Chapter 08

2.7K 95 9
                                    

                    THEY KNOW

"Alam ko" sabi ni Kira

"Huh?"

"Alam namin.Alam namin na hindi ikaw ang totoong Prinsesa" she told me straight in my eyes.

Kinakabahan at hindi mapakali ay hindi ko iyon pinahalata sa kanila.I should not let them see that I'm scared.She sigh and then look at me seriously.

"At nandito kami para tulungan ka" at tinignan ang mga kasama.Tumango naman sina Yuri at Enisha.

"Tama,I know you already have a plan.We also have a plan." Si Yuri

"We don't have that much time,Ashianna" napasinghap ako.Paano nila nalaman??how did she know my name?

"P-paano?? Ano pa ang alam mo??" saad ko na may halong galit na.Pinaglalaruan nalang ba nila ako? This shit is a nonsense! Naguguluhan na talaga ako.I then take some consecutive deep breaths to calm myself first.Kumuyom ang aking mga kamay na sa aking kandungan.Is this just a kind of joke?this is not even funny anymore.

"Before the accident of the princess,a mysterious woman kept telling us...." She trailed off.

"Telling you what?! Tell me!"I almost shouted but I still stop myself to be loud.

Huminga ng malalim si Kira at tumingin kay Enisha.Tumango naman si Enisha at hinawakan ang kamay nito.Saka naman ito tumingin sa akin.

"Bantayan niyo ng maigi ang taong galing sa ibang mundo.Huwag niyo siyang iwanan.Alam ko't nalilito na kayo kaya sasabihin ko na sainyo 

The mysterious woman said.We were just busy cleaning in a room,nagulat nalang kami ng bigla nalang halos lahat ng mga gamit namin ay natapon.Umiilaw sa isang sulok ng silid at doon na namin nakita ang babaeng naka-maskara.May mahaba itong buhok,nakasuot rin ito ng black cloack.Ni hindi namin masulyapan ang kaniyang mukha.Kumapit naman agad si Yuri sa akin habang si Enisha naman ay hinahanda ang kaniyang sarili.

May kapangyarihan kaming tatlo.At oo,kahit wala kaming dugong royalty ay binayaan kami ng mga kapangyarihan na alam namin na sa isang araw ay may kapalit rin ito.

"Mawawalan ng malay ang Prinsesa Zhaylene at may papalit sa kaniya na galing sa ibang mundo.Hanapin niyo siya at pagkatiwalaan.Protektahan,kaibiganin at mahalin niyo siya ng tunay.Alam ko na nagtataka kayo kung nasaan na ang totoong prinsesa.Huwag kayong mag-alala,nagpapahinga lamang ito."

"Hindi ka namin kilala,paano mo masasabi na susundin namin ang iyong sinabi" matapang na tanong ni Enisha.

Tumingin sa aming tatlo ang direksyon ng babae.

"Kailangan niyong sundin at ibigay sa akin ang inyong tiwala."

Hindi kami agad nakasagot.Nagkatinginan ulit kaming tatlo.

"Wala kayong magagawa.Ito ang nakakatakda.Nakasalalay rito ang buhay ng mga tao." Winigaway-way nito ang mga palad at namangha kami sa aming nasaksihan.Bumungad sa amin ang isang babaeng may matapang na mukha.Maputi at mukhang mataray.She has this black hair jet,a pointed nose,blue oceanic eyes,red pouty lips and a rosy cheeks.

"Siya si Ashianna,ang papalit o mapupunta sa katawan ng Prinsesa.Galing siya sa ibang mundo ng normal na mga tao.Tungkolin niyo ang protektahan siya." She then clap her hands and the image was now gone.

"Ako ang nagbigay sa inyo ang kapangyarihan na hawak niyo ngayon."

Umawang aming mga labi.

"B-bakit kami ho ang inyong napili?" Si Yuri na mahiyain at madaling matakot ay ang nagtanong.Kahit nakamaskara ito ay nakita namin ang pagkibot ng labi nito.

"Kasi mapagkatiwalaan kayo.Hindi kayo masamang tao.May respeto kayo sa mga kapwa.You three has my blessings and my trust."

"The four Prince is what you need.Kailangan niyo sila.Ang kanilang mga kakayahan na walang kumpas at walang makakatalo.Kayong walo ang pag-asa sa kaharian"

Ngayon ay alam na namin at naunawaan ang sinabi ng mysteryosong babae.Kailangan na naming mahanap sinasabing Ashianna at ang mga Prinsipe.

"Alam kong wala kami sa posisyon para magtanong pero,ano po ba ang nakakatakdang mangyari?"tanong ko.

Lahat kami dito ay tensyonado.Nanginginig at tumataas ang aming balahibo dahil sa nasaksihan.

"Maghihiganti ang halimaw na ninakawan.Iyon ang pagkakamali ng inyong hari.Magsihanda kayo" tumalikod na ito sa amin at may paparating na ulit na ilaw na nasa katawan nito.

"Kailan ulit namin kayo makikita?"

Nakatalikod pa rin ito sa amin at hindi na kami hinarap.

"Magkikita muli tayo sa panahon ng digmaan.Tutulungan ko kayo." Lumingon ito sa amin na nakagilid.

"Paalam,aking mga tagapagligtas"

***********
Hi! Wala po palang plot twist itong story na ito kasi hindi ko alam kong paano ko ito gagawin haha lol.Anyways,thank you sa nagvo-vote at nagco-comment.I really mean it guys!! Tysm! So yeah,here's chapter 08.Enjoy reading my loves!!

PS: DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT YOUR THOUGHTS! STAY SAFE LUVLOTS!! ( ˘ ³˘)♥



















MAFIA QUEEN GOT  REINCARNATED TO A WEAK PRINCESS (ON-GOING) Where stories live. Discover now