Chapter 1

243 19 2
                                    

Ace: hi, guys! Sorry medyo maraming pangyayari lang ang naganap kaya ngayon lang ulit nakapagupdate. May kaunting pagbabago lang sa story ni Charity kaya baka malito kayo. ,😁😁😁 Enjoy reading!!!

-------------------------------------------------------+

"Ang tumal ng dating ng mga customers ngayon. Marami pa naman akong nakatenggang bayarin," nakasimangot na sabi kay Maria ng katabing si Stella. Nakatayo sila sa may madilim na bahagi ng kalsada kasama ang iba pang kababaihan na tulad nila ay nagbebenta ng panandaliang aliw.

Nagpakawala siya nang malalim na hininga. "Oo nga e. Nakapila na rin ang mga bayarin ko."

"Pero ang suwerte mo a. May hitsura ang naging customer mo kagabi," nakangising sabi nito. Isang linggo na mula noong nagtrabaho si Maria sa lugar na iyon at nakagaanan kaagad niya ng loob si Stella. "Parang gusto kong subukan ang outfit mo ngayon."

Saglit niyang pinasadahan ng tingin ang hitsura. Naughty school girl ang naisipan niyang theme ng costume niya para sa gabing iyon. Hapit na hapit ang suot niyang puting blouse na nakabukas ang dalawang butones kaya naman kitang-kita ang suot niyang black lace bra, nakasuot din siya ng pleated skirt na umabot hanggang ibaba ng puwet ang haba, puting medyas na umabot hanggang kalahati ng hita ang haba na tinernuhan niya ng itim na high-heeled shoes. To complete the look, she was also wearing an eyeglasses and her hair was in pigtails. 

May humintong sasakyan sa may tapat nila at kaagad na lumapit si Stella. Siya naman ay pasimpleng iginala ang tingin sa paligid at ng masigurong walang nakatingin sa kanya ay itinuon ang atensiyon sa two-storey building na nasa tapat nila. Pasimpleng hinaplos ni Maria ang itaas na bahagi ng frame ng suot na salamin hanggang sa magzoom iyon sa may entrance ng building kung saan nakatayo ng isang bantay. Pinindot niya ang ilalim na bahagi ng frame ng salamin na nagsisilbing capture button.

Bumukas ang pinto at lumabas ang tatlong lalaking nakasuot ng itim na long sleeves. Parang may sumipa sa dibdib niya ng makita ang babaeng huling lumabas. Her thumb automatically pressed the capture button. Hindi na niya namalayan na kusang gumalaw ang mga paa niya patawid sa kabilang bahagi ng kalsada para lapitan ang mga ito, pero nakakailang hakbang pa lang siya nang maramdaman ang paghila sa kamay niya. Kasabay ng malakas na busina ng dumaang sasakyan.

Nalingunan niya si Stella na puno nang pag-aalala ang mga mata. "Maria! Okay ka lang ba? Muntik ka nang mabunggo." Puno ng pag-aalalang sabi nito.

Ilang beses siyang napakurap. Charity suddenly remembered that she was working as Maria. Muli niyang tiningnan ang tapat ng building pero wala na roon ang babae at ang mga kasama nito. Tanging taillights na lang ng sasakyan ang  nakita niya.

"Sorry, akala ko kasi nakakita ako ng kakilala," pilit ang ngiting sabi niya rito.
"Sigurado ka bang okay ka na?" Nakangiti siyang tumango. "Mauuna na muna ako sa iyo," malapad ang ngiting sabi nito bago sumakay sa sasakyang huminto kanina at kumaway pa sa kanya bago umalis.

Nagpakawala siya nang malalim na hininga para kalmahin ang sarili. Nararamdaman pa rin niya ang panginginig ng katawan at ang mabilis na tibok ng puso niya. Hindi siya puwedeng magkamali sa nakita. Dammit, bakit sa lahat ng lugar ay doon pa niya ito nakita?

"THIS IS CALYX Sorentes and he is our next target." Mula sa files na nasa harap ni Charity ay nag-angat siya nang tingin sa malaking screen kung saan nakaflash ang mukha ni Calyx Sorentes.

"He is thirty-five years old at may-ari ng ilang hotel and resorts sa buong bansa. At ayon sa tip na nakuha ko ay pinaghihinalaang malaki ang involvement niya sa grupo no Congressman Moreno pero walang makuhang matibay na ebidensiya laban sa kanya kaya naman hanggang ngayon ay malaya pa rin siyang nakakagalaw," dagdag ng kasamahan niyang si Marjayrie na nakaupo sa kabilang panig ng conference table na  malapit sa may screen.

Nasa top floor iyon ng building na pag-aari ng kasamahan niyang si Marjayrie. Iyon ang nagsisilbing head quarters na grupong kinabibilangan niya na mas kilala sa tawag na VIGILANTES. Ang pangunahing misyon ng grupo nila ay siguraduhing mananagot sa batas ang lahat ng kriminal, lalo na iyong mga nagtatago sa batas gamit ang pera at impluwensiya. Bukod sa kanya ay may lima pang miyembro ang VIGILANTES: ang leader nilang si Archer, ang sniper na si Zai, ang combat expert nilang si Archer, ang information specialist at tech genius nilang si Marjayrie at ang tulad niyang primary role ang data gathering at infiltration na si Earl.

Narinig niya ang mahinang pagmumura ng katabi niyang si Earl. Ang Congressman na binanggit ni Marjayrie ay ang huling misyon ng grupo nila. Ang akala nila ay tuluyan na nilang naitumba ang human trafficking syndicate na pinamumunuan ng Congressman pero nagkamali sila dahil may mas malaki pa palang sindikato ang nasa likod niyon.

"According to Charity and Earl's report for the past week, iisang babae lang ang madalas makitang malapit kay Sorentes."
Naikuyom ni Charity ang mga palad nang magflash ang mukha ng babaeng nakita niyang palabas sa building na pag-aari ni Calyx.

"Did you find anything about her?" Tanong ni Archer.

Umiling si Marjayrie. "Walang nagmamatch sa facial recognition sa data base ng NBI at records ng iba pang government agencies kaya hanggang ngayon ay hindi pa rin natin alam ang identity niya."

"Paano tayo makakalapit kay Sorentes?" tanong ni Zai.

In-adjust ni Marjayrie ang salaming nawala sa puwesto. "Masyadong paranoid si Sorentes at maingat ang bawat galaw niya kaya mahihirapan tayo kung sa kanya tayo mismo lalapit."

Napatuwid siya nang upo nang dumako sa gawi niya ang tingin ng mga ito. "Cha, kailangan mong makalapit kay Calyx sa pamamagitan ng pinsan niyang si Klyde Padilla. That way, hindi maghihinala si Sorentes that you're after him. Isesend ko sa iyo ang cover na gagamitin mo. Nasa Japan si Klyde at next week pa ang balik so you have one week to be Felicity Rivas."

"Copy," puno nang determinasyong sabi niya. She will make sure that this mission will be successful.



VIGILANTES BOOK 3: CHARITY, THE CHAMELEONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon