Ace: Hi, guys! Pasensiya na sa inyo at ang tagal ko mag-update. T_T Maraming salamat po sa lahat ng naghintay sa soty nina Charity at Vien. Sana magustuhan ninyo ang Chapter na ito. ^_^
________________________________________________________________________________
ISANG BESES pang pinasadahan nang tingin ni Charity ang mukha mula sa rearview mirror ng sasakyan para sigurong maayos ang hitsura niya. Walang mag-aakala na ang matangos niyang ilong at hitsura ay resulta ng nilagay niyang nose wax at makeup. She made her eyes looked bigger with eyeshadow, eyeliner and gray contact lenses. Siguradong mahihirapan din ang mga kasamahan niyang makilala ang hitsura niya dahil malayo iyon sa hitsura niya kapag walang makeup.
Nasa may parking lot siya ng isang restaurant kung saan nila napagkasunduang magkita ni Kylde. Pagkatapos ng 'aksidenteng' pagkikita nila noong isang linggo at halos araw-araw na palitan ng mga text messages. Ilang beses niyang tinanggihan ang pagyayaya nitong lumabas hanggang sa pumayag na siya nang tumawag ito sa kanya noong nakaraang gabi.
Nang masigurong maayos na ang hitsura niya ay tumingin siya sa wristwatch. Suot ang pulang bodycon dress at stilettos, ay pumasok si Charity sa restaurant. Kaagad naman niyang nakita si Kylde na tumayo noong nakita siya.
"Hello, gorgeous," malapad ang ngiting bati nito sa kanya bago siya mabilis na hinalikan sa pisngi. Ipinaghila siya nito nang upuan.
"You're not bad yourself," nakangiting sagot niya rito. Nakasuot ito ng itim na long-sleeved shirt na nakarolyo hanggang sa siko nito. Hindi na siya magtataka na naging isang modelo ito bago nito napagpasyahang magtayo ng business nito.
"So, how's work?" tanong nito habang sinesenyasan ang waiter na kaagad namang lumapit sa kanila.
Matamis niya itong nginitian. "Nagpe-prepare na ako sa review ko sa isang beauty skin care products. How about you, kumusta ang business?" aniya matapos maibigay ang mga order nila. Sa ilang araw nilang pagpapalitan ng mga messages ay nabanggit nito sa kanya ang tungkol sa trabaho nito at ilang mga bagay na pinagkakaabalahan nito.
"The business is good," malapad ang ngiting sagot nito.
"So, bakit mo naisipang magmanage ng bar at nightclubs?" kunwa'y puno ng kuryosidad na tanong niya rito.
He grinned. "To tell you honestly madalas ako sa mga nightclubs noon kaya naman noong s-in-uggest ni Kuya Calyx na mag-open kami ng bar at nightclub at ako ang magmamanage, hindi na ako nakatanggi."
"Your older brother?" kunwa'y tanong niya rito.
"My cousin."
Tumango siya. "Mukhang close kayong dalawa."
"Yes. Actually para ko na rin siyang kapatid."
"Bukod sa bar at nightclubs, mayroon pa ba kayong ibang businesses ng pinsan mo?" Nang ilang segundo itong hindi nakasagot ay nagsalita ulit siya. "Sorry, hindi mo kailangang sagutin ang tanong ko. Minsan kasi hindi ko rin mapigilan ang bibig ko," she said apologetically.
"No, it's okay. Ang bar at dalawang nightclubs lang ang business venture namin ni Kuya Calyx pero marami pa siyang ibang minamanage na businesses. Sobrang workaholic ang isang iyon."
Bago pa man makapagtanong ulit si Charity ay biglang tumunog ang cellphone nito. He tried to ignore it at first pero nang mag-ring iyon ng pangalawang beses ay kinuha na nito sa bulsa ang cellphone. Nakita niya ang pagkunot ng noo nito nang makita kung sino ang caller. "Sorry, it's the club manager, I need to take this call."
BINABASA MO ANG
VIGILANTES BOOK 3: CHARITY, THE CHAMELEON
RomanceCharity's latest mission is to infiltrate a human trafficking syndicate. Kailangan niyang makakuha ng impormasyon at ebidensiya laban sa pinaghihinalaang leader ng sindikato na si Calyx Sorentes, at para makalapit dito ay kailangan muna niyang makip...