TWELVE

689 33 8
                                    


Nasa reception na kami pero hindi pa din nawawala ang kakaibang tibok sa loob ng dibdib ko. I can't even look at Kevin now.


"Is there something wrong?" Magkatabi kami ng upuan ni Kevin at hindi ko din alam kung bakit.


Dapat kasi kanina ay lalayo ako sa kanya dahil nga dito sa putik na tibok ng puso ko. Ang kaso sinusundan ata ako ng gagong 'to.


Tahimik akong umiling, nasa unahan lamang ang paningin ko. Gustong gusto kong tumayo at maglakad papalayo kay Kevin kaya lang ay baka magtaka ito dahil sa gagawin ko.


Ramdam ko ang malalim na titig sa akin ni Kevin. Mas lalo tuloy kumakabog ang puso ko. Kahit na wala sa kanya ang paningin ko ay naninindig pa din ang balahibo ko dahil sa tingin niya sa akin.


"Dude! Let's go!" Napalingon ako sa aking gilid nang marinig  na naman ang boses ni Felix.


Sa halip na si Felix ang makita ko, mukha ni Kevin ang bumungad sa akin. My heart pounded fast as he stared at me with confusion.


"Why are you silent again?" Seryosong tanong ni Kevin sa akin.


No. This is so not good!


"Dude!" Naiinis na sabi ni Felix mula sa likod ni Kevin dahil hindi siya nito pinansin pero nanatili pa ding nakatingin sa akin si Kevin.


I bit my lower lip.


"Cristina, please! Palayain mo nga muna itong pinsan ko!" Napapakamot na sa kanyang ulo si Felix.


Napangiwi ako.


"Ha? Kinulong ko ba?" Inis kong sabi.


Tumaas ang kilay ni Felix.


"Hindi mo nga ikinulong, nagpapakulong naman sa'yo!" Agad na tumayo si Kevin at hinila si Felix papalayo.


Dumiretso sila sa mga kalalakihan na nag-iinuman. They sat beside the groom. Parang nagsumbong pa ata si Felix sa groom na tinawanan lang naman nito.


Habang si Kevin ay malamig ang mata akong nilingon. Agad akong nag-iwas ng tingin. Pumasok bigla sa utak ko ang sinabi ni Felix.


Anong ibig sabihin niya doon? I'm sure that what I'm thinking is not true. No, not now. Hindi pwede. Hindi pwedeng magkagusto ako sa kanya.


I need to... stop this.


Pero, shit naman. Bakit ang lakas pa din ng tibok ng puso ko?


Hanggang sa makabalik kami ng bahay ay hindi ko kinibo si Kevin. There's this weird thing going on inside my chest. Siguro'y iiwasan ko muna siya.

The Lost BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon