"Whoa ang ganda dito!" Sabi ko kay ate, dinala kasi ako ni Ate sa lugar kung saan madalas sila noon ng boyfriend niya. Maaliwalas, malinis at sariwa pa ang hangin.. parang gugustuhin ko na lagi pumunta dito.
"Masyadong mataas na yung mga damo dito, wala na kasing naglilinis" sabi niya.
"Wala bang ahas dito?"
"Wala" sagot niya, napatingin ako kay Ate at alam kong malungkot siya ngayon.
"Tara may ipapakita ako sayo" aya niya sa akin saka ko hinila.
Marami kaming inikutan pero tanda ko pa naman kung saan ang labasan.
"Dito" aniya saka kami huminto. Ng mapagmasdan ko ay lugar ay lalo pa akong namangha! Wow
"Ang ganda dito ate" tuwang tuwang sabi ko, mayroon kasi ditong mga bulaklak, iba't ibang uri ng bulaklak! Pero may isa doon ay may kakaiba, siya lang ang naiiba.. dahil medyo nakaumbok ito na animo'y may ibinaon.
"Bakit ganun 'yun ate--?"
"May nakabaon diyan" aniya, sabi na nga bat ehh!!! Ang galing ko talaga!
"Anong nakabaon dun ate?"
"Box"
"Huwaaaatttt?"
"Yeah, box yun, pero hindi lang siya basta-basta box, doon nakalagay ang mga letter namin ni Luke noon."
"L-letter?"
"Yeah, simula sa 1ts month, hanggang 2nd anniversary" malungkot na sabi niya, kaya naman hindi ko rin maiwasang malungkot.
"P-puwede bang hukayin natin at basahin?---kung okay lang sayo" naiilang na tanong ko. Hindi siya sumagot pero sinenyasan niya ako na sumunod sa kaniya.
.
.
.
"At ito ang huli" aniya sabay bigay sa akin ng makukulay na dalawang letter. "Ito ang letter ko na ibinigay ko sa kaniya at ito naman ang letter na ibinigay niya sa akin" sabi niya pa.
Una ko munang binuksan yung kay Ate.
Dear Love:*
Happy second anniversary love, always remember na nandito lang ako palagi para sayo, sana marami pang anniversary ang dumaan sa atin no? I love you so much love ikaw lang ang minahal ko ng ganito.. at hindi ko hahayaan na mapunta ka sa iba hahaha, hindi ko na 'to pahahabain pa dahil alam ko naman na ayaw mong magbasa ng mahaba.. i love you so much, love always and forever muaah!
Love: Riana:)
Sunod naman yung kay Luke.
Dear: My love
Happy second anniversary my love! I love you i love you i love you i love you i love you i love you i love you i love you i love you i love you.. Love!! I love you always and forever i love you soooo mucchhh!!
Bigla naman akong kinilig sa letter ni luke, he's so sweet!
"Hindi ba siya napagod magsulat nito?" Tanong ko kay ate.
"Hahaha hindi ah, ayaw niyang magbasa ng mahaba pero gusto niyang nagsusulat ng mahaba" sabi niya. Astig naman non
"Ang sweet niya noh?" Tanong sa akin ni Ate kaya naman nakangiti akong tumango.
"Ang kaso, hindi manlang niya sinabi kung ano ang dahilan kung bakit niya ako bin-reak"
"Sshh, ayos lang 'yan ate" sabi ko sa kaniya.
"Tinatatagan ko lang yung sarili ko Liana.. kung akala ninyo na madali 'yung ginagawa ko? h-hindi madali, dahil sa tuwing gigising ako siya ang unang papasok sa isip ko, itatanong kung ano ang kulang sa akin" umiiyak na sambit niya.
"Sssshhhh tahan na ate"
"L-liana, puwede bang iwan mo muna ako s-saglit?" Tanong niya sa akin, aangal sana ako kaso naisip ko na baka gusto lang mapag-isa ni Ate, kaya naman tumango na lang ako at niyakap siya bago umalis.
Nakalabas naman ako kaagad dahil kanina habang pumupunta kami dito ni ate ay kumuha ako ng sitsirya at ipinagtatapon kung saan man kami dadaan. Talino ko noh? Hahaha.
Habang walang magawa ay nag ikot-ikot muna ako dito, tama nga si ate malalaki na ang mga damo dito dahil napabayaan na.
*Kling kling kling kling* huwag kayong judgemental tunog ng ice cream 'yan haha.
"Kuya pabili po"
"Anong flavor ineng?"
"May cookies and cream po ba kayo?"
"Meron ija"
"Isang 10 nga po" sabi ko.
"Oh heto oh"
"Salamat po" sabi ko saka umalis, infairness ah ang sarap ng ice cream, kamusta kaya si at--
Bibili pa sana ako ng ice cream para kay ate pero pagkalingon ko ay malayo na si Kuyang sorbetero, sayang naman..
"Saan naman kaya ako pupunta neto?" Tanong ko sa sarili ko.
Nang wala akong maisip ay umupo na lang muna ako sa mga damo-damo at kinuha ang cp.
One message
To: Faye
Hello girl, kitakits na lang bukas sa gate;)
May pasok na nga pala bukas, so yun lagi akong nag-aabang sa gate para hintayin si Faye at ang iba kong friends, bale four kaming magkakaibigan, ako, si faye, si Wendy at si Zhara sila-sila ang friends ko sa school. Pero si Faye talaga ang pinaka malapit sa akin.
*Kring kring*
~Ate Ria calling...
[Hello ate!]
[Ahh hi, balik ka na dito]
[sure ka diyan?]
[Yeah]
[Okay sige, punta na ako diyan]
[Okay bye.]
*toot*
.
.
.
Nasaan na ba 'yun?! Ang pagkakatanda ko ay dito ang daan pero bakit wala dito si ate? Saka wala na yung mga flowers. Baka naman naligaw ako?
Hindi ko rin makita yung sitsirya na pinagtatapon ko kanina lang, baka naman may kumain nun? Aish! Puwede naman siyang himingi sa akin! Ng tignan ko ang cp ko ay lowbat na kaya hindi ko na matawagan si Ate!
Saan na ako pupunta nito?
"Kaylangan mo ba ng tulong?"
"Ay palaka!" Nagulat ako ng biglang may mag salita sa likuran ko. Unti-unti akong humarap at nagulat ako kung sino ang nakita ko! Yung lalaki sa perya!
At sa pangalawang pagkakataon ay kusa na lang ulit bumilis ang tibok ng puso ko.
........
;)
BINABASA MO ANG
His ex-girlfriend (SOON)
Roman d'amourLove at first sight? iyan ang naramdaman ni Liana ng una niyang makita ang lalaking unang nagpatibok ng puso niya, pero paano kung ang lalaking 'yun ay may tinatago pa lang sikreto na ikaw mismo ang makakabunyag, kakayanin mo kaya? Paano kung mismon...