Chapter 4

141 15 9
                                    

Ace: hi, guys! gulat kayo no ^_^ pasensiya na at sobrang tagal bago makapag-update medyo may mga bagay-bagay lang na kailangang asikasuhin. Maraming salamat sa patuloy na naghihintay ng updates. Sana magustuhan ninyo ang chapter na ito. 

Enjoy reading! 

------------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

"SORRY ULIT at kailangan nating umalis kanina," Klyde said apologetically.

"You don't have to apologize, Klyde. Naiintindihan ko. Is everything all right?" tanong ni Charity habang pasimpleng iginala ang tingin sa kabuuan ng opisina ni Kylde. Pagpasok ay bumungad ang sitting area na nasa gitna ng opisina nito na may apat na one-seated leather couch. Sa gilid naman ng desk nito ay mayroong tatlong malalaking screen kung saan nakalitaw ang mga CCTV camera feeds.

Iginiya siya ni Klyde sa isa sa mga leather couch. "Yes. May mga kinailangan lang kaming pag-usapan. "

Napakunot-noo siya nang may mapansin. "Umalis na ang pinsan mo? Hindi ko siya nakitang lumabas ng opisina mo."

Bahagya itong natawa. "Lagi niyang ginagamit ang exit sa opisina ko. May kailangan pa siyang puntahan kaya hindi na rin siya nagtagal."

Namilog ang mata niya. "Mayroon kang secret door dito sa opisina mo? That's so cool."

Kyle seemed pleased at makahulugan siya nitong tiningnan. "Kung magkaroon ng chance na available si Kuya at hindi ka busy, ipapakilala kita sa kanya."

Umangat ang sulok ng mga labi niya. "I would love that."

Nakarinig sila ng sunud-sunod na katok at nang buksan ni Klyde ang pinto ay may dalawang staff nito ang may dalang tig-isang tray ng pagkain at inumin. Inilapag iyon ng mga ito sa coffe table na nasa gitna ng sitting area.

"Now, I hope you like chinese food?"

"Yes, thank you."

Pagkatapos nitong lagyan ng pagkain ang isang plato ay inabot iyon sa kanya ni Klyde. Halos hindi naubos ni Charity ang pagkain niya dahil ramdam niya ang pagtitig ng lalaki. Tumikhim siya at nag-angat ng tingin. Tama nga siya na nakatitig ito sa kanya. "May dumi ba ako sa mukha?"

Dumukwang si Klyde at inipit ang ilang hibla ng buhok niya sa likod ng tainga. "I just can't belive how beautiful you are, Serenity." Sinapo nito ang kanyang pisngi at unti-unting inilapit ang mukha sa kanya.

This was not the first time that Charity flirted and seduced someone to gain information but there was something insise her that kept on yelling that this is not right.

Napatuwid sila nang upo nang tatlong magkakasunod na katok sa pinto bago iyon bumukas. She heard Klyde silenty curse under his breath at nahigit niya ang hininga nang makitang si Vien ang pumasok. Kinastigo niya ang sarili nang makaramdam ng guilt nang makita ang pagtiim-bagang nito.

"I have to go," anito kay Klyde. Muling bumilis ang tibok ng puso niya nang balingan siya nito. "Nice to meet you, Serenity. Hope to see you soon."

"Nice to meet you too, Vien."

Muling lumingon sa kanya si Klyde nang muling sumara ang pinto. "So where were we?" Malapad ang pagkakangiti nito habang palapit sa kanya nang bigla namang tumunog ang landline nito. Naisuklay nito ang daliri sa buhok at mababakas ang frustration sa mukha.

"What? Okay. Hintayin ninyo ako diyan." He looked like someone kicked his puppy. "I'm sorry, Serenity."

"Sinabi ko na sa iyong hindi mo na kailangang mag-apologize. Hindi na rin ako magtatagal pa, Klyde."

VIGILANTES BOOK 3: CHARITY, THE CHAMELEONTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon