TWENTY FOUR

651 31 5
                                    


"Bukas pa ako makakauwi?" Inis kong sabi.


Andito ngayon sila Lola Siling at Renren sa hospital room ko. Kahapon ko pa tinatanong sa kanila kung pwede na ba akong umuwi. Ang kaso, kailangan ko pa daw mag-stay dito hanggang bukas dahil chine-check pa daw ng doktor ang likod ko.


"Dette, kailangan mong magpagaling. Huwag kang magmadaling umuwi at darating din ang araw na 'yon." Mahinahong sabi ni Lola.


Napabuntong hininga ako. Bored na bored na ako dito sa loob ng hospital. Saka, hindi na naman masyadong masakit ang likod ko.


Naigagalaw ko na siya ng maayos at kaunting kirot na lang ang nararamdaman.


Nakangiting lumapit sa akin si Renren, may hawak siyang papel. Si Lola naman ay nasa may table at pinagbabalat ako ng apple.


"Ate Ganda! Tingnan mo, perfect ako sa quiz namin." Pagyayabang ni Renren.


"Talaga? Patingin?" Ibinigay niya sa akin ang papel na hawak niya.


Napangiti ako nang makita ang perfect niyang score. Math pa ang subject, tungkol sa problems.


Naalala ko noong bata ako, hindi ako ganoon karunong pagdating sa math. Kung hindi zero, one ang score ko sa mga quiz.


Palagi nga akong napapagalitan ni Mom— Right. Hindi nga pala ako tunay na anak.


Thinking about my parents... ano na kayang nangyayari sa kanila? Are they okay? Naiahon na kaya nila ang hotel mula sa pagkakalugmok?


Nginitian ko si Renren na nakatitig lamang sa akin. Halatang hinihintay niya ang magiging reaksyon ko.


Ginulo ko ang buhok niya at ibinalik ang papel.


"Ang talino naman." Puri ko sa kanya katulad ng gusto niya.


Dahil sa ginawa ko ay napangiti si Renren. Biglang lumapit si Lola sa amin at iniabot sa akin ang hating apple na nasa maliit na sulyaw.


"Nasaan na nga pala si Kevin?" Tanong niya matapos kong abutin ang sulyaw.


Natigilan ako. Hindi ko mapigilan ang sumimangot. Sa limang araw kong pag-stay dito sa hospital, hindi nakakaligtaan ni Kevin na dumalaw.


Madalas nga'y siya pa ang nagbabantay sa akin. Tuwing kakausapin niya ako, nagkukunwari akony hindi siya naririnig or busy or tulog. As long as walang conversation na magaganap sa pagitan naming dalawa.


Kapag nag-uusap kasi kami'y palagi akong kinakabahan. Kaya ang nangyayari, nauuwi iyon sa pag-aaway.


"Hindi ko po alam."


The Lost BrideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon