." She fucking ignored me. She gently opened the door and coughed.
"Ang alikabok naman dito," malamang, bodega kasi yang pinasukan mo.
Hinila ko na siya palabas at itong babaeng 'to, tumatawa pa. "Kelsey, wala naman akong gagawing masama!"
"Ewan ko sa'yo, magpalit ka na." Nahiga agad siya sa kama na hindi man lang tinatanggal ang sapatos niya.
Kung bahay ko ito, kanina ko pa sana siya pinalayas.
"Diyan ka lang, magluluto muna ako ng pwede mong makain."
At kung anak ko siya, sakit siguro sa ulo ang ibibigay niya sa'kin.
"Nasa sala niyo pala yung biniling gitara ni tito para sa'yo," tumango nalang ako. Iyon ang kanina pang sinasabi sa akin ni Damsel na sa akin raw iyon at binili lang kani kanina. "Gamitin mo yun ah?tinulungan ko si tito mamili ng gitara. Tignan mo na, ang ganda non."
Tumango ako ulit at bumaba para magluto, halos kami nalang yata ang gising dito. Lagpas 10 pm na kasi. May dala naman sigurong sasakyan si Damsel, kaso alangan namang pauwiin ko pagkatapos niya kumain.
_
Inaantay kong matapos si Damsel sa pag ubos ng pagkain na iniluto ko para mahugasan ko na agad, hindi ko alam kung may alam 'tong babaeng 'to sa household chores. Hindi ko na rin siya pinauwi dahil gabi na.
"Ang galing ko pumili, 'no?" She scrunched her nose while looking at Dad's gift. Hindi ko sana bubuksan dito sa sala pero pinilit ako ni Damsel.
"Maganda yung kulay, hindi ko alam na mag eeffort si Dad na bumili n'yan." I said as I rests my chin on my palm.
"Hay nako, nung wala pa kami sa airport, umiisip na si tito ng gitara na ireregalo sa'yo." Hindi ko alam kung ikatutuwa ko ba 'yon.
"Tapos ka na kumain? akin na yung plato mo, huhugasan ko na."
"Okay, thanks Kelsey! ako na magdadala ng gitara mo, una na ko sa room niyo ah? good night, love you!" dali dali niyang kinuha ang gitara ko at idinala na sa taas.
Matapos ko maghugas, umupo muna ako sa sofa at chineck ang oras sa phone ko. Pero dahil hindi pa ako inaantok, nagscroll muna ako sa Instagram. Nagbasa rin ako ng messages.
Bumugad ang message ni Nelo, ano nanamang trip nito.
Nelo:
Gnight:) -rvSi Raven yung nagmessage 'non? O baka pinag titripan ako ni Nelo? Bwisit talaga 'yon.
_
"Si Damsel?"
"Tulog na. Hayyy, simula na ng trabaho ko bukas," Buti pa siya, magsisimula na kasi siya sa trabaho niya sa pagiging accountant.
At ako naman, hindi pa alam kung matatanggap ako dahil hindi pa naman ako naiinterview.
"Uh Jeyah, I need to prepare for a formal job interview, wake me up at 6 am please? hindi na ako babalik sa pagtulog 'pag ginising mo ko promise." She laughed at me and patted my back.
"Kapag ikaw hindi gumising nang maaga, nako lalockan kita ng pinto."
[MONDAYDAYDAYDAY]
Maaga akong ginising ni Jeyah, nakalimutan kong
maaga rin pala siyang papasok sa trabaho.Niriready ko na yung resume para sa interview mamaya, doon ako mag aaply sa school na pinasukan ko dati. Gusto kong doon ako maging school nurse.
"Kelsey, psst." nilingon ko si Damsel, anong kelangan nito?
"Sa'kin nalang yung shower gel mo, please?"
"Nako! sinasabi ko sayo Sel, hindi mo mahihingi yung shower gel ng babaeng yan." Talaga lang.
"Huh? But it's just a shower gel Jei, ate Kelsey.. san mo nalang nabili yung shower--"
"Kay Raven mo itanong--" hindi natapos ni Jeyah ang sinasabi niya nang tawagin ko sila.
"Guys," nanlaki ang mata ko sa nakita ko. "May post si Callyl, nasa Gstring siya."
"Huh?di ba nag abroad yun?" Ibinaba ko ang phone ko sa mesa kaya tinignan yon nilang dalawa.
"May may-ari pala ng Gstring?"
Akala namin wala pa ring nagmamay-ari ng bahay na yon hanggang ngayon. Dumaan rin ako doon last week pero wala namang tao sa loob. Hindi rin ako pinagbawalan ng mga tao sa katabing bahay na pumasok doon.
"Aalis ka na ba Jeyah? Sasabay ako sayo."
"Wait, what?iiwan niyo ako dito? Anong Gstring? Iyon ba yung nasa post? Sama ako!" Nakalimutan kong nandito pa pala si Damsel.
_
"May sausage diyan, kumain ka. Winx, tara na." Sinabit ko ang sling bag ko sa balikat ko saka lumabas ng bahay kasama si Jeyah
"KELSEY! Bilhan mo 'ko ng shower gel!" Sigaw ni Damsel mula sa terrace. Hindi talaga siya pwede sa hindi niya bahay, baka mapalayas siya.
"Sino kaya ang may ari no'n?"
"Baka taga do'n lang rin."
_
"Good morning ma'am, titingin po kayo sa bahay?"
Bumugad sa'kin ang babaeng mukhang minor pa."Ah, oo..nandiyan ba yung may ari?"
"Nasa loob ho. Sa may itaas, naglilinis ho ng alikabok e. Pasok po kayo.." Tumigil ako sa paglakad papasok sa bahay.
Ano bang ginagawa ko? hindi naman sakin 'to. Hindi na dapat ako pumunta, baka may bibili na rin siguro. Dapat yung trabaho ko muna ang unahin ko, uuwi nalang ako.
"Sa susunod nalang pala ako titingin sa loob. Salamat," bago ako umalis, tinanong ko muna kung may interesado nang bumili ng bahay. Sabi naman ng babae, wala raw.
Hinawakan ko ang gate ng bahay at binuksan iyon. Pwede naman siguro ako mag ipon ng pera para ako na ang bumili nito?
°°°°°°°°°
'House for sale'