EIGHT

758 29 9
                                    


Hindi na muli ako nakatulog pagka-alis ni Kevin sa kwarto ko. Gosh! Hindi na ako makamove-on sa kaisipang nandito siya kanina, nakikipagusap sa akin, habang wala akong bra!


Kaya pala namula siya! Kaya pala nakatitig siya sa akin kanina! That jerk, ang bastos niya! Manyak siya!


Hindi ko na alam kung anong nararamdaman ko. Pinaghalo halong inis, hiya at kaba. Hindi ko nga alam na kaya ko palang maramdaman 'yun ng sabay sabay.


Paikot ikot lang ako dito sa kama ko. I made sure na suot ko na ang bra ko dahil talagang ayoko ng mangyari ulit ang nangyari kanina.


Tumayo ako mula sa higaan at lumapit sa table kung saan nakapatong ang pitchel na may lamang tubig at may baso din doon.


I want to drink something. Pampakalma lang.


Napatalon ako nang biglang may nagdoor bell. Kinabahan ako nang maisip na si Kevin 'yon.


Gosh! Paano ko siya haharapin after ng nakakahiyang pangyayari na 'yon?


Pumasok sa loob si Kevin. I can't look at him in the eye. Sa ibang lugar lamang ako nakatingin habang siya ay seryoso at direktang nakatingin sa mata ko.


Tumikhim siya.


"Let's go." Seryoso niyang sabi.


Mabilis akong tumango at nanguna sa paglalakad palabas. He followed me silently as we walked towards the elevator.


Wala kaming imikan hanggang sa loob ng elevator. He casually put his hands inside his pocket.


Habang ako naman dito ay sobrang nakakaramdam ng awkwardness sa pagitan naming dalawa.


"You're silent." Sabi niya pagkatapos ng ilang minutong katahimikan.


I faked a cough. Hindi pa din ako makatingin sa kanya.


"Gusto mo bang mag-ingay ako?" Tanong ko, hindi pa din siya tinitingnan.


I can feel his stare on me. Dahil sa reflection na nakikita ko sa salamin ay napansin ko ang mariing titig niya sa akin.


His jaw moved as he sighed heavily. Bumuka ang bibig niya para sana magsalita pero hindi niya iyon tinuloy.


Naging tahimik muli kaming dalawa. I just played with my fingers while we are inside the elevator.


Para akong nakahinga ng maluwag nang tumunog ang 'ting'. Sign na nasa tamang floor na kami.


"Saan tayo pupunta?" Tanong ko sa kanya nang magkaroon na ng tao sa paligid.


At least hindi na kami nagso-solo. I can finally look at him, kahit na medyo may hiya at inis pa din akong nararamdaman.

The Lost BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon